TJ Trinidad says wedding with non-showbiz girlfriend could be this year or next; wants to do romantic comedy for a change

TJ Trinidad on news he’s tying the knot with longtime non-showbiz girlfriend: "Possible next year. Possible this year. We’ll see if plans will go accordingly. Everyone will know naman. We’ll relate it naman in a proper... well, kapag kasado na’ng lahat. We’ll make an announcement. But if ever, we want it simple and a quiet wedding lang naman."


Pulis ang character na ginagampanan ni TJ Trinidad sa bagong horror film ng GMA Films, The Road, sa direksiyon ni Yam Laranas.

Kung sanay ang mga manonood na nakikita si TJ bilang kontrabida sa karamihan ng serye ng Kapuso network—kagaya ng role niya sa Captain Barbell—this time, good guy naman daw siya.

Ayon kay TJ, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng The Road sa may Lagro, Quezon City noong Miyerkules, September 14, "Ako yung pulis na nag-i-investigate sa mga disappearance.

"Ako yung magdi-discover ng mga body nila. Tapos, pag-unearth ko ng bagong bangkay, may lumalabas na evidence."

Nakagawa na si TJ ng horror movies in the past, like Kulam with Judy Ann Santos, and Patient X, na idinirek din ni Yam Laranas.

Second time na nga raw niya ngayon kay Direk Yam. Personal choice ba siya ng director to be in the movie?

"I think, pinili ako ng GMA Films and Direk Yam approved it na rin," sabi ni TJ.

In real life, hindi naman daw siya masyadong naniniwala sa supernatural or sa mga ghosts.

"Hindi masyado, kasi wala pa akong masyadong nae-experience.

"But you know, I would like to experience something.

"Parang there’s gonna be more than what we know.

"I believe, there are things that we can’t explain."

Dugtong din niya, "But you know, I am a fan of horror movies.

"Matatakutin ako noon. I remember, noong bata ako, nanonood ako ng Friday The 13th and Nightmare On Elm Street. So, I’m a big fan."

WEDDING BELLS? May balitang ikakasal na raw si TJ sa kanyang long-time non-showbiz girlfriend. Totoo ba ito?

"Basta, things will be revealed in the proper time," sagot ng guwapong aktor.

Dagdag pa niya, "I’m otherwise engaged, yes. I’m in a relationship and I’m happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s a serious relationship and we’re together for over four years."

Posible nga ba na ngayong taon na ang kasal nila?

Nakangiting sabi naman niya, "Possible next year. Possible this year.

"We’ll see if plans will go accordingly. Everyone will know naman.

"We’ll relate it naman in a proper... well, kapag kasado nang lahat.

"We’ll make an announcement. But if ever, we want it simple, and a quiet wedding lang naman."

Mabilis naman ang naging tugon ni TJ nang tanungin ng PEP kung ready naman siya to settle down.

"Yeah. I guess. I think, the better answer, I’m sure that she’s the one," sabi niya.

NETWORK TRANSFER? Natawa si TJ when asked kung gaya ba ng ibang talents ng Royale Era of Annabelle Rama, posible rin siyang lumipat sa TV5.

"I’m under contract with GMA. At saka, mabait, mabait ang network sa akin.

"They are so generous with the kind of roles that they give me," saad niya.

Pero may nakakarating na ba sa kanyang offer from other networks?

"None that I know. Maybe you can ask Tita Annabelle. But we will prioritize GMA, of course.

"I mean, they took care of me."

HIS NEXT PROJECT. Ang Captain Barbell ang huling show na ginawa ni TJ sa Kapuso network. Ayon sa aktor, nasabihan na rin daw siya ng susunod niyang series.

"I think, nasabihan na rin ako kung ano ang next show ko. But I think, nagpre-prod pa lang sila, e.

"And I’m not sure kung ano ang role ko, e. So, hopefully this time, I’m not naman kontrabida."

Posible raw na sa series na pagtatambalan nina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista siya makakasama.

"So, I don’t know kung magiging antagonist na naman ako do’n.

"Basta for me, if the role is good. I suppose, kapag galing mo lang sa comedy, you want to change things a bit, personally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung kontrabida man, it’s work and you would want to do your best."

Ano ang mas gusto niya—magkontrabida or bida?

"Both naman. Kahit ano, although I guess, you find challenge in kontrabida.

"Mas maraming limitation ang bida. You have a conscience, may moral context ka.

"Kung kontrabida, kahit ano."

Kung may nami-miss daw si TJ na gawin ngayon, ito yung movies tulad ng ginawa niya noon sa GMA Films na The Promise.

"I wanna try... yun nga, either drama or love story na movie.

"And I think, I wanna try yung rom-com. I mean, not too slapstick.

"Pero yung romantic comedy na feel-good. I’ve never done that."

Tingin naman daw niya ay magiging kumportable rin siya sa comedy.

"Comedy naman is situational. It’s not like I’m gonna do some slapstick type of comedy, di ba?

"I mean, kahit hindi ka nagpapatawa, kung nagpapatawa ang situation, nakakatawa na rin."

GAY ROLE? Napanood ni TJ ang indie film na Zombadings 1: Patayin Sa Shokot si Remington. Natawa ito when asked kung kaya niya rin ba niyang gumanap ng bading na character.

"Kakayanin kung kailangan," smabit niya.

"Pero magaling si Martin Escudero, nakakatuwa. Yung transition niya, magaling, e.

"So, you really believe it. Napabilib ako kay Mart."

Si Martin ang bidang aktor ng Zombadings.

Kung may kissing scene?

Natawa itong muli, sabay sabing, "We’ll see, we’ll see. I don’t know yet.

"I can’t say for sure. I mean, to be frank, I’m hesitant pag ganoon."

On the other hand, TJ is also into producing and directing. Isa rin ito sa gusto niyang i-pursue.

"I have a script that I wrote for Richard Gutierrez. He also kind of pitched in new ideas.

"May visual effects, e. So, malamang I have to pitch it to a network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magastos, e. Hindi siya parang magiging indie. But, we’ll see.

"Sa ngayon kasi, parang I don’t want to spend my own money muna!" natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN