Barbie Forteza wears prosthetics for the first time in new horror-thriller film

Na-excite raw si Barbie Forteza sa role na binigay sa kanya sa The Road, directed by Yam Laranas, dahil malayo ito sa mga nagawa na niyang roles sa TV.

"Gusto ko po yung mga ganitong pelikula kasi nandoon yung challenge sa amin bilang mga artista. Yung tipong hindi lang kami hanggang pagpapa-cute or pagpapa-sweet, kaya rin namin ang mga mabibigat na roles," she says.


Deglamourized ang Tween Queen ng Kapuso Network na si Barbie Forteza sa tinatapos niyang horror-thriller film sa ilalim ng GMA Films na The Road.


Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang paglagay ng makeup at prosthetics kay Barbie nang bisitahin namin ang shooting ng nasabing pelikula sa Lagro, Quezon City.


First time raw ni Barbie ang ma-experience na malagyan siya ng prosthetics. Sa kukunan kasing eksena ay may tinatakasan siya sa gubat. Tatakbo siya at madadapa, sabay gugulong sa mga matatalim na bato at mga ugat ng puno.


"Yung scene po kasi kailangan ay sugatan ako. Yung duguan talaga ang mga braso ko at mukha kasi malakas ang pagbagsak ko tapos gugulong ako sa mga bato at mga ugat at matatalim na branches ng puno.

"Nakakakiliti po ang paglagay noong makeup at prosthetics," sabi ni Barbie.

"Hindi naman siya makati kasi maliliit lang ang nilagay para magmukha siyang mga sugat na malalim.

"Tapos sa mukha ko po nilagay nila ang mga pasa at mga maliliit na sugat. Pati yung damit na isusuot ko nilagyan na nila ng putik kasi nagpagulong-gulong ako," kuwento pa niya.

Na-excite raw si Barbie sa role na binigay sa kanya dahil malayo ito sa mga nagawa na niyang roles sa TV at sa ibang pelikula.

"Gusto ko po yung mga ganitong pelikula kasi nandoon yung challenge sa amin bilang mga artista. Yung tipong hindi lang kami hanggang pagpapa-cute or pagpapa-sweet, kaya rin namin ang mga mabibigat na roles," diin niya.

First time niyang makakatrabaho si Direk Yam Laranas na nakilala sa kanyang mga suspense-thriller-horror movies, tulad ng Sigaw, Patient X at Radyo.

"It’s an honor to work with Direk Yam. Magaling po siya. Kapag pinapanood na namin yung rushes ng eksena, ang ganda ng mga shots niya, pati ang pag-ilaw sa scene.

"Bago po kami mag-shoot, kinakausap niya muna kami para maintindihan namin yung eksena. Tapos bibigyan niya kami ng pagkakataon na i-act yung scene in the way na in-explain niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May sarili [din] kaming interpretation ng scene. Kapag nagustuhan o hindi ni Direk Yam, sasabihin naman niya. So far, okey ang pakikipagtrabaho namin with him."

First time hindi makakasama ni Barbie ang kanyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio sa pelikulang The Road. Hiwalay daw muna sila, pero magsasama ulit sila sa bagong afternoon drama series sa GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin.

"Nag-pictorial na po kami ni Joshua together with Joyce Ching at Kristoffer Martin. Nakapag-workshop na rin kami with Ms. Anne Villegas. Heavy drama po kasi ito kaya pinaghahandaan namin nang husto," ang sabi pa niya.

Remake ito ng 2001 drama series ng GMA-7 ang Ikaw Lang Ang Mamahalin na pinagbidahan noon nila Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz.

Makakasama pa nila rito sina Sheryl Cruz, Gardo Versoza, Tanya Garcia, Ehra Madrigal, Matet de Leon at marami pang iba. Mula ito sa direksyon ni Dick Lindayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN