Lovi Poe finds Jake Cuenca "neat and stylish"; says she can talk to him about anything

"Yung pananamit niya. I think [he’s] very stylish and neat. Sa ugali naman, he’s really funny. Fun to be with," says Lovie on what she likes about Jake Cuenca.


Pagkatapos ng pelikulang My Neighbor’s Wife, kung saan napasabak si Lovi Poe sa mga mapangahas na eksena, marami ang nagtatanong sa aktres kung tuluy-tuloy na ba ang kanyang pagiging daring.

"No naman," sabi ng aktres sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ako, nagkataon lang na my character here [My Neighbor’s Wife], my role is mature.

"But it doesn’t mean that I’ll keep doing stuff like this.

"But then, I’m open to doing anything naman as long as it’s an acting piece."

Cover siya ng latest FHM issue kung saan sobrang sexy rin ang pictorials niya. Aware ba siya na "desirable" ngayon ang dating niya sa mga kalalakihan?

"Talaga?" natawang reaksiyon ni Lovi. "Parang hindi ako naniniwala."

REASON OF BREAKUP? Kahit nga si Jake Cuenca na co-star niya, nababalitang nabighani rin daw sa kanya while they were doing My Neighbor’s Wife, kung saan nagkaroon sila ng mainit na love scene.

Hindi tuloy maiwasan na may mag-isip na baka isa raw si Lovi sa mga posibleng naging dahilan ng breakup ng aktor at ni Melissa Ricks. Lalo pa at sinasabi nga na si Jake daw ang nakipag-break kay Melissa.

Pero ayon sa Kapuso actress, "You know, for me, labas na ako diyan. I think it’s best na hindi ako manghimasok diyan.

"Because, kumbaga, respeto ko na iyon sa kanilang dalawa."

Hindi talaga siya pinormahan ni Jake? Ka-date pa nga siya nito sa nakaraang Star Magic Ball, di ba?

"You know, kami ni Jake, maganda ang pinagsamahan namin dito sa pelikula.

"And right now, let’s just leave it that way."

Hindi pa siya open to entertain suitors ulit?

"Anything is fine for me. A, I’m actually free to do anything I want.

"But then...ayun. Masaya ako ngayon sa trabaho, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masyado rin akong busy. Mahirap maisingit yung tungkol diyan."

TO STAY UNATTACHED? Desisyon niya talaga not to go out muna with someone?

"Well, I have my moment!" natawa ulit ang aktres.

And during that moment na sinasabi niya, ano yung kanyang ginagawa?

"Secret ko na lang iyon," matipid na sagot ni Lovi.

But for sure, she has so many suitors ngayon?

"Wala. Hindi naman ako ligawin, e."

Yung ganda niyang ’yan at sexy pa? Walang maniniwalang hindi siya ligawin.

"Hindi talaga. Hindi ako ligawin," diin niya.

Nai-intimidate ang guys, gano’n?

"Oo. Talagang oo daw, o! " tawa pa niya.

"Hanggang friendship at pakikipagbarkada lang muna ako.

"And hindi ko naman masasabi kung gaano katagal bago ulit ako magkaroon ng lovelife.

"Mangyayari at mangyayari na lang yun. But then now, I’m happy.

"I’m not saying all the while, work lang yung iniisip ko.

"But of course I’m happy rin with the other things."

JAKE IS... With Jake, vocal naman sa pagsasabi si Lovi na she has found a person daw na she can talk to about anything.

"It’s best na gano’n lang. We’re close friends."

Single si Jake ngayon. Single din siya. So, may possibility na magkagustuhan sila dahil magkasundo naman pala sila?

"I don’t know. Hindi ko masasagot iyan sa ngayon."

Pero puwede bang masabi na si Jake is her type of man?

"Well, uhm... I think he’s very good. Lahat naman ng good traits nakikita ko sa kanya.

"But then, sa ngayon... wala. Ganito na lang muna."

She likes Jake as a person. Pero, ano ang pinakagusto niya about him physically?

"Yung pananamit niya. I think [he’s] very stylish and neat.

"Sa ugali naman, he’s really funny. Fun to be with."

SPARE MY EX? Kumusta naman pala sila ngayon ng ex-boyfriend niyang si Ronald Singson? Nagkakausap pa ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it’s best na hindi muna pag-usapan [si Ronald]. Kasi ano... parang masyadong maselan [to talk about him], na sensitive."

Wala na bang chance talaga na mag-reconcile sila in the future?

"You know what, uhm... marami pang puwedeng mangyari. So, hindi ako makakapagsalita nang patapos."

Hindi niya isinasara ang pinto niya for Ronald?

"Uhm... bahala na.

"Sa ngayon, career ang focus ko. Trabaho muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN