Kristoffer Martin insists Joyce Ching is not yet his girlfriend

"Mahirap namang sabihin kong kami na, pero hindi naman, para lang ma-please ko yung mga naniniwalang kami na. Siguro hintayin na lang natin sa mga susunod na araw. If ever naman kasi na maging kami, hindi naman namin ililihim yun sa mga fans namin; sila ang unang makakaalam. ’Tsaka, bakit ko naman itatago kung totoo naman, di ba?" says Kristoffer Martin about his rumored relationship with Joyce Ching.


Marami ang nakakapuna sa sweetness ng tween stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, na kilala rin bilang tambalang "KrisJoy" sa teen-oriented show ng GMA-7 na Tween Hearts.

Matagal-tagal na ring napapabalitang may relasyon na diumano ang dalawa, kaya naman hindi maiwasang mag-isip ng ilan na baka nga sila na at itinatago lang nila ito sa publiko dahil bata pa sila.

Pero ayon kay Kristoffer, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng upcoming afternoon soap na Ikaw Lang ang Mamahalin sa GMA-7, close friends lang sila ni Joyce at walang ligawang nagaganap.

"Kami na ba ni Joyce? Hindi po, friends lang kami, as in close friends.

"Sweet lang talaga ako sa mga babaeng nakakasama ko.

"Kami kasi ni Joyce, as loveteam, sobrang okey sa isa’t isa," sabi niya.

Sabi pa ni Kristoffer, marami raw silang bagay na pinagkakasunduan ni Joyce.

"Marami talagang bagay na pareho naming nae-enjoy kaya kahit kami lang ang magkasama, masaya na kami.

"Pero hindi naman ibig sabihin na porke’t okey kami, kami nang dalawa.

"Bawal pa po yun. Career at trabaho muna bago lovelife."

Dagdag niya, "Pero hindi ko naman itinatago na crush ko si Joyce.

"Alam naman niya yun, at siya ang pinakamalapit na babae sa buhay ko, sunod sa mommy ko.

"Pero wala pa talagang ligawang nagaganap dahil mag gusto naming mag-focus muna sa work.

"’Tsaka as loveteam, dapat click kami. Dapat magandang tingnan at may kilig kapag magkasama kami. "

Hindi kaya sinagot na siya ni Joyce at inililihim lang nila?

"Napaka-vocal kong tao, kung anong nararamdaman ko, yun yung sinasabi ko.

"Mahirap namang sabihin kong kami na, pero hindi naman, para lang ma-please ko yung mga naniniwalang kami na.

"Siguro hintayin na lang natin sa mga susunod na araw.

"If ever naman kasi na maging kami, hindi naman namin ililihim yun sa mga fans namin; sila ang unang makakaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tsaka, bakit ko naman itatago kung totoo naman, di ba?

"Proud ako kung saka-sakaling sinagot na nga ako ni Joyce kaya handa kong aminin ’yon sa kahit na sinong magtatanong sa akin.

"Ang kaso, hindi pa talaga kami kaya wala talaga akong aaminin sa inyo.

"Hayaan na lang nating dumating yung time na maging kami talaga at sabay kaming aamin.

"Katulad po ng sabi ko, career muna at studies ang gusto naming tutukan ni Joyce, at saka na yung tungkol sa lovelife.

"Basta sa ngayon, happy kami na magkasama almost every day sa trabaho at mga lakaran."

Lalo nga raw silang magiging close ni Joyce dahil magkasama rin sila sa Ikaw Lang ang Mamahalin, na tinatampukan din ng tambalan nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Ang Ikaw Lang ang Mamahalin ay remake ng dating primetime series ng GMA-7 na pinagbidahan nina Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, Sherwin Ordoñez, at Cogie Domingo.

"Gagampanan ko dito yung role ni Jepoy, na ginampanan noon ni Cogie Domingo.

"Excited na kabado na nga ako kasi apat kaming magdadala sa show na ito.

"Sana lang magustuhan ng mga manonood at tangkilikin din nila katulad ng pagtangkilik nila sa mga previous shows namin ni Joyce."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN