Jackie Rice plans to regain her "whiteness" now that Sisid is about to end

Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg">

Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg">

"Magpapaputi ulit ako! Since nag-start kami sa taping, hindi ko na nagisnan ang tunay na kulay ng kutis ko. Na-sunburn ako nang husto. Kaya magpapa-body scrub ako nang bonggang-bongga!" exclaims Jackie Rice.


Huling episode na ng top-rating afternoon series ng GMA-7 na Sisid ngayong araw, September 16, at mixed emotions ang nararamdaman ng bida nitong si Jackie Rice.

Natutuwa at nalulungkot at the same time si Jackie, lalo na raw noong nag-last taping day na silang lahat.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Hindi ko nga alam ang mararamdaman ko noong sinabi nilang last day na naming lahat sa taping ng Sisid.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako or malulungkot.

"Happy ako, kasi after 17 weeks, makakapagpahinga na kaming lahat.

"Ever since kasing nagsimula kami ng taping for Sisid, tuluy-tuloy na ’yon.

"Kumbaga, ito na ang naging buhay namin for the next four months.

"Marami kaming naging hirap noong first week pa lang ng taping.

"Nababad kami sa init ng araw, parati kaming nasa dagat, at mabibigat agad ang mgas eksena naming lahat.

"Kaya parang malaking bagay na yung natapos namin ang Sisid na mataas ang ratings namin.

"From the start naman ay consistent na mataas ang ratings namin kaya malaki ang pasasalamat namin sa mga sumubaybay sa istorya ni Eden [her character’s name] at ng mga taong may kinalaman sa buhay niya."

DIREK RICKY. Nalulungkot din si Jackie dahil mami-miss daw niya ang mga kasama niya sa Sisid, lalo na ang kanilang director na si Ricky Davao.

"Naging very close kaming lahat sa Sisid," sambit niya.

"Yung mga leading men ko na sina Dominic Roco at JC Tiuseco.

"Yung mga kontrabida namin na sina Alicia Mayer, Rich Asuncion, Maricar de Mesa, at Bela Padilla.

"Siyempre, pati na sina Angelu de Leon, Daniel Fernando, Bembol Roco, at Leo Martinez.

"Lahat kami, parang malaking family na sa show."

Dagdag pa ng young actress, "At hindi ko siyempre dapat makalimutan si Direk Ricky.

"Malaki ang naitulong niya sa akin sa pagbuo ng character kong si Eden sa Sisid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami akong natutunan sa kanya, lalo na sa pag-internalize at pag-intindi sa mga eksena.

"Natuto akong makinig at feeling ko nga, aktres na aktres ako noong madirek ako ni Direk Ricky.

"Nagpapasalamat ako sa kanya na naging very patient siya sa aming lahat.

"Minsan kasi may mga pagkakataon na parang magkakatuwaan kami sa set at nakakalimutan na namin ang trabaho.

"Pero kapag sinabi naman ni Direk Ricky na magtrabaho kami, sinusunod namin siya.

"Kaya super na mami-miss ko si Direk at sana nga ay magkatrabaho ulit kami sa isa pang drama series."

VACATION TIME! Magbabakasyon daw muna si Jackie bago siya ulit magtrabaho sa isang bagong TV series. Hindi raw kasi biro ang mga pinagdaanan niya sa Sisid.

"Magpapaputi ulit ako!" tawa ni Jackie.

"Since nag-start kami sa taping, hindi ko na nagisnan ang tunay na kulay ng kutis ko. Na-sunburn ako nang husto.

"Kaya magpapa-body scrub ako nang bonggang-bongga!

"Gusto ko rin magpagupit ng buhok ko. Hindi ko siya mapagupitan dahil sa Sisid.

"Ngayon, puwede na siguro. Magpapaalam na ako sa ’Sisid look’ ko!"

Sabi pa niya, "Magpapahinga rin muna ako. Gusto kong magbakasyon dahil sobra kong na-miss ang family ko sa Olongapo City.

"Hanggang pagtawag lang sa phone ang pag-communicate ko sa kanila.

"Miss ko na ang mommy ko, si Daddy, at ang mga kuya ko.

"Kaya bibisitahin ko ang family ko sa Olongapo, at pati yung mga friends ko doon, pupuntahan ko rin.

"Pagkatapos, doon na ako magpaplano kunsaan ako magbakasyon."

JACKIE’S BOYFRIEND. Ang hindi lang daw masyadong nami-miss ni Jackie ay ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Andrew Lopez.

Parati naman daw kasing dumadalaw si Andrew sa taping niya noon kaya imposibleng ma-miss pa niya ito.

Ani Jackie, "Very supportive si Andrew sa akin at kapag may panahon siya, talagang dadalaw siya sa taping.

"May work din naman siya, pero ang nakakatuwa, he really makes time para mabisita niya ako sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman niya kailangang gawin ’yon, pero he makes me happy kapag alam kong nandiyan siya.

"Happy siya dahil sa magandang ratings ng Sisid. Up to date din siya kaya he congratulates me personally.

"Ngayon at tapos na nga kami, makakapagbakasyon na ulit kaming dalawa.

"Gusto nga niya kasama rin namin ang family ko sa pagbakasyon namin, kasi sobrang close na siya sa family ko."

IWA MOTO. Maganda ang takbo ng career at lovelife ni Jackie ngayon. Pero tila kabaligtaran naman ang nangyayari sa career at lovelife ng ka-batch at runner-up niya sa StarStruck 3 na si Iwa Moto.

Kung noon ay si Iwa ang may maayos na career at lovelife, at si Jackie ang maraming problema, ngayon ay nagkabaligtad sila.

"Kanya-kanya namang panahon ’yan, di ba?" sabi ni Jackie.

"Inaamin ko naman before na naging luka-luka ako sa pag-ibig. Naging pasaway din ako.

"Pero tinapos ko na ’yon. Nag-iba na ako kasi sayang lahat ng ito kung hindi pa ako titino, di ba?

"Si Iwa naman, may pinagdaraanan lang siya ngayon at alam ko namang kaya niya ’yan.

"Kami naman ni Iwa, we’re very good friends at nagsasabihan kami ng mga problema namin.

"Alam ko naman lahat ng pinagdaraanan ni Iwa at hindi madali ’yon. Kaya intindihin na lang natin siya.

"Tao lang si Iwa at may mga pagkakamaling nagagawa. Dumaan din ako sa ganyang sitwasyon kaya walang perpektong tao.

"Ipagdasal na lang natin ang maging maayos ang buhay ng mga kaibigan natin."

Kahit nga nasa Japan ngayon si Iwa, may communication pa rin daw silang dalawa.

Kaya alam ni Jackie na mas okey na ang kalagayan ni Iwa noong umalis ito pansamantala sa Pilipinas.

"Babalik naman daw si Iwa," banggit niya.

"Hindi ko lang alam kung kelan kasi ayaw pa niyang sabihin.

"But she’s doing okay now. Nakalayo kasi siya sa mga nakaka-stress sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy nga raw siya ngayon at sa pagbalik daw niya, maayos na raw siya.

"Ipinagdarasal ko nga na maging okey na si Iwa. Sayang din naman ang career niya.

"Alam ko na makakabawi ulit siya."

Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg">


Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg"> Sisid is about to end" data-url="https://www.pep.ph/news/31105/jackie-rice-plans-to-regain-her-whiteness-now-that-sisid-is-about-to-end" data-desc="Jackie understands what her friend Iwa Moto is going through right now." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/4b2106838.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN