Miss World Philippines candidate Nicolette Henson attempts to follow footsteps of fellow Mercator models Venus Raj and Shamcey Supsup

Miss World Philippines candidate Nicolette Henson on trying to emulate triumphs of fellow Mercator models, Venus Raj and Shamcey Supsup, in international beauty pageants: "Siyempre inspiration, kasi pareho ko silang kaibigan. Para ko na rin silang mga kapatid, kapamilya talaga. May mga kanya-kanya kaming pangarap. Like sa kanila, natupad na nila. Siguro time ko na. And full support naman sila sa akin. Nag-uusap kami online, ’Kumusta na.’"


Ilan sa official candidates ng Miss World Philipines—na ang grand coronation ay mapapanood sa Linggo, September 18 sa GMA-7 after Protégé—ay nagkaroon na ng experience sa ibang national beauty pageants at minsan na ring sumubok sa showbiz.

Isa rito si Nicolette Henson, who placed 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2010 kung saan nanalo si Venus Raj. Bukod pa rito ang ilang local beauty pageants na nasalihan na niya.

Hindi kuntento si Nicolette sa kanyang 1st runner-up place sa Binibining Pilipinas noong 2010 kaya ngayon, she’s vying for the Miss World Philippines title.

Ginawa na nga raw wallpaper ni Nicolette ang picture ng crown at scepter ng Miss World Philippines sa kanyang cell phone.

"Para ma-motivate akong lalo. Super ganda niya. Super!" sabi ni Nicolette patungkol nga sa bagong crown at scepter na gagamitin ng Miss World Philippines.


TOUGH ACT TO FOLLOW. Ang totoo, "kapatid" ni Nicolette sa Mercator Model and Artist Management ni Jonas Gaffud sina Venus Raj at Shamcey Supsup, na parehong naging runners-up sa Miss Universe.

Si Venus ay 4th runner-up last year, samantalang si Shamcey naman ay naging 3rd runner-up this year.

Instead na ma-pressure, nagiging inspirasyon pa raw kay Nicolette ang pananalo ng dalawa.

Aniya, "Siyempre, inspiration, kasi pareho ko silang kaibigan.

"Para ko na rin silang mga kapatid, kapamilya talaga.

"May mga kanya-kanya kaming pangarap. Like sa kanila, natupad na nila.

"Siguro time ko na. And full support naman sila sa akin. Nag-uusap kami online, ’kumusta na.’"

HER ADVANTAGE. Puwedeng sabihin na kahit paano, natuturuan na rin siya nina Venus at Shamcey kaya masasabing mas may edge na siya sa ibang candidates.

"Oo, kahit paano, yung training pa rin namin.

"Nagki-keep in touch kami kahit nasa ibang bansa sila.

"Siyempre, pagbalik ni Shamcey, mas magkakaroon na kami ng chance," banggit ni Nicolette sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Nicolette, halos lahat daw silang candidates sa Miss World Philippines, bumaba ang measurement ng height nila.

Sa Binibining Pilipinas daw, ang height niya for ilang years ay 5’8". Sa Miss World Philippines daw, naging 5’6.5" na lang siya.

Depende rin daw kasi yun sa ginaganap na measurement. Her vital statistics naman ay 32-25.5-35.

A TASTE OF SHOWBIZ. When asked about her being in showbiz, nasabi nitong, "Hindi naman po showbiz na acting talaga.

"Nag-host lang po ako for a while, sa Party Pilipinas po. Siguro po around two months din po.

"E, nagpunta po kasi ako ng States at hindi rin naman po ako regular. Parang gine-guest lang po nila ko.

"Noong magpunta ako ng States for a month, nanood ako ng Miss Universe at binisita ko po ang mga relatives ko."

Win or lose sa Miss World Philippines, will she eventually join showbiz?

"Kung meron naman pong offers, opportunity, why not po?

"Ako naman po, kahit saan po nila ako ilagay, basta alam ko naman na kaya ko, o-oo ako sa offer."

THEY INSPIRE HER. Pagkatapos manalo ni Shamcey ng 3rd runner-up sa Miss Universe, mas may pressure ngayon sa ibang lalaban sa beauty pageants internationally.

Nararamdaman ba ito ni Nicolette?

"Ay, hindi po. Na-inspire po kaming talaga.

"Kasi, una po, last year, sobrang tagal na wala tayo sa pageant, binalik yun ni Venus.

"And ngayon, magkasunod na taon [may pumasok]. Ibig sabihin, talagang ang Pilipinas, kayang-kaya natin dahil magaling talaga tayo."

Napi-feel ba niya na may lamang siya over the other candidates?

"Siguro po sa experience [ko] sa national pageant. Edge na po siguro yun.

"But nothing to boast naman po. Siyempre, yung iba rin po, marami na ring experience.

"Like galing sa ibang pageant, sa abroad. So, every experience kasi is unique.

"Meron siyang kanya-kanyang natutunan from [ibang] pageant na puwedeng magamit yun para sa susunod na pageant, mas better pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi ko po iniisip na superior ako sa kanila. Kasi, pangit po ang laban kapag ganoon. Parang mas hindi ako nag-e-enjoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN