Jake Cuenca decides to keep mum about reason of breakup with Melissa Ricks

"Tulad nga ng sabi ko, kaya naging successful ang relationship namin, hindi namin binuklat. So, ngayong break na kami, hindi ibig sabihin na porke’t break na kami, puwede ko nang ibuklat at idetalye sa mga tao ang rason. Sa akin lang talaga, when it comes to Mel, I pray for her. I wish her the best," says Jake Cuenca when asked for the reason of his breakup with Melissa Ricks.


First time ni Jake Cuenca na rumampa sa annual Cosmo Bachelor Bash.

Hindi kasama sa centerfolds this year si Jake, pero naglaan siya ng oras para makaparampa sa 2011 Cosmo Bachelor Bash held last night, September 15, at the World Trade Center in Pasay City.

Sa VTR pa lang ni Jake, kung saan tila nangti-tease ang actor, hiyawan na ang audience, partikular na ang mga kababaihan.

Mas lalong lumakas ang hiyawan nang lumabas na sa stage si Jake.

Pero hindi gaya ng mga nauna niyang pagrampa, tulad sa Bench underwear shows, mas tamed ang ginawa niya kagabi.

But nevertheless, nandoon pa rin ang panunukso niya sa audience.

Masaya si Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng WTC right after the show.

"Masaya, masaya. Lahat kami rito. Lahat ng mga lalaki ngayon dito, masayang-masaya," simula niya.

"Nag-enjoy ako. I just had fun at the stage. Sobrang saya."

TEASE WITH EASE. Hindi na bago kay Jake ang rumampa na nakahubad or naka-trunks lang. Very evident ang confidence niya onstage.

Sabi pa nga niya, "Oo nga, e. Kami nga ni Aljur [Abrenica], pareho pa kaming nag-decide na bumaba ng stage.

"Masaya lang. May sakit pa nga ako kaninang umaga. Nawala bigla sa sobrang tuwa."

Kung ikukumpara niya ang naging experience niya ngayon sa Cosmo Bachelor Bash sa past experiences niya sa mga event ng Bench, may pagkakaiba ba?

"Siyempre sa akin, iba pa rin ang Bench. Siyempre, mahal na mahal ko ang Bench.

"Pero with Cosmo Bash, hayop! Nakatutok talaga sila sa ’yo," sabi niya.

Jake opened the 69 Cosmo Men, pero hanggang finale ay hindi siya umalis at napanood pa rin.

Aniya, "Opening lang ako dito. Para sa kanila ’to.

"Tonight is for the centerfolds. Para sa nag-cover, for everything.

"So, ang sa akin, nandito lang din ako para sumuporta sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga lang, nag-enjoy ako at sobrang tuwang-tuwa lang din ako na nandito ako ngayong gabi."

Game naman daw siya kung sakali at gugustuhin pa rin siya ng mga taga-Cosmo na maging part ng bash next year.

"Kahit ano naman, basta gusto nila, game ako. No problem."

WHY NOW? Sa isang banda, kung kailan ilang buwan nang hiwalay sila ni Melissa Ricks, ’tsaka naman ngayon mas napag-uusapan ang breakup nila.

Ngayon pa rin lang nagsasalita si Melissa at umiiyak sa interviews. (CLICK HERE to read related story.)

And as much as Jake wants to avoid talking about it, yung naging breakup pa rin nila ang madalas na naitatanong sa kanya.

"Okay na, nasabi ko nang lahat sa E-Live.

"Sa akin, siguro it’s gonna take time for now na magkaayos kami.

"Pero, eventually, alam ko, in my heart, maaayos ’yan.

"Kasi, magkaibigan talaga kami ni Mel.

"Siguro sa ngayon, I guess, kailangan lang talaga namin ng space.

"Kailangan namin ng konting oras," saad niya.

Nasa punto raw si Jake na kung anuman ang sabihin ng ex-girlfriend sa interviews nito ay hindi na niya kokontrahin.

"Kung ano ang sabihin ni Mel, yun na yun. Okay na ako do’n."

Ipinagpapalagay ng iba na hindi pa makapag-move on si Melissa sa kanilang breakup. May ginawa bang move si Jake para maayos ito?

"Ayoko na kasing mag-explain. Sa akin na lang yun," sabi ng aktor.

"Lahat naman ng kailangan kong gawin [nagawa ko na]. Siguro, kailangan kong gawin para sa kanya, para maayos yun.

"Kung anuman ang mero’n sa aming dalawa, kami na lang ang makakaayos nun."

Dugtong din niya, "Pero tulad nga ng sinabi ko, kung anuman ang sabihin ni Mel, that’s what it is.

"At saka sa akin, tulad ng sinabi ko sa E-Live, bilang lalaki, tatanggapin ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And no matter what happens, wala akong sasabihing masama tungkol kay Mel."

Was there any guilt feelings on his part?

"Alam kong may mga pagkakamali ako, but I’m learning from that," sambit niya.

CAREER VS. MELISSA? We told him na ang impression din sa mga naglalabasang pahayag, tila career ang naging reason kaya sila naghiwalay, especially on his part. Ano ang masasabi niya rito?

"Pagdating sa career, masaya kami ni Mel. May sarili siyang show.

"Ako, masaya ko sa tinatakbo ng career ko. Basta kung anuman ang rason na yun.

"Tulad nga ng sabi ko, kaya naging successful ang relationship namin, hindi namin binuklat.

"So, ngayong break na kami, hindi ibig sabihin na porke’t break na kami, puwede ko nang ibuklat at idetalye sa mga tao ang rason.

"Sa akin lang talaga, when it comes to Mel, I pray for her. I wish her the best.

"Congratulations sa Nasaan Ka Elisa dahil napakalaking success and I’ll always be here to support her," pahayag ni Jake.

Kung noong Star Magic Ball ay inimbitahan ni Jake ang co-star niya sa pelikulang My Neighbor’s Wife na si Lovi Poe, ngayon naman daw, wala siyang inimbitahan na special girl sa Cosmo Bachelor Bash.

"I’m happy being single. Ang kasama ko lang, ang road manager ko at manager ko ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN