Kyla is cheerfully ready to become Mrs. Rich Alvarez

Singer Kyla and basketball player Rich Alvarez are set to marry on November 28, 2011.


Nang dumating ang magkasintahang sina Kyla at Rich Alvarez sa store opening ng Terranova sa SM Mall of Asia kahapon, Setyembre 15, ilan sa mga reporter ay nagtanong kung kasal na ba sila.

Tila mag-asawa na kasing tingnan ang dalawa, sabi pa ng isang reporter.

Hindi pa ganap na Mrs. Alvarez ang R&B Princess dahil sa November 28 pa magaganap ang kanyang pakikipag-isang dibdib sa basketbolistang boyfriend. (CLICK HERE to read related article.)

At tulad ng iba pang malapit nang ikasal, parehong tuwa at kaba umano ang nararamdaman ngayon ng singer.

"Medyo kinakabahan na ako!" sabi ni Kyla sa maiksing panayam sa kanila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

"Gusto ko lang maging smooth ang wedding.

"Gusto ko lang maging plantsado lahat.

"Sana walang problema, lahat masaya. So, nakakakaba sa part na ’yon."

Traditional church wedding ang magiging kasal nina Kyla at Rich sa isang simbahan sa Maynila.

Ayon kay Kyla, mas mainam daw ito para sa kanilang mga kamag-anak at panauhin.

Kuwento pa niya, "Actually noong una, dapat beach wedding.

"Kaya lang, sabi ko, kailangang i-consider din ang mga friends namin and lahat ng guests.

"So, sabi namin, huwag na lang para okay na rin for everyone."

Inaasahan din na dadaluhan ng mga kilalang personalidad sa show business at basketball ang kasal nina Kyla at Rich.

At ilan sa mga nauna nang nabanggit ni Kyla ay ang kanilang magiging ninong at ninang—ang mag-asawang Regine at Ogie Alcasid.

Makakasama naman sa secondary sponsors ang co-singers ni Kyla sa Party Pilipinas na sina Jolina Magdangal at Rachelle Ann Go.

Sa dulo ng panayam, tinanong ng PEP kung handa na si Kyla na maging Mrs. Alavarez, hindi na ito nag-isip pa at buong pusong sinabi na:

"Oo! Reding-ready na!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN