Joyce Ching reasons out why she’s sweet and close to Kristoffer Martin

Joyce Ching on being extra sweet with loveteam partner Kristoffer Martin: "Malambing at jolly person [siya]. Di lang naman sa akin kundi maging sa mga kasamahan namin sa Tweenhearts. Sweet siya talaga. Kami kasi ni Kristoffer, super close kaming dalawa. As in close talaga! Papano ba naman kasi kaming hindi magiging close, e, kaming dalawa yung laging magkasama at magkausap?"


Slim at napakaaliwalas ng aura ng isa sa top tween stars ng GMA-7 na si Joyce Ching nang makausap siya ng PEP.ph (Philiipine Entertainment Portal) recently.

Naganap ang interview sa pictorial para sa promo ng upcoming afternoon soap na Ikaw Lang Ang Mamahalin sa Studio 1 ng GMA Network.

Ang itinuturong dahilan kung bakit mas gumaganda si Joyce ngayon ay ang kanyang ka-loveteam na si Kristoffer Martin na napapabalitang "special someone" niya ngayon.

"Grabe naman!" natatawang sabi ni Joyce sa aming obserbasyon.

"Hindi naman porke’t payat ako ngayon ay dahil kay Kristoffer.

"Siguro lang, dahil sa sobrang puyat sa halos araw-araw na trabaho.

"Tatlo kasi ang regular shows ko ngayon. Ang Tween Hearts, Party Pilipinas, at Munting Heredera," pag-lilista pa niya sa kanyang mga pinagkakaabalahang palabas.

"’Tsaka gusto ko rin talagang magpapayat. Para maiba naman ang magiging bati sa akin ng mga makakasalubong ko.

"At hindi na yung, ’Ang taba mo naman.’ Kundi, ’Ang payat mo ngayon, ha.’

"Di ba, para maiba naman?" tawa niya ulit nang malakas.

Dagdag pa ni Joyce, "Mabilis kasi akong tumaba, e. Pero, mabilis din naman po akong pumayat.

"This time, gusto ko na talagang ma-maintain yung payat ako.

"Ayoko na talagang tumaba, kasi ayoko ng nakakantiyawan.

"’Tsaka kung makita man nila kaming sweet ni Kristoffer every time na magkasama kami, kasi ganoon talaga siya. Napaka-sweet na tao.

"Malambing at jolly person. Di lang naman sa akin kundi maging sa mga kasamahan namin sa Tween Hearts. Sweet siya talaga.

"Kami kasi ni Kristoffer, super close kaming dalawa. As in close talaga!

"Papano ba naman kasi kaming hindi magiging close, e, kaming dalawa yung laging magkasama at magkausap?

"Dahil kami yung magkasama. Dahil kami ang magka-loveteam," hagikhik pa niya.

ABOUT US? Ano naman yung kalimitang pinag-uusapan nilang dalawa?

"Marami. Yung mga bagay na gusto namin. O kaya, kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag si Kristoffer kasi ang kasama mo, madaldal ’yan.

"Hindi nauubusan ng kuwento. Kaya naman nag-e-enjoy akong kasama siya. Kasi, napapatawa niya ako.

"About sa school niya... kasi kahit maraming show yun, nagagawa pa rin niyang pumasok sa San Beda.

"Masipag kasi yun. Tinatanong ko siya kung kaya niya pa bang pagsabayin yung school at showbiz.

"At sabi niya, kaya pa naman niya."

Hindi ba sumasagi sa usapan nila yung tungkol sa kanilang dalawa?

"Minsan! Kung ano yung mga plano ko at plano niya sa buhay.

"Mga dreams namin na gustong maisakatuparan sa darating na panahon.

"Marami na halos pareho naming gusto. Pero, walang ligawan.

"Hindi namin napag-uusapan yun. Alam naman kasi ni Kristoffer na trabaho yung first priority ko

"At alam ko na ganun din naman siya."

HE MAKES ME GLOW? Pag nababanggit daw si Kristoffer sa kanya, nag-iiba ang kanyang ngiti at mas sumasaya siya?

"Lagi naman akong masaya, di ba. Si Kristoffer kasi, kahit siguro sino ang maging close sa kanya, sasabihing espesyal siya.

"Mahusay kasi siyang makisama. Bukod pa sa masayahin siyang tao.

"Parang hindi yata niya kayang sumimangot. Parang kahit galit siya, parang nakangiti pa rin siya."

SUPPORT US! For sure, masaya sila ni Kristoffer dahil mas magiging madalas silang magkasama sa bago nilang teleserye with Barbie Forteza at Joshua Dionisio?

"Sobra-sobrang excited na medyo kabado kasi, apat kami ditong huhusgahan ng mga manonood.

"Kasi, kaming apat yung bida dito sa Ikaw Lang Ang Mamahalin."

Ang Ikaw Lang Ang Mamahalin ay remake ng primetime series noon ng GMA-7 na pinagbidahan nina Angelika Dela Cruz, Sherwin Ordoñez, Sunshine Dizon, at Cogie Domingo.

"Bale gagampanan ko dito ang role ni Ate Sunshine. Alam naman natin kung gaano kagaling si Ate Sunshine Dizon.

"Na sobrang dami na rin ng acting award yung nakuha [na niya].

"Kaya nga medyo kabado ako kasi madrama daw ang ILAM [Ikaw Lang Ang Mamahalin].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana magampanan ko nang maganda yung role na ibinigay sa akin ng GMA-7.

"At sana suportahan ako ng mga fans naming apat.

"Basta ngayong October abangan na lang nila sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7 ang Ikaw Lang Ang Mamahalin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN