Aljur Abrenica says he’s not courting Kylie Padilla: "More on talagang... hang out lang, e."

Aljur Abrenca and Kylie Padilla make a great couple and a perfect love team. Pero tila nauudlot ’yong kanilang pagiging official. Parang may nakakapigil?

"Wala namang nakakapigil, e. Wala naman kaming commitment. Ang ibig ko lang sabihin... hindi kami," Aljur says.



Happy si Aljur Abrenica na pumunta ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla sa kanyang fans’ day last Friday (September 16) na ginanap sa Trinoma Mall. Hindi lang basta special guest niya ang dalagang anak ni Robin Padilla, kundi pumayag pa itong makipag-duet sa kanya na ikinakilig nang husto ng mga fans nilang naroon.

"Sobrang nakakataba ng puso kasi binigyan niya [Kylie] ako ng oras, e," ani Aljur sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Sa sobrang busy ni Kylie, nakahanap siya ng panahon para sa akin.

"So... do’n pa lang, sobrang na-touch ako at wala akong masabi kundi sobrang salamat talaga sa kanya."

Si Kylie, kahit anong pangungulit ng mga nakakausap na movie press, hindi mapaamin at talagang ipinagdidiinang magkaibigan lang sila ni Aljur. Pero special na raw ang turingan nila sa isa’t isa.

"Oo. Sa ngayon naman, kumbaga wala naman kaming masasabi sa inyo dahil wala naman po talaga. Magkaibigan lang kami ni Kylie," ang sabi ni Aljur.

"At... espesyal lang po ang turingan namin sa isa’t isa. Madalas kasi, we have a lot in common, e.

"Kaya nandito ako. Nandito kami para sa isa’t isa para magbigay ng suporta. Lalong-lalo na ako. At ituro sa isa’t isa kung ano ang nalalaman namin."

Pero nanliligaw ba siya kay Kylie?

"Hindi ko masasabing nanliligaw, e. Kasi more on talagang... hang out lang, e."

Ano ang nakakasagabal para maging officially sila na?

"Wala naman. Kumbaga sa ngayon, hindi kami nagmamadali, e."

May mga nag-iisip kasi na baka walang panliligaw na nangyayari ay dahil sa ama ni Kylie na si Robin Padilla.

"Hindi. Walang kinalaman po si Tito Robin para hindi ako manligaw."

May balitang maluwag na raw si Robin ngayon sa kanila ni Kylie, alam ba niya ’yon?

"Alam ko po ’yon. Nabalitaan ko po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano sa tingin niya ang epekto sa closeness nila ni Kylie ’yong pagiging maluwag na ni Robin ngayon sa kanilang dalawa?

"Wala naman, e. Hindi naman talaga ano... wala namang nagbago sa amin, e.

"Para sa akin, hindi naman ako binawalan o pinigilan ni Tito Robin. Kung ano kami [ni Kylie] noon, gano’n pa rin kami ngayon."

Ano ba ang naipangako niya kay Robin kung si Kylie ang pag-uusapan? Ano ang kumbaga, nai-guarantee niya?

"Hindi ko pa naman siya nakakausap nang gano’n. Nagkausap na kami pero sa mga bagay na ganyan, wala pa."

Pero nakapunta na siya sa bahay ng mga Padilla?

"Nakapunta na. Nag-training kami ni Kylie [ng martial arts] once.

"Pero ’yong opisyal na dalaw talaga, hindi pa."

PERFECT MATCH. Bagay naman sila. Marami nga ang nagsasabi na they are a perfect match, as a couple and as a love team. Pero tila nauudlot ’yong kanilang pagiging official. Parang may nakakapigil?

"Wala namang nakakapigil, e. Wala naman kaming commitment. Ang ibig ko lang sabihin... hindi kami.

"Natutuwa ako na may kilig kami sa fans. Kasi kami ni Kylie, sobrang magkaibigan nga kami.

"Kung kinakikitaan nila kami ng chemistry. So... mas magiging madali na ang trabaho kasi magkaibigan kami.

"Sana magkaroon kami ng pagkakataon na magkaroon ng proyekto as love team. Actually, may gagawin na kami. ’Yong movie’ng Mr. Wong with Tito Robin. Pero hindi pa ’yon as love team na kami talaga."

May mga naghihinalang hindi lang sila magkaibigan ni Kylie. Ano ang gusto niyang iapela sa mga ito?

"Wala akong masasabi diyan. Choice nila iyon, e. Lahat naman tayo, may kanya-kanyang paniniwala.

"Basta sa akin, magkaibigan lang kami."

MOST MODEST. Sa ginanap na Cosmopolitan Bachelor Bash 2011, talagang nagtitilian ang mga kababaihan nang rumampa siya at ang iba pang mga nakasama niya rito.

Si Kylie na nanood din nito, balitang medyo na-shock daw dahil talagang hot at daring ang mga naguguwapong aktor at models na nagsipagrampahan na kasama si Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi inimbitahan ko siya, e.

"Sabi ko... baka magulat ka. Inunahan ko na siya.

"At nagulat nga siya!" nangiting sabi pa ni Aljur.

"Hindi ko nga alam kung tama o mali ang pagpunta niya roon, e. Pero sabi niya okey naman. So far, okey naman daw at nag-enjoy siya."

Marami ang nagsasabi na tame daw ’yong pagrampa ni Aljur kumpara sa iba na talagang naka-underwear lang na halos ipasilip na ang kanilang private parts.

Was it because nando’n si Kylie?

"Ah... hindi naman. Kasi siyempre, may kanya-kanyang gimik sa pagrampa.

"Pero ako... sa year na ito, ’yong Century Tuna (hotdog na ini-endorse niya) ang nag-ano... e.

"So... siyempre Century Tuna is a trusted brand. So marami tayong iniingatan... Kaya hindi tayo masyadong puwedeng..." magpaka-daring ang ibig niyang sabihin.

"Oo. May mga bawal."

Hindi raw kakayanin ni Kylie kung halimbawa naging sobrang daring si Aljur sa pagrampa at nagpakita halimbawa, ng buttocks?

"Sinabi niya ’yon?" natawang tanong pa ni Aljur. "Ah... malayo pa ’yon. Huwag siyang mag-alala, dahil hindi ko gagawin ’yon!" ang natatawang sabi ni Aljur.

KRIS BERNAL. Last Sunday (September 11) naiyak ang dating ka-loveteam niyang si Kris Bernal habang ini-interview nang live sa Showbiz Central tungkol sa tsismis na buntis ito. Nilinaw ng aktres na hindi ito totoo.

Natigilan sandali si Aljur at biglang nakita namin ang lungkot sa mukha niya nang mausisa namin kung ano ang reaksiyon niya about it.

"Naiintindihan ko si Kris [kung bakit naiyak]. Kasi... parehas ko siyang kapwa artista, e. Okey lang ’yong ma-tsismis, e. Okey lang ’yong ganyan.

"Pero para sa isang babae, napakasakit no’n. Na... matsismis kang buntis.

"Kasi sa tsismis pa lang, sino na ang makakabangga niya? Parents niya... mga kaibigan niya... tatanungin na siya nang tatanungin.

"So... naiintindihan ko. Siguro may pinagmulan kung bakit umiyak si Kris. Siguro mabigat ’yong dinadala niya. Baka napagalitan kung saan nanggaling ’yong tsismis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ang pakiusap ko sana, kapag hindi tayo sigurado, lalo na sa mga maseselan na tsismis tulad ng buntis, huwag na nating sabihin."

Papano kaya kung halimbawa, si Kylie ay mabiktima rin ng gano’ng tsismis na buntis? How would he react at paano niya ipagtatanggol ang dalaga lalo pa at nali-link nga sila?

"Mahirap ’yon, e.

"Bilang isang artista, at saka ’yong kay Kris... magkaiba, e.

"Kay Kris kaya kong... kay Kylie hindi ko alam.

"Hindi ko alam. Magkaiba, e.

"So... hindi ko masasagot ’yan. Bahala na lang. Tingnan ko na lang kapag nangyari ’yan. At huwag naman sana."

Puwede siyang maging violent o physical sa pagtatanggol kay Kylie?

"Sa lahat naman ng kaibigan ko, gano’n ako, e.

"Buti naman hindi umaabot sa mga gano’n [physical o violent]. Hangga’t maiiwasan, iiwasan ko ’yong gulo. Pero kung kinakailangan, gagawin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN