Ian Batherson says he can do butt exposure but not frontal nudity

"Oo, lagi akong nagwo-workout. I go to the gym a lot. Underwear, puwede. Puwede, I’m game!" says Ian Batherson when asked if he can do butt exposure in movies. But when asked if he’s willing to do frontal nudity, he laughed and said, "No!"


Nakasalubong namin kahapon, September 14, sa GMA Network Center ang StarStruck avenger na si Ian Bartherson.

Minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na interbyuhin si Ian, lalo pa nga’t "kapatid" niya bilang talent ng Mercator ni Jonas Gaffud ang Miss Universe 2011 3rd runner-up na si Shamcey Supsup.

Aniya, "Sobrang saya po ako kasi, pati si Venus [Raj], di ba, parang Mercator [talent din] siya.

"Kasi magaling si Jonas, e, para sa mga pageants, di ba?

"Parang everything na mahawakan niya turns to gold para sa mga pageants.

"So, sobrang saya. Masaya ako ’tsaka proud ako para sa kanya [Shamcey] kasi parehas kami ng manager.

"And she’s also from Mercator, so parang I’m just proud talaga ako.

"And maganda siya, matalino siya, the total package," pahayag ni Ian.

WILL MISS JACKIE. Magtatapos na ang Sisid ngayong Biyernes, September 16, kung saan isa si Ian sa cast ng seryeng pinagbibidahan ni Jackie Rice.

"Matatapos na po. I had fun, kasi it’s pretty memorable.

"Kasi ito yung pinaka-first na teleserye ko. So, sobrang memorable ito.

"’Tsaka it was fun and parang... I will always remember it as my first soap.

"So, in my stage as a young artist, I just feel na parang, it’s kind of nakakalungkot.

"Pero, I’m just happy na I can move on to more things."

Sino ang mami-miss niya sa Sisid?

"Mami-miss ko silang lahat. Pero, di ba, si JC [Tiuseco, another Sisid cast member] taga-Mercator? So, lagi ko siyang makikita.

"Pero, mami-miss ko rin si Jackie. To work with Jackie kasi sobrang bait niya. She’s just a nice girl.

"Ang bait niya. Tapos she always gives me tips sa acting.

"Lagi akong tinutulungan, kasi hindi ako experienced, di ba, sa acting?

"So I’ll miss her, and the staff din, mami-miss ko sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga, lahat sila, they’re so nice."

MISSING AHRON? Speaking of mami-miss, nami-miss kaya niya si Ahron Villena?

Ka-batch ni Ian si Ahron sa Survivor Philippines Celebrity Edition at naging close friends sila. To the point na binansagan pa ngang "bromance" (brotherly romance) ang namagitan sa kanilang pagkakaibigan.

"Actually, minsan lumalabas po kami," banggit ni Ian.

Silang dalawa lang?

"Hindi. Hindi, with friends and we’re just enjoying, having a good time.

"Nag-e-enjoy ako, it’s fun."

Kailan niya huling nakita si Ahron?

"Kasi taga-Eastwood ako, e. Lagi siya doon. I see him sometimes.

"Minsan nagkakasalubong kami, we just say hi na lang."

Nasa TV5 na si Ahron ngayon. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Grabe! Kahit anong station, puwede, di ba? Di ba, dati nasa [Channel] 2 siya?"

Nagsabi ba sa kanya si Ahron na lilipat ito?

"Oo, alam ko na. Basically masaya ako para sa kanya.

"Hopefully I can follow in his footsteps and do that."

Na makalipat sa ibang station? Hindi ba siya masaya sa GMA-7?

"I am, pero it’s just... why not do all of it? Pag freelance ka na."

Nabawasan ba ang friendship nila ni Ahron nang lumipat ito sa TV5?

"Hindi naman. It’s just a station lang, it’s not a friendship."

May contract pa si Ian sa Kapuso network.

"Baka I have one more year, o isang taon at kalahati pa."

Ginagawa ni Ian ang makakaya niya para mapagbuti ang kanyang career.

"Nagta-Tagalog lessons ako lagi sa bahay.

"I have a tutor. So hopefully pag fluent na yung Tagalog ko, I can make big moves sa career ko.

"So, magtatrabaho ako mabuti. Aayusin ko ang Tagalog ko

"At saka hopefully, tuluy-tuloy ang career ko. To get more shows. To be more recognized," sinabi pa ni Ian.

DARING IAN. Ano ang next project ni Ian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May movie ako with Regal Films. It’s in the works.

"Kasama ko sina Daniel Matsunaga. So, I’m just waiting lang."

Sexy ang pelikulang gagawin niya?

"Malamang!"

Ready naman daw si Ian na magpaseksi.

"Oo, lagi akong nagwo-workout. I go to the gym a lot."

Hanggang saan ang kaya niyang paghuhubad?

"Underwear, puwede."

Butt exposure?

"Puwede, I’m game!"

Frontal nudity?

"No!" sabay tawa niya nang malakas


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN