Luchi Cruz-Valdez dreams of interviewing Willie Revillame one-on-one

Luchi Cruz-Valdez on why she wants to interview Willie Revillame: "He is an enigma, I think. Si Willie kasi, ang laki ng impluwensiya ng taong ’yan, ha. I probably won’t ask him about his girls because sa akin parang wala namang epekto sa viewers yun, di ba? Parang whoever his girlfriend is. And so? Gusto ko talagang malaman, ’What drives you? Are you for real? You are giving away so much money and your own personal money most of the t


Sa dinami-dami ng local showbiz personalities, si Willie Revillame pala ang pangarap na maka-one-on-one interview ni Luchi Cruz-Valdes, ang NEWS5 chief at senior vice president for news and information.

"I dream of interviewing Willie Revillame in-depth. I dream of it," pagsisiwalat ni Luchi.

Ito nga ang nalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap si Luchi sa presscon ng Anggulo kagabi, September 14, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Si Luchi ang anchor ng Anggulo, ang bagong public-affairs show ng news and information division ng TV5 na napapanood tuwing Miyerkules ng gabi pagkatapos ng Aksyon Journalismo.

Kasama niya rito ang senior correspondents na sina Jove Francisco, Ina Zara, Benjie Dorango, Roices Naguit-Sibal, at Maricel Halili.

Napapanood din ang Anggulo sa mas maagang timeslot, 8:30 p.m., sa Aksyon TV (Channel 41 sa Mega Manila, Channel 29 sa Metro Cebu at Davao, Channel 1 sa Cignal Digital TV, at Channel 59 sa Sky Cable).

Nag-pilot ang Anggulo noong September 7, tampok si Jinkee Pacquiao, at kagabi naman ay napanood ang kontrobersiyal na pamilya ng mga Ampatuan.

Si Willie nga ang isa sa mga gustong ilinyang subjects ni Luchi sa Anggulo para ma-interview nang malaliman.

Bakit isang pangarap kay Luchi na ma-interview si Willie samantalang madali naman para sa kanya na gawin ito dahil magkasama naman sila sa Kapatid network?

"Meron akong ilusyon na kaya kong i-draw out ang tunay na Willie.

"Meron akong ilusyon na ganun. Feeling ko, di ba, you want to know more [about him]," sabi ni Luchi.

Paano kung magbigay ng restrictions si Willie sa interview, itutuloy pa rin ba niya ito?

"Well, that’s not a dream interview. Actually, meron talagang restrictions kaya nga hindi matuluy-tuloy.

"I want to do an interview, dapat no-holds-barred, di ba?"

Ibig sabihin, sinubukan na niyang makipag-usap kay Willie?

"I tried a couple of times, pero ganun nga ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa refuse, pero parang tinatanong niya lagi yung scope ng interview."

WHAT’S WITH WILLIE? Ano ba ang gusto niyang ilabas sa pagkatao ni Willie?

"He is an enigma, I think. Si Willie kasi, ang laki ng impluwensiya ng taong ’yan, ha.

"I probably won’t ask him about his girls because sa akin, parang wala namang epekto sa viewers yun, di ba?

"Parang whoever his girlfriend is. And so?

"Gusto ko talagang malaman, ’What drives you? Are you for real?

"You are giving away so much money and your own personal money most of the time.

"What’s driving you [to do that]? Are you a saint?’

"You know what I mean? Ang sarap alamin, di ba?

"I’ve seen the guy and he’s very nice. I’ve also heard stories about him being very intense.

"Ang sarap, e. Ang sarap ianggulo."

May restrictions ba ang TV5 management tungkol sa pagre-report kay Willie?

"Wala naman. But we also know that it’s a very sensitive issue to him.

"So, ang hinihingi lang sa amin... actually, hindi ng management. Ang hinihingi sa amin ni Willie.

"Because we have a good relationship with Willie, e. Hindi naman siya nagsasalita, yung lawyers na niya, e.

"Sinasabi nila na, ’Hoy, bigyan n’yo naman kami ng konting ano [spot] sa news.’

"Kami naman, sinasabi naman namin na, ’Well, we can only give you this much exposure kasi we have to treat you as a news story.

"There was only one time na ni-request ng presidente namin na interbyuhin siya [Willie] nang live sa Aksyon.

"Humingi siya talaga. ’Luchi, bigyan mo naman ako ng spot.’ Ito yung tinatawag na silang pedophile ng isang guy.

"Pati ang TV5 tinawag na pedophile. Parang sinabi niya, ’I just have to answer that guy.’

"So, yun, binigyan namin siya ng airtime. Pero, kinuha rin namin yung side nung guy, pero ayaw naman niyang magpa-interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, that was I think the only time na matatawag mo na medyo matimbang yung side ng TV5 doon sa issue," paliwanag ni Luchi.

Bilang isang news person, ano ang ina-admire niya kay Willie Revillame?

"I admire what he does. No matter what you say, ang dami niyang natutulungan.

"You know, it’s easy for people to say, ’E, ang dami naman niyang pera, e.’

"E, bakit ikaw, pag binigyan ba kita ng sampung milyon, mamimigay ka ba ng kahit isang milyon doon?

"E, si Willie, hindi naman niya kaanu-ano itong mga ito, pero kung magpamudmod ng pera, P50,000, P100,000, di ba?"

GAME CHANGER. Agree ba siya na mas humataw ang TV5 sa pagdating ni Willie sa network?

"Oh, yes, definitely. We never denied it. Pero now, in fairness to us, we also started to carry our own programs in our own ways.

"Kasi kailangan lang na magkaroon ka ng tinatawag na ’game changer’.

"Kasi pag wala yun, hindi ka papansinin, e. Nung dumating si Willie, nilagay namin siya sa primetime, ayun na.

"So, pinansin ngayon kami. Tapos pinasok na namin yung mga teleserye, like Babaeng Hampaslupa.

"Yung Aksyon [Journalismo] is rating very well in its timeslot."

Proud din si Luchi na sabihing ngayon ay umaariba na rin ang news programs ng TV5.

"You know, before we put Aksyon up. Ang timeslot niya was 5:45 p.m. to 6:30 p.m., remember?

"Ngayon it’s 6-6:30 because of T3. Galing ako sa GMA at sa ABS, laging bagsak ang 6 o’clock.

"Hindi pa siya oras para sa news. Sobrang engraved na yung 6:30 news habit.

"So, it was a challenge for us, you know na nasa 6 o’clock kami. Wala pa yung mga tao [sa bahay].

"Tingnan mo ha, kung ikaw alam mo na may TV Patrol at 24 Oras ng 6:30, uuwi ka ba ng 6 o’clock para panoorin ang Aksyon? Bakit? Hindi ka magkukumahog, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But you know, now we have created our own niche. So, there is now a new market for news.

"And that to me is for the benefit of news. Lumawak ang market for news.

"So, that’s our contribution. We may not be able to steal audiences from TV Patrol and 24 Oras, but we created our own.

"We now have a bigger place for news."

OTHER DREAM INTERVIEWS. Bukod kay Willie, gusto ring ma-interview ni Luchi maging ang iba pang artista kahit sa kalabang TV stations.

"Of course, kami pa. Wala naman kaming pinoprotektahang stars. Ang GMA at ABS-CBN lang naman ang ganun, di ba?

"Kami, okay lang kahit nire-reject kami. Kasi sila may policy sila, di ba? Pero kami, kung papayag sila, sure."

Maging sa mga pulitiko ay may dream interview rin siya para sa Anggulo.

"We wanted to interview PNoy [President Noynoy Aquino].

"We’re waiting for the right time. Kailangan i-timing mo rin, e."

Kahit ang presidente ng Amerika ay gusto rin niyang ma-interview.

"Of course, I dream of interviewing Barack Obama, now ha.

"Hindi ko alam if I would still dream of it pag natalo siya sa eleksyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN