Barbie Forteza on first movie without loveteam partner Joshua Dionisio: "Hindi ko alam kung kakagatin ako ng tao as Barbie lang."

Barbie Forteza talks about her role in the horror film, The Road, directed by Yam Laranas.

"Ako po si Ella, medyo conservative po ang role ko, si Lexie [Fernandez] kaibigan ko, pinipigilan ko sila, kasi nga medyo may pagka-conservative ako e, parang gusto ni Derrick [Monasterio] na mag-PDA [public display of affection] sila palagi, parang ganun. Parang manang po ako dito," she says.


Dumalaw ang PEP.ph kamakailan sa set ng shooting ng The Road, ang bagong pelikula ng GMA Films sa Lagro sa Fairview.

Nakausap namin ang isa sa mga female lead stars ng movie na si Barbie Forteza at nagkuwento muna ito ng ilang bagay tungkol sa kanyang role.

"Ako po si Ella, medyo conservative po ang role ko, si Lexie [Fernandez] kaibigan ko, pinipigilan ko sila, kasi nga medyo may pagka-conservative ako e, parang gusto ni Derrick [Monasterio] na mag-PDA [public display of affection] sila palagi, parang ganun. Parang manang po ako dito," kwento ni Barbie.

Ang iba pang mga artista sa pelikula ay sina Carmina Villarroel, Jaclyn Jose at TJ Trinidad. Nasa movie rin sina Louise delos Reyes, Alden Richards at Rhian Ramos.

First project ito ni Barbie na hindi niya kapareha ang ka-love team niyang si Joshua Dionisio.

Hindi naman raw nanibago si Barbie na wala si Joshua sa The Road.

"Kasi tulad ngayon, kahit may shooting, kanina magkasama naman kami."

Earlier that day ay nag-pictorial sila ni Joshua sa GMA Studios para sa bago nilang teleserye na Ikaw Lang ang Mamahalin.

"Actually iyon kasi kanina kasama ko si Joshua kaya parang wala lang din, parang hindi rin kami nagkahiwalay kasi nag-workshop rin kami for Ikaw Lang ang Mamahalin, then yun nga pictorial."

Kaya walang kaba si Barbie na solo siya this time.

"Hindi naman namin sinasarado yung sarili namin sa isa’t-isa, open din naman kami sa ibang opportunities sa ibang partners."

Medyo may adjustment?

"Opo kasi siyempre first time ko siyang hindi makakasama dito at hindi ko alam kung kakagatin ako ng tao as Barbie lang, hindi as Joshua/Barbie."

Although naniniwala si Barbie na kakayanin naman kahit naghiwalay muna ang JoshBie sa The Road.

"Feeling ko ano e, kasi may tiwala naman ako kay Direk [Yam Laranas], at nakita ko naman yung trailer, pag pini-preview namin yung mga eksena, na sobrang ganda, na feeling ko naman hindi dahil dun sa love team namin kaya sila manonood kundi dahil sa istorya ng The Road."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala siyang ka-love team sa pelikula at halos lahat raw ng eksena ni Barbie ay takutang umaatikabo!

"Sobra! As in kahit ako, alam kong naka-prosthetics lang siya, pag talagang nailawan na lahat-lahat, nakakatakot!

"Iba talaga yung effects ni Direk Yam, e."

That day na nasa set kami ng The Road ay lalagyan rin si Barbie ng prosthetics, pero hindi muna niya ni-reveal kung bakit.

"May mangyayari po, may twist, secret po muna."

Hindi raw ito trilogy, isang buong kuwento ang pelikula na magko-connect sa tatlong henerasyon.

"Actually magkakasama po talaga siya, isang buong kuwento po."

Kuwento pa ni Barbie, halos mamaos siya sa kakatili.

"Yung first four days ng shooting namin, halos lahat ng eksena sigawan talaga, kasi ang kinunan talaga yung sa road, kaya nakakatakot talaga.

"Kaya talagang sigawan, hindi naman po ako sanay na sumisigaw, kasi madalas iyak-iyak lang, ganun, so nakakapanibago pero nakaka-excite naman kasi kakaiba."

Matatakutin ba Barbie sa tunay na buhay?

"Opo, sobra!"

Ano ang mga kinatatakutan niya?

"Lahat," ang natatawng sagot ng female tween star.

Pinakatakot raw siya sa...

"Yung nakita ko na po—sa aso!"

Kaya wala siyang alagang aso...

Sa multo ay takot rin si Barbie...

"Kahit hindi pa ako nakakakita ng multo, natatakot na ako."

Takot rin siya sa ipis pero mas takot siya sa aso.

Wala pa naman raw siyang traumatic experience sa aso...

"Wala naman, parang nakaka-ano kasi yung itsura nila.

"Parang naaano lang ako kapag tumatahol na sila, ganun, parang masyadong strong yung dating nila sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN