Kapuso hunks make their mark at the Cosmo Bachelor Bash

Kapuso hunks at the Cosmo Bachelor Bash: (clockwise) Daniel Matsunaga, Rocco Nacino, Mark Herras, Enzo Pineda, and Aljur Abrenica.


Karamihan sa male celebrities na rumampa sa nakaraang Cosmopolitan Bachelor Bash ay mga Kapuso stars at talents ng GMA Artist Center kaya todo ang suporta sa kanila ng naturang talent agency.

ROCCO NACINO. Halos iisa ang obserbasyon ng karamihan na si Rocco Nacino ang naghanda nang husto at talagang kinarir ang kanyang performance sa stage.

"Maraming salamat naman po at nagustuhan n’yo," sabi ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang pinuri namin ang kanyang performance.

Maaga pa lang ay nasa World Trade Center na si Rocco para mag-rehearse at wala siyang ginawa backstage kundi mag-pump up para maganda ang kalalabasan ng kanyang katawan.

MARK HERRAS. Pero ang pinakakabado nang husto ay si Mark Herras pagkat first time niyang rumampa sa ganung event.

Muntik na nga itong mag-backout dahil kulang daw siya sa preparasyon gawa ng sunud-sunod na taping nito sa Time of My Life.

"Nag-enjoy ako!" bulalas ni Mark.

"First time, kailangan lang talagang maging confident ka sa sarili mo.

"Matagal na akong pinaparampa for Cosmo pero, di ba, ako mismo yung talagang umaayaw dahil nahihiya ako?

"Pero nag-enjoy ako. Siguro next year mas mahahandaan ko pa, mas okay," masayang pahayag ng aktor.

Naikuwento na rin ni Mark na excited siya sa pelikulang ginagawa niya ngayon. Siya ang kontrabida sa pelikulang Hitman, na pagbibidahan at idinidirek ni Cesar Montano.

Malaki ang pasasalamat niya kay Cesar dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role na yun at gina-guide siya kung anong magandang atake sa kanyang role.

"Dalawang character yung napunta sa akin. To make it short, isang sobrang bait at... sa bandang huli, kung papa’no [siya] magiging sobrang mamamatay tao or isang killer," kuwento ni Mark.

Dagdag pa niya, "Binigyan ako ni Direk Cesar ng lines ko sa isang scene na tatlong pages na monologue, take one yun!

"Merong mga dinagdag si Direk Cesar at si Kuya Phillip [Salvador], tinutulungan ako naging maayos naman po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALJUR ABRENICA. Isa rin sa most applauded na Kapuso hunk na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash ay si Aljur Abrenica.

Ang pagkakaalam daw niya ay dumating ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla para panoorin siya, pero hindi raw niya alam kung saan ito nakapuwesto.

Hindi pa masagot ni Aljur kung matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nila ni Kylie at ng ama nitong si Robin Padilla.

Patuloy raw niyang ipinagdarasal na sana matuloy ito.

Nilinaw ni Aljur ang kumalat na intrigang nakikipagbalikan daw ito sa dating kasintahan niyang si Rich Asuncion.

Itinatanggi rin ni Rich ang intrigang ito, pero nahihiya si Aljur sa dating girlfriend dahil hindi pa rin daw mamatay-matay ang isyu nilang dalawa.

Aniya, "Gusto ko lang linawin, kami ni Rich, magkaibigan lang kami.

"Kung may communication man kami [ito ay] dahil sa pagiging civil namin sa isa’t isa, pero hindi totoo yung nagkakabalikan kami.

"Magkaibigan kami ni Rich, iisa kami ng network, iisa kami ng handler.

"So hindi talaga maiiwasan na magkikita kami at kung mag-usap man kami, bilang magkaibigan na lang yun.

Aware din daw siyang nagkakamabutihan na sina Rich at Ervic Vijandre kaya nakakahiya raw na sumasali pa siya sa isyu.

"Pakiusap lang, nakakahiya rin kay Rich saka kay Ervic na nasasali pa yung pangalan ko sa kanilang dalawa, and may kanya-kanya na kaming buhay.

"And I want Rich to be happy, gusto kong maging okay na siya and sa nakikita ko, masayang-masaya siya kay Ervic.

"And sana hindi na ako masali sa kanila, pakiusap lang po," seryoso nitong pahayag.

DANIEL MATSUNAGA. Samantala, umasa naman si Daniel Matsunaga na dadalo ang girlfriend niyang si Heart Evangelista para panoorin siya, pero hindi na raw ito nakahabol dahil may commitment daw ito sa ilang kamag-anak.

Itinatanggi ni Daniel ang intrigang nagkakalabuan sila ni Heart. Wala raw silang problema at going strong daw ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tipid naman ang sagot ni Daniel tungkol sa isa pang isyung may tampo raw si Heart sa GMA-7.

Pagdating daw sa career ng kanyang kasintahan ay hindi niya ito pinapakialaman at hindi naman daw niya ito inuurirat kay Heart.

Kaya hindi raw niya masasagot kung totoong balak ni Heart na bumalik ng ABS-CBN.

"I’m not sure about that, because of course, she has a contract with GMA.

"And I can’t say anything because I really don’t know.

"And I really think I should not say anything because I’m talking to you guys, and [maybe] I say something that is wrong, and I don’t have any idea, so I prefer not to be part of it," saad ni Daniel.

ENZO PINEDA. Si Enzo Pineda ang tanging Kapuso talent na napasama sa 10 centerfolds kaya pinaghandaan din niya nang husto ang kanyang pagrampa.

Nangako raw si Louise delos Reyes na panonoorin siya, pero biglang nagkaroon daw ng emergency sa kanilang bahay, kaya hindi na tumuloy ang young actress.

Ayon pa kay Enzo, "Pero tinext niya ako kanina, tinawagan niya ako na kung makapunta man siya or hindi, she’s always here to support me.

"And para sa akin, sapat na yun."

Ilan pa sa mga Kapuso hunks at GMA Artist Center na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash ay sina Mike Tan, Geoff Taylor, Gino dela Peña, at Jay Gonzaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN