Erik Santos says there’s no gap between him and former manager Boy Abunda

Matapos ang pag-alis ng TV host at talent manager na si Boy Abunda sa talent management na Backroom, kumalat ang usap-usapan na nagtampo raw ang isa niyang alaga na si Erik Santos. Pero nilinaw ni Erik na, "Tampuhan? Wala, wala naman, wala naman tampuhan."


"The Ultimate Serenader."

Ito ang bagong titulo ngayon sa OPM ballad singer na si Erik Santos, na nag-release ng kanyang co-produced album na Awit Para Sa ’Yo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media si Erik sa Don Henricos Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kagabi, September 15.

Dito ay sinabi niya kung bakit siya binansagan na "Ultimate Serenader."

"Gusto lang kasi ng Star [Magic] na maging strong yung aking image as a balladeer," saad niya.

"So, since balladeer naman ako, and since puro ballad naman yung nasa album ko, so we put it in the title.

"Kumbaga, ini-input nila sa album ko yung title na ’yan."

NEW MANAGEMENT. Si Erik ay co-managed na ngayon ng talent managements na Star Magic at Corner Stone.

Ito’y matapos iwanan ng TV host at talent manager na si Boy Abunda ang Backroom, na siyang talent management noon ni Erik. (CLICK HERE for related article.)

Paano ang naging negosasyon ng Backroom at Star Magic sa kanyang paglipat?

"A, kasi there are changes sa management and there are some decisions that... that has to be made.

"Uhm, bale nagkaroon kasi ng mga pag-uusap dun... in the management and each artist.

"So, ayun, kumbaga, nasa pag-uusap po ng management at saka nung artist."

Bagamat tila biglaan ang naging desisyon ni Boy na iwanan ang Backroom, wala naman daw tampo si Erik sa kanyang dating manager.

"Tampuhan? Wala, wala naman, wala naman tampuhan," pagtanggi ni Erik.

"Actually, uhm, Tito Boy [Abunda] and I talked already and we’re okay.

"We’re okay and nakapag-usap na kami matagal na, so wala naman problema.

"Kasi, itong album na ’to, ano pa rin, e, Backroom pa rin yung nakipag-coordinate, nakipag-usap sa Star [Records].

"We talked na, okey naman yung pag-uusap namin and Tita Mariole [Alberto] of Star Magic and Tito Boy, nag-usap na din sila, okey naman po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula nang magsimula si Erik, ang Backroom na ang nag-handle ng kanyang career. Kaya naman pag-amin niya, naging mahirap sa kanya ang iwanan ito.

Gayunman, masaya din daw siya ngayon na parte na siya ng Star Magic family.

Aniya, "Sa totoo lang ano, e, for me, after Backroom, parang ang hirap kung sino yung isipin mong magma-manage sa ’yo.

"Kasi, you came from an excellent team. So, wala kong na-consider talaga kundi yung Star Magic, coming from a excellent team na nag-handle sa ’yo.

"So, Star Magic talaga yung unang-unang naisip ko para po mag-handle ng singing career ko.

"I’m very grateful naman and thankful naman ako na kinonsider nila ako na maging part ng huge family nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN