Will Devaughn believes in God for the first time; becomes a Born Again Christian

Will Devaughn on how he became a Born Again Christian: "Let’s just say sa mga nangyari sa buhay ko. Like what I said, sa puso ko, parang may kulang. Kahit may pera, kahit may kotse, kahit lahat, parang something’s missing, e. Kasi never akong nag-pray. Never akong nakipag-usap kay God. Never."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hunky star na si Will Devaughn last Tuesday, September 13 sa presscon ng afternoon series na Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Pangalawang project na ito ni Will for GMA-7. Ang una ay ang Dwarfina na pinagbidahan ni Heart Evangelista.

Ano ang role ni Will sa Kung Aagawin Mo Ang Langit?

"Waldy Buenafe, isang pre-school teacher, gym teacher at sculptor. So magaling siya with his hands. Artist.

"And he’s very interested in Ellery Martinez. May gusto siya kay Ellery which is Carla Abellana. Good boy ako dito," umpisang pahayag ni Will.

Love triangle sila nina Mike Tan at Carla? Mag-aagawan ba sila ni Mike (as Jonas Alejandro) kay Carla?

"Oo. At ako naman yung friend lang ni Carla dito. Friend lang ang tingin niya sa akin."

Palabas na sa Lunes ang Kung Aagawin Mo Ang Langit sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

LEARNS COURTSHIP. Kinumusta ng PEP ang lovelife ni Will at dito namin napag-alaman na kahit naging sila noon, ngayon lang siya nanliligaw kay Wendy Valdez.

"Alam mo, sa totoo lang, courting stage! Let’s just say starting over na."

Naging sila noon, although hindi matandaan ni Will ang eksaktong petsa noong naging mag-on sila ni Wendy.

"Alam mo, hindi ko alam. Hindi ako magaling sa mga dates."

Kailan sila nag-break?

"A few months ago, a few months ago."

So nililigawan niya ngayon si Wendy, na hindi raw niya niligawan noon.

"I’ve never courted her before kaya gusto ko siya mai-court."

Paano sila nagkaroon ng relasyon dati? Basta naging sila na?

"Parang ganun."

No courtship?

"Wala."

So now...

"Gusto ko siya iku-court para at least parang... never kong ginawa yun sa babae.

"So iyon kaya mas masarap, or mas maganda pag kinu-court.

"Actually, no’ng pumunta ako dito sa Philippines, hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng ’court’.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in, ’Ano yun’?"

Galing sa Amerika si Will.

"Kaya parang... hindi talaga uso dun. Parang ’Tayo na!’. Diretso na.

"So ngayon, parang may ibang respeto ako for [the] word court.

"Parang, hindi puwedeng agad na dapat magiging kayo. Hindi puwedeng ganun.

"Dapat, you should know each other on a more personal level.

"Even kung puwede, spiritual level din."

SPIRITUAL WILL. Ang isa pang nakagugulat na nadiskubre ng PEP kay Will ay ang pagiging spiritual niya ngayon.

"Let’s just say last July 30th, I was born again."

He was converted?

"Never. Hindi naman converted. Parang ... I never had a religion!"

Hindi rin siya Catholic before?

"Hindi, e."

Ano siya dati?

"Wala!"

He was not baptized?

"No.

"My mom, hindi siya Catholic. Hindi siya Christian."

Hindi naman daw sila pagan. At hindi naman daw sila yung tipong walang kinikilalang Diyos.

"No, no, no. My mom believes in God. She prays.

"Pero ever since growing up hindi ko talaga alam na nagpe-pray siya on a regular basis.

"Akala ko parang, ’Ano mom, do you believe in God?’

"Hindi ko alam kung may... alam ko naman na they believe in God.

"Pero our family, parang hindi sila verbal, or expressive."

Paano niya na-practice dati ang faith niya growing up?

"I didn’t know God, I didn’t go to church, ever.

"Isang beses lang. Parang yung kidnapping ritual, na kasi may tao na lumapit. Sabi niya ’Ay, may pizza party ha, on Sunday!’

"Tapos na-excite ako nun. Ten years old ako. So, kaya nung pumunta ako dun, church pala. Tapos pizza party pagkatapos ng service."

Sino ang nang-"kidnap" sa kanya?

"Basta may mga ano, hindi ko kilala, Strangers lang na lumapit lang."

Hindi siya natakot?

"Medyo. Kaya pumunta ako dun para sa pizza!" tawa pa niya.

Sino ang nag-encourage sa kanya na maging Born Again?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, wala. Calling talaga. Parang laging may kulang sa buhay ko. Lagi.

"Parang alam mo yung kahit anong gawin ko sa buhay, parang laging may kulang."

At ang kulang ay...

"Diyos!"

Ano ang nagtulak sa kanya?

"Let’s just say sa mga nangyari sa buhay ko. Like what I said, sa puso ko, parang may kulang.

"Kahit may pera, kahit may kotse, kahit lahat, parang something’s missing, e.

"Kasi never akong nag-pray. Never akong nakipag-usap kay God. Never."

So ngayon wala nang kulang?

"Wala," nakangiti niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN