Mike Tan willing to do sexy roles: "Kung sa trabaho naman po, bakit hindi?"

Sexy and lean si Mike Tan ngayon. Mala-Aljur Abrenica rin ba na sexy hunk ang repackaging na gagawin sa kanya?

"Para sa akin, si Aljur na po yun. Ayoko namang masabi na parehas kami ng ginagawa ni Aljur. Kapag hiningi lang sa role, tsaka ko lang gagawin," says the Ultimate Male Survivor ng StarStruck Batch 2.


Muntik nang baguhin ang pangalan ni Mike Tan.

Sa mga tarpaulin during the presscon ng bagong drama series ng GMA-7, Kung Aagawin Mo ang Langit, "Michael Tan" ang nakalagay na pangalan ng StarStruck Batch 2 Ultimate Male Survivor.

"Kasi nagkaroon po sila ng pagtatalo, iniisip nila kasi ire-package ako. ’Mas maganda bang gawing Michael Tan or mag-stick sa Mike Tan dahil iyon ang nasimulan?’

"Hanggang nagka-meeting kami, pinag-usapan, hindi agad nagkaroon ng sagot. Ayun, tinanong ko si Miss Annette [Gozon-Abrogar], nakasabay ko siya sa elevator, sabi ko ’Ma’am, ano po ba talaga?’

"Sabi niya ’Mike, Mike tayo.’ Kahit kay Miss H [Helen Sese, a GMA executive] Mike daw, so ito po [the tarpaulin] nagkamali lang po."

Kung siya ba ang tatanungin mas gusto ba niya na baguhin ang pangalan niya or stick siya sa Mike Tan?

"Sa akin po, kung ano yung... hindi ko po kasi alam kung ano yung mas maganda para sa akin, e. Tingin ko ipapaubaya ko na lang yun sa network, kung sa palagay nila na mas maganda na mag-stick ako sa Mike, so be it. Mike na lang."

Ano sana ang repackaging na gagawin sa kanya?

"Ang napag-usapan namin, una, ano ba daw yung look na gusto ko?

"Ayun po, nagsabi sila ng mga iba-ibang klase."

Sexy and lean si Mike ngayon. Mala-Aljur Abrenica rin ba na sexy hunk ang repackaging na gagawin sa kanya?

"Para sa akin, si Aljur na po yun. Ayoko namang masabi na parehas kami ng ginagawa ni Aljur. Kapag hiningi lang sa role, tsaka ko lang gagawin."

So payag si Mike na maging mas sexy ang image niya?

"Kung sa trabaho naman po, bakit hindi? Trabaho naman iyon, e."

Ginawa na ni Mike dati na magpa-pictorial ng naka-trunks sa X-Ray Magazine, bilang member ng grupong Studs na binubuo nina JC Cuadrado, Felix Roco, Edgar Allan de Guzman, Kevin Santos, Coco Martin, Dion Ignacio, Lance Oñate at ni Mike. Pero hindi rin nagtagal ang grupo at nabuwag ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nagkaroon lang po ng wrong step, tapos kailangang i-redo."

Ano ang naging mali?

"Hindi ko rin po masabi, pero hindi lang rin po siguro kinagat ng tao or hindi lang nabigyan ng tamang publicity."

Gaganap si Mike bilang Jonas Alejandro sa Kung Aagawin Mo ang Langit. Leading ladies niya sina Carla Abellana bilang Ellery Martinez, at Michelle Madrigal bilang Bridgitte Samonte.

Palabas na sa Lunes ang serye sa Dramarama Sa Hapon ng GMA at kasama rin dito sina Ricky Davao bilang Delfin Martinez, Shamaine Buencamino bilang Marissa Martinez, Ces Quesada bilang Leila Samonte, Will Devaughn bilang Waldy Buenafe, Jan Marini bilang Sonia Tercero, Kevin Santos bilang Lester Feliciano, Steph Henares bilang Janice Baluarte, RJ Salvador bilang Aaron at si Paolo Ballesteros bilang Aloha.

Ito ay sa direksyon ni Direk Jay Altarejos.

MUCH-IMPROVED ACTING. Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike kung dumating ba siya sa punto na nabagalan na siya sa takbo ng career niya?

"Para sa sarili ko, sige siguro, ganun talaga, tapos sasabihin sa akin, ’Huwag kang mag-alala, yung iba nga, ten years, eleven years bago mabigyan ng break.’

"Ako ganun na lang din ang iniisip ko, tapos hangga’t wala akong ginagawa, workshop, aralin yung craft mo, para pagsalang mo may lagi kang bagong ipapakita. Hindi mahihirapan sa iyo yung director.

"Ganun ako lagi, ganun ang thinking ko, na sana kada labas ko sa TV hindi yung isa lang yung nakikita nila, na sana laging may pagbabago, na magaling yung nakikita nilang Mike Tan."

Sa tingin niya ay nag-improve na siya? Dati kasi ay nilalait ang acting niya.

"Tinanggap ko na po yun," ang natatawang sagot ni Mike.

"Masasabi ko naman na nag-improve na po ako, nag-improve talaga. Malaki na talaga yung ipinagbago ko. Naniniwala ako sa sinabi ni Direk Ricky [Davao] na ’Maging sensitive ka lang, ibukas mo yung mata mo, ibukas mo yung tenga mo, yung damdamin mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi pag nasabi naman sa iyo yung linya at tinanggap mo kung ano yung sinabi niya, madali na. Believability lang talaga."

BODY TO DIE FOR. Malaki ang ipinayat si Mike ngayon, at pinaghirapan niya ito.

"Mahirap, ano, ilang buwang diet.

"Kasi po sabi nila lean naman, minsan naman sabi ni Direk Jay, bagsak na yung mukha ko sa screen, nakita ko nga po dun sa trailer [ng Kung Aagawin Mo ang Langit].

"Kasi nag-diet ako para sa Cosmo [Bachelor Bash]."

Kasama si Mike sa mga hunks na rumampa last Thursday sa World Trade Center as Pasay City at ngayong tapos na ito...

"Kakain na ako ng tama.

"Sa akin po bale patapos na naman po talaga yung diet ko, bale nag-last day na ako ng diet.

"Mahirap e, kasi bukod dun sa ilang buwan kong pagda-diet may tinatawag po kaming fifteen days. Yung fifteen days po, bilang po talaga lahat.

"Bilang po lahat ng kakainin mo, pati po tubig.

"Ang laki po ng naging pagbabago ng katawan ko, ang naging problema ko na lang po dahil sa dire-diretso na yung taping namin, hindi na po ako masyadong nakakapunta ng gym," ang sabi niya.

"Para sa akin, lahat kasi pumayat, naging leaner, tapos mas tumigas yung mga masel ko, tapos ang tiyan ko mas lumiit. Although hindi ganung ka-define, tulad ng iba."

Balak pa ba niyang mas palakihin pa ang katawan niya?

"Hindi na, kasi para sa akin okay na yung ganitong body, kung magdadagdag ako, sabihin nating mga five pounds lang para lumaki lang ng konti."

Blooming ang love life ni Mike. Meron siyang non-showbiz girlfriend ngayon.

"Magsi-six years na kami, mga five years and seven months na.

"Working student siya, normal lang," sinabi pa ng 24-year old na si Mike.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN