Glaiza de Castro denies romance rumors with Sid Lucero: "Parang ang turing ko sa kanya, kapatid, e!"

Nagkakamabutihan na raw sina Glaiza de Castro (above) at Sid Lucero. Madalas pa nga raw na magkasama ang dalawa after ng taping ng epicseryeng Amaya.

"Kung anuman ang lumabas na ganyan, hindi natin makokontrol, pero as long as alam naman namin sa isa’t-isa yung totoo, di ba?" Glaiza says.


Lumabas sa mga tabloids ang balitang nagkakamabutihan na raw sina Sid Lucero at Glaiza de Castro. Madalas pa nga raw na nagbababad na magkasama ang dalawa tuwing magkasama sila sa taping ng epicseryeng Amaya.

"Siyempre hindi maiiwasan na makapagkuwentuhan kami, tapos e kumportable rin naman kami sa isa’t-isa dahil matagal ko na rin siyang kakilala.

"Parang parehas din kami ng trip nun, mga music, mga films, mga ganun so nagkakasundo talaga kami," ayon sa taped interview ng Startalk TX kay Glaiza.

Sinabi naman ni Sid na...

"When we are on the set, pag wala kaming ginagawa we hang out, we talk about music kasi pareho kaming... magkakakilala yung mga barkada namin, like yung banda niya ngayon... may banda si Glaiza ngayon e, siguro mga two out of five siguro ng members, mga kilala ko rin."

Pero totoo nga bang si Glaiza ang unang babaeng isinakay ni Sid sa bago niyang van?

"Ako ba?" ang tumatawang reaksyon ni Gliza sa tsismis. "Parang hindi naman, parang hindi naman po ako talaga, hindi po, hindi po ako yung una."

Tumatawa ring sinabi ni Sid na...

"Siguro dito sa set [ng Amaya], pero hindi naman kauna-unahang babae. Siyempre sinundo ko kaagad yung girlfriend ko.

"Tsaka magkakakilala rin sila, magkaibigan yang mga yan."

Hindi ba nagseselos ang girlfriend ni Sid sa pagkakaugnay niya kay Glaiza?

"No, no, no! Pareho kaming hindi ganun, and Glaiza is also friends with my cousins. Wala, walang ganun."

Sinabi naman ni Glaiza na...

"Kung anuman ang lumabas na ganyan, hindi natin makokontrol, pero as long as alam naman namin sa isa’t-isa yung totoo, di ba?

"At ayoko rin naman na may masagasaang tao, lalo na yung girlfriend niya o kung sinuman di ba? So nakakahiya naman."

Kung hindi committed si Sid, posible bang mauwi sa mas malalim na relasyon ang pagtitinginan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko masasabing malalim, pero masasabi ko lang po na kumportable lang talaga kami sa isa’t-isa. Parang ang turing ko sa kanya, kapatid, e!

"Kaya ganun na lang din siguro kami mag-usap, di ba, pag nagkikita kami dito sa set ng Amaya. Pero katulad ng sinasabi ng mga kung anuman sa mga balita, di ba, parang hindi ko ma-imagine din," ang sabi ni Glaiza.

Ayon naman kay Sid...

"Totoo naman yun, wala namang imposible pero huwag ninyo namang unahan.

"Love ko yang si Glaiza! Kahit anong mangyari, I’ll do anything for Glaiza.

"’It’s great working with you, I hope to work with you again, always!" mensahe pa ni Sid kay Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN