Ryza Cenon finally gets to dance in TV soap: "Pero siyempre, I’ll still be part of the group lang talaga. So more sa likod ako."

Ryza Cenon says she was so looking forward to doing some pole-dancing in the danserye, Time of my Life.

"Kasi, pinaghandaan ko siya e. Nag-effort ako. Nag-pole dancing ako. Sariling bulsa ko yun. Tapos hindi ko siya maipapakita sa tao which is, sobrang excited pa ko," she says.


Si Ryza Cenon ang gumaganap sa isa sa mga kaibigan ni Kris Bernal sa danserye na Time of My Life ng GMA-7.

Ang last role ni Ryza ay isang kontrabida sa teleserye na Machete.

Masaya naman ang aktres sa nagiging takbo ng kuwento ng danserye nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang resto sa Tomas Morato last Wednesday, September 14.

"Yung Time of My Life, paganda siya nang paganda. Mas nabi-build-up na ang character ng bawat isa kaya masaya. Marami pang mangyayari," aniya.

Dancer sa club ang role niya dito, pero makakasama siya sa grupo na magko-compete sa dance competition. Pagdating sa sayawan, alam ng karamihan na isa ito sa mga forte ni Ryza.

"Happy po ako na magsasayaw na rin ako sa Time of My Life, pero siyempre, I’ll still be part of the group lang talaga. So more sa [background] ako. Yung talagang may spot or solo, sina Kris [Bernal] talaga, Mark [Herras], at Sef [Cadayona]."

Tahimik lang si Ryza. For several years, isa siya sa mga Kapuso artists na tanggap lang nang tanggap kung ano mang role ang ibigay.

Bakit parang may frustration siya sa dancing?

"Kasi, pinaghandaan ko siya e. Nag-effort ako. Nag-pole dancing ako. Sariling bulsa ko yun. Tapos hindi ko siya maipapakita sa tao which is, sobrang excited pa ko.

"Nag-update rin ako sa mga fans ko ng pictures... pero, yun nga, hindi pala makikita. Pero okay lang naman po. Ganoon naman po talaga," ang sabi ni Ryza.

Na-explain naman daw sa kanya kung bakit hindi na siya makakapag-pole dancing sa series.

"Nagtanong din ako kasi. May pole sa bar, pero, hindi siya totoong pole. Hindi ko siya ma-grip. So, I asked kung paano ko maipapakita kasi, hindi ko kayang i-grip.

"Tapos sabi nga baka mag-rent na lang. Kaya lang noong tinanong si Ate Ciara [Sotto] kung magkano, namahalan yata. At the same time, hindi rin puede kasi nasa province ang setting ng story. Naintindihan ko rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dinedma ko na lang, tinanggap ko na lang. Kasi, ako naman, kahit na ganoon ang nangyari, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa kasi after Time of My Life, itutuloy ko pa rin naman ang pole-dancing, e.

"Pero after na ng [teleserye], kasi bawal po sa pole ang puyat, bumabali-baligtad ka kasi. Pero na-enjoy ko rin naman po kasi."

BRIGHT SIDE. Sa kabila raw ng mga comments na natatanggap niya about her roles and her career in general, she always looks on the bright side. Kaya nandoon pa rin daw ang happiness at excitement niya sa ginagawa niya.

"Ako po kasi, tiningnan ko po in a positive way. Mabait po ang character ko sa [serye]. Para at least, maiba naman po ang tingin sa akin ng mga tao.

"Nagkasunod-sunod po kasi na kontrabida. Langit Sa Piling Mo, Koreana, tapos Machete. At least po, naiba naman ang tingin nila sa akin na kahit iba ang role ko, kaya ko pa rin gawin. Ganoon po ang thinking ko.

"Actually po, ako po sana yung sa role ni LJ [Reyes] kaya okay na rin po. Tapos sabi nga po, maiiba na, ako na yung best friend na sabi ko, ah, okay ’yan, para good vibes naman po. Para hindi sila magsawa na palagi na lang kontrabida."

Ayon kay Ryza, mas gusto raw talaga niyang mag-portray ng iba’t-ibang klaseng roles.

"Opo, hindi po sana puro kontrabida lang. Gusto ko pong ma-try ang lahat. Gusto ko pong makita kung saan po talaga ako nababagay."

FANS ON THE NET. On the other hand, diretsuhan na naming itinanong kay Ryza ang ilang pang-aaway sa kanya ng mga fans sa ilang site. Particular na sa site mismo ng kanilang show. Ironically, hindi siya ang kontrabida kay Kris sa series, pero ano’t tila siya ang inaaway or napagsasalitaan ng hindi magagandang comments sa Internet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When we asked Ryza about it, may ideya na rin pala siya sa bagay na ito.

"Sa totoo lang po, kahit po ako, hindi ko rin po alam kung bakit. Yung mga fans ko, sila po ang nagsabi sa akin na yun nga raw po, may mga nang-aaway. Yung iba po, personal na po, pati aso ko nadamay na," natawa niyang sabi.

"Pati nanay ko, tatay ko, tapos po, medyo bastos po ang nasusulat. So, nagtataka po akong talaga. Kasi, wala naman po akong ginagawang masama. Tahimik lang ako most of the time.

"I’ll be honest po, medyo naapektuhan na rin po ako kasi, nagulat po akong talaga. Ako po kasi, with my fans, sinasabihan ko sila na huwag silang magpo-post ng hindi maganda, manood na lang sila. So, medyo nakaka-hurt po. Pero yun nga po, iniintindi ko na lang din."

Naitanong namin kung may isyu or problema ba sa pagitan nila ni Kris Bernal.

"Wala po. Okay naman po kami. Sa set, nagkukuwentuhan. Minsan po nabibigyan ko rin siya ng ilang tips kapag kailangan. Sa dancing naman po, mas magaling na po si Kris ngayon, talagang nahasa na rin po siya so, masaya po talaga.

"Well, siyempre po, compared kay girlfriend [LJ], siyempre po, ibang level naman po talaga yung friendship namin ni girlfriend. Ito po yung nasasabihan ko na talaga ng problems. With Kris naman po, ang alam ko, sobrang okay naman po kami.

"Kaya yung mga comments po, hindi ko na lang pinapansin para hindi po ako maapektuhan and I always tell my fans din po na huwag din silang mang-aaway."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN