Richard Gomez shelves political plans for now; wants to help wife Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez serve her constituents

Ayon kay Richard Gomez, priority niya ngayon ang pagtulong sa distrito ng asawa niya na si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, although hindi rin naman niya isinasantabi ang mga commitment niya as an actor.

"Si Lucy kasi ay nandiyan na sa politika and kailangan ko lang siyang suportahan talaga. Kailangan ko siyang tulungan in any way I can. So yun muna ang focus ko ngayon, si Lucy muna at saka na lang yung political plans ko," Richard says.



Wala muna sa future plans ni Richard Gomez ang muling pagsabak sa politika. Naka-focus kasi ang aktor sa pagtulong sa misis niya na si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.

Nakapanayam recently ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa SkyDome sa SM North EDSA para sa taping ng Talentadong Pinoy Celebrity Edition (featuring April Gustilo, a.k.a. Congratulations, Nyoy Bolante, Francine Prieto, Edgar Allan Guzman, Tado, at Wendy Valdez).

Nasabi ng actor na priority niya sa ngayon ang pagtulong sa kanilang distrito sa Leyte, although hindi rin naman niya isinasantabi ang mga commitment niya as an actor.

Sinabi ni Goma (taguri kay Richard) na ang pagtulong sa kanilang mga kadistrito at ang showbiz ay kaya naman niyang pagsabayin. Pero nakatutok siya sa ngayon sa pagsuporta kay Rep. Lucy.

"Si Lucy kasi ay nandiyan na sa politika and kailangan ko lang siyang suportahan talaga. Kailangan ko siyang tulungan in any way I can. So yun muna ang focus ko ngayon, si Lucy muna at saka na lang yung political plans ko," panimula niya.

"I enjoy doing both [showbiz and politics] and I work naman anytime e, whether sa showbiz or trabaho sa distrito namin," dagdag na pahabol pa niya.

Ipinahayag ni Richard na naipapasok niya ang kanyang mga idea kay Lucy bilang mambabatas at ito’y nakakatulong talaga nang husto sa kanilang mga nasasakupan.

Very enthusiastic ngang nagkuwento si Richard sa mga accomplishments ng kanyang esposa bilang kinatawan ng Ormoc.

"Iyon kasi ang talagang purpose ng pagtakbo namin e. We really wanted to bring change, we really wanted to bring progress sa distrito namin.

"And you know, we’re really very happy because in a year’s time, may significant change na nakikita yung mga tao," seryosong pahayag niya.

Patuloy na kuwento pa ni Goma, "Alam mo kasi, yung Ormoc, maraming mahihirap na tao riyan e, at marami riyan ay mga farmer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nakikita nila na naaayos na yung mga kalsada, nadadagdagan namin yung mga eskuwelahan na kailangan ng mga estudyante.

"Tapos, even yung mga livelihood programs namin ay talagang nariyan, it’s more about improving yung agricultural sector... yung mga irrigation namin, yung mga river systems namin ay naaayos na.

"So, yun ang mga tinututukan namin, yung mga bagay na makakatulong talaga sa mga tao."

Proud din si Richard sa pagpapahayag sa assessment niya sa kanyang misis bilang isang seryosong public servant.

LUCKY TO HAVE LUCY. "I think yung distrito namin is very lucky [to have] Lucy as congresswoman. Sa loob ng higit 20 years... ang laki ng pagbabagong nangyari mula nang umupo siya.

"I think in another year or two, Ormoc will be another great tourism destination," nakangiting saad pa ng regular Talent Scout ng Talentadong Pinoy.

Tungkol naman sa kanyang showbiz career, ayon sa actor ay may nilulutong project para sa kanya ang Channel 5 bukod pa sa pagiging regular niya sa Talentadong Pinoy.

"Sa movies, may ibinigay na script sa akin, dalawa yun actually, hinihintay ko lang kung kailan kami magsisimula," saad pa niya.

Ano’ng comment naman kaya ng actor sa reklamo ng ilang representatives na lumiliit ang kanilang budget sa kongreso?

"Siguro lumiliit in terms of... kasi, hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin ng lumiliit e. Alam mo, we found out sa Congress na kailangan lang talaga na masipag kang pumunta sa mga departamento, kausapin yung mga sekretaryo para makahingi ka ng budget.

"Kailangan din na marunong kang maghanap kung ano yung mga programa na andiyan na, na puwede mong i-adopt para sa distrito mo."

ON PACMAN FOR VP. Since nagpahayag si Rep. Manny ’Pacman’ Pacquiao ng planong pagtakbo bilang bise presidente sa 2016, kinuha na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pananaw ni Richard ukol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anybody can run for vice president, wala namang nagsasabi na... hindi naman sinasabi sa Constitution natin na kailangang nakapagtapos ka ng pag-aaral, na kailangan ay guwapo ka... hindi...

"May minimum requirements, you [must be able to] read and write, sapat na sa edad, you can run a national campaign, ganoon lang naman iyon e. Ang yung magja-judge din naman sa kanya ay yung mga tao, e. If he wants to run for vice president, basta makakatulong siya sa bansa natin, why not, hindi ba?"

Pero, ano ang masasabi niya sa mga tila tinutuya o minamaliit si Pacman at sinasabihang masyadong ambisyoso sa plano niyang ito?

"Alam mo, si Manny Pacquiao, kahit noong bata pa siya ay nagtry-out sa national team iyan at sinabi ng boxing association sa kanya na hindi siya puwede sa national team. But he has proven himself na sobra-sobra pa... how many times? Eight world titles na siya palang ang nakagagawa sa buong mundo.

"Look at him now... Then, he failed sa kanyang first try bilang congressman, tapos ay tumakbo siya ulit at nanalo siya. He’s been working very hard and he is trying his best, so hindi natin alam kung saan siya aabot, e.

"And alam mo, makikita mo lang naman talaga ang galing ng isang mambabatas o politiko kapag may nagagawa na siya para sa bayan, doon lang natin siya ma-me-measure. And we can see, Pacman is doing his best, he’s doing okay, he’s doing good.

"Sa RH Bill, nanindigan siya at sa kanyang first privilege speech ay okay, e."

Anong grado ang ibibigay niya kay Pacman bilang mambabatas?

"Ang hirap bigyan siya ng marka as a representative, dahil kailangan mong puntahan ang distrito niya para malaman mo ang ginagawa niya roon. Pero kung tatanungin mo ako, yung trabaho niya sa Floor, yung times na andoon siya, he is very active talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Makikita mo na marami siyang isinusulong na mga panukala at may mga sense ang mga batas na iyon," saad pa ni Goma.

May mga nagsasabi na kung Amerikano lang si Pacman, mas naging sikat pa siya at tiyak na marami na siyang monumento sa U.S. Palagay ba niya ay kulang ang adulation at ang kaukulang pagkilala ng maraming Pinoy sa mga nagawa ni Pacman para sa boksing na nakatulong sa ating bansa at sa imahe ng Pilipinas?

"Alam mo kasi, wala tayong sense of... mababa yung sense of appreciation natin e. Na ’pag ginagawa na natin ng monumento ang isang tao, sasabihin nila na, ’Oy, buhay pa iyan.’ Ganoon e. Kailangan pag patay na at saka lang igagawa ng monumento.

"Pero hindi dapat ganoon. Kasi, si Pacman is one of a kind talaga e. In the boxing world, in the world of sports, he is one of a kind. And kung mayroong magpapatayo ng monumento for Pacman, let’s appreciate it. And siguro sa tingin ko, napapanahon lang iyon talaga.

"Kasi si Pacman, ang mga accomplishments niya, isa siya sa mga pilipino na dapat saluduhan. Hindi biro kasi ang mga achievements niya e.

"Ako, I’m an athlete, I was a member of the National Team, I represented our country, pero hindi ko nagawa yung nagawa ni Pacman. Iba ang impact niya sa buong mundo, kaya kapag dinala mo si Pacman sa ibang bansa, gumaganda ang imahe ng Pilipinas.

"Nakikita naman natin na kahit NBA stars, nagpapa-autograph at iniidolo si Pacquiao," nakangiting pagtatapos ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN