Nora Aunor tells her detractors to look at the bright side

Nora Aunor on persistent negative write-ups about her: "Bakit hindi nila pag-usapan kung anuman ang nai-contribute ko sa industriya?"


Walang panahong magpaapekto si Nora Aunor sa mga negatibong publisidad.

Ito ang naobserbahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa muling pagbisita sa taping ng Sa Ngalan ng Ina, noong Lunes, September 12, sa Taal, Batangas.

Kung dati ay makikitang wala sa mood at hindi agad nagpapa-interview si Ate Guy para magbigay sagot sa mga intriga, kapansin-pansin ang positibong disposisyon ni Ate Guy sa trabaho niya ngayon.

She’s determined, more than ever, to just stay focused on her work.

Kapag breaktime, she’ll answer every question thrown at her by local media representatives.

Although ang ganito’y on a case-to-case basis pa rin, dahil sa dami ng mga itini-tape na sequences ng drama series na idinidirek ni Mario O’Hara.

But the last time Nora was available for an interview, she did give PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ample time, in-between taping breaks.

Aware si Guy sa fabricated column items; mga pini-pick up na lumang issues, na kanya nang nabibigyang-komento at naisasaayos with the people concerned.

"Bakit gano’n? Bilang writer, may karapatan ka ba na ’mamik-ap’ lang [ng lumang issue]? Napakalinis mo bang tao?" tanong ni Nora.

Sa kabila nga raw ng pagiging open na niya sa kanyang buhay personal, at kaukulang determinasyon na pagbutihin ang kanyang pagtatrabaho, mayroon pa ring attempt to demoralize her.

Tipong nasa ’damned if you do, damned if you don’t’ situation pa rin ang Superstar.

"Ayaw ba nila sa nagsasabi ng totoo? Wala naman kasi akong dapat na itago, dahil hindi naman masama ang magsabi ng totoo," wika pa ni Ate Guy.

ON JOHN RENDEZ AND SUZETTE RANILLO. Ugnay sa huli niyang sinabi ay muling nagpahayag sa PEP si Nora Aunor ng tungkol sa kaibigan niyang si John Rendez.

Tulad din si John Rendez ni Suzette Ranillo, whom Nora has openly defended against her detractors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, dahil ipinagtanggol din naman ako, e. Dinamayan din ako, e," sabi pa ni Ate Guy.

"’Yun lang talaga yun. Prinsipyo ko sa buhay yun.

"Na kahit sino pa’ng nand’yan... basta’t nakatulong sa akin [ipagtatanggol ko].

"Bilang pagtanaw ng utang na loob ko na rin yun sa tao."

Para kay Nora, closed book na ang tungkol sa diumano’y "problema" ng mga taong malapit at namamahala ngayon sa propesyon niya. Tulad nina Boy Palma at Suzette Ranillo at over-all manager niyang si German "Kuya Germs" Moreno.

Pero, napapaulat pa rin ang sinasabing "awayan" ng mga ito, na wala na ngayong basehan, ayon sa sinabi ni Guy.

"Baka nagpapapansin lang," naisip din ni Nora hinggil sa naglalabas ng negative publicity.

"Di bale na ako, sanay na ako do’n, e.

"Pero yung kay John, na wala namang ginagawa yung tao [sa kanila], ’yun ang hindi tama."

COMPARISON WITH VILMA SANTOS. "Tapos na tayo diyan," pagtukoy rin ni Nora, referring to her erstwhile rival, now Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

O, ang pagiging unaffected na niya sa anumang intriga, ugnay sa estado nila ni Ate Vi.

"Bakit naman [ako maaapektuhan pa]?" tanong uli ni Nora. "Sa panahon ngayon, hindi na."

Nasabi na rin ni Nora, sa ilang presscons para sa kanya, na sa puntong ito ng kanyang propesyon, ay wala na siyang dapat patunayan.

"Oo naman," she agreed.

CONTRIBUTION TO MOVIE INDUSTRY. Then, as an afterthought, Nora Aunor stated, "Bakit hindi nila pag-usapan kung anuman ang nai-contribute ko sa industriya?"

PEP recently had an informal chat with Tata Nanding (Fernando Josef), Artistic Director of Tanghalang Pilipino (TP) at the CCP (Cultural Center of the Philippines) who said, "Napakalaki ng contribution ni Nora Aunor sa industriya...".

This we told Ate Guy, as Tata Nanding has also expressed his wish, on behalf of the CCP, na makagawa, o muling gumanap sa isang dulang pang-entablado si Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yun na lang sana [ang sabihin). Tama na yung intriga," Guy also wished.

"Ang problema kasi, wala silang respeto sa mga taong tumutulong sa industriya.

"Sana yun ang makita nila, ang [mga bagay na] makakatulong nang malaki para sa industriya.

"Kung marami ka namang nagawa, ikaw naman ang ibababa nila," pagtukoy rin ni Nora.

Gayunpaman, ipinagpapasalamat nang lubos ni Ate Guy ang pagbibigay pa rin ng importasiya sa kanya ng iba’t ibang sangay ng industriya. Tulad ng mga namumuno sa tanghalan, gaya ni Tata Nanding Josef.

O ng pamunuan ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na magkakaloob sa kanya ng Lifetime Achievement Award, sa 3rd Star Awards for Music on October 16.

SNNI UPDATE. The Monday taping of Sa Ngalan ng Ina finished in the wee hours of the following day, Tuesday, September 13.

As previously pointed out by PEP, walang problema sa pagtatrabaho rito ni Nora Aunor, bilang bidang aktres ng mini-serye,

Not once did Nora absent herself from taping. At pumapayag siya sa request ni Direk Mario O’Hara na tapusin ang anumang eksena, maski lampas na ito ng hatinggabi, oras na kailangan.

Noong Miyerkules, September 14, na-pack up naman ang taping ng SNNI, hindi sa dahilang hindi available si Ate Guy.

"Nag-edit si Direk [Mario], para sa trailer ng series," sabi ni Boy Palma, in a text message to PEP.

Ayon din kay Palma, fully loaded na ng advertisers ang programa, na isasahimpapawid sa loob ng limang linggo.

Sa October 3 na ang simula ng pilot week ng Sa Ngalan ng Ina, weeknights sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN