Mark Herras plays a psycho, bad-boy character in new movie, a departure from his usual "pa-sweet" and dramatic roles

Mark Herras on his role in the movie, Hitman: "Kakaiba po yung role na napunta sa akin. First time kong gumanap sa ganitong role na medyo dark ang character. Kasama po kasi ako sa bad guys, sa kontrabida side. Alvin po ang pangalan ko dito, ampon ako," he says.


Malaking challenge para kay Mark Herras ang role niya sa pelikulang Hitman, na pinagbibidahan ni Cesar Montano. Marami raw kasi siyang firsts na ginawa sa movie na ito na produced ng CM Productions ni Cesar at idi-distribute ng Viva Films.

"Kakaiba po yung role na napunta sa akin. First time kong gumanap sa ganitong role na medyo dark ang character. Kasama po kasi ako sa bad guys, sa kontrabida side.

"Alvin po ang pangalan ko dito, ampon ako. Tatay ko si Ricky Davao, kapatid ko si Joko Diaz, uncle ko si Phillip Salvador.

"First time ko ring gumawa ng isang hard action movie. Tapos first time ko ring gumawa ng movie na humawak ako ng baril.

"Actually, nakahawak na po ako ng baril sa isang taping for TV. Dati kasi pag kalabit ko, napapaganun ako, e, napapaurong at nagugulat pa ako.

"Pero nung dito na sa shooting namin, wala na yung ganun. Nag-e-enjoy na akong magpaputok ng baril. Maya’t maya ang naririnig ko puro putok lang pero hindi naman ako nabibingi. So, masaya palang gumawa ng action movie," sabi ni Mark.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Mark sa shooting ng Hitman kagabi, September 17, sa HK Sun Plaza sa Macapagal Blvd., Pasay City.

SUPPORTIVE CAST. Thankful nga si Mark sa suporta at tulong na nakukuha niya mula sa mga kasama niya sa cast na pawang mga magagaling na artista at tinitingalang action stars.

"Nung first shooting day ko po, actually, ang sarap katrabaho nina Kuya Cesar, Kuya Phillip, Kuya Joko, Kuya Ricky, kasi nagbibigay sila ng advice.

"Iga-guide ka nila sa bawat scene, like kung paano mo ide-deliver ang lines mo, kung paano yung dapat mong i-arte sa ganitong eksena. Me isang eksena akong ginawa na tatlong pages po yung monologue na ibinigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos yung role ko may pagka-psycho.

"So, yung way po ng pag-deliver ko ng lines tinulungan ako ni Kuya Ipe. Mahirap yung eksenang yun kasi may time na umiiyak ako, tapos bigla akong tatawa. Sobra lang akong nagpapasalamat sa kanila dahil sobrang ang babait nilang katrabaho."

Bilang direktor, producer at co-actor niya sa movie, ano ang in-admire niya kay Cesar?

"Napakabait po na tao bilang direktor, artista, wala po akong masasabi sa kanya, sobra pong maalaga. At bawal ang hindi healthy food sa set. Nakita n’yo naman yung katawan nina Kuya Cesar, talagang healthy living po sila.

"Aside from that, yung pagiging professional po ni Direk Cesar, sobrang masarap pong kasama at katrabaho.

"Natutuwa po ako dahil nakasama po ako sa movie na siya ang nag-produce, ito pong Hitman. Natutuwa rin ako dahil binibigyan niya ako ng break sa action. Ang dami ko ring mabibigat na eksena na ginawa rito. Meron po akong nagawang eksena rito kasama si Kuya Ipe na dapat n’yong abangan."

FUTURE ACTION STAR? Sa tingin ba ni Mark after ng experience niya sa Hitman, e gusto na niyang maging action star?

"Actually, before pa naman po pag tinatanong sa akin kung ano ba ang dream role ko, sinasabi ko parang action-comedy.

"Pero nandun talaga yung action na gusto kong gawin. Tapos yung role na medyo may pagka-psycho nga, yung medyo baliw-baliw, yun ang masarap gawin kasi challenging po sa akin.

"Kasi after seven years na puro drama, may ka-loveteam, pa-sweet, sumasayaw, etong role ko, kakaiba talaga."

Pagkatapos kaya ng movie na ito ay ibang Mark Herras na ang makikita ng mga tao?

"Sana po ma-appreciate nila. Kasi sobra kong in-enjoy ito. Ito yung hindi ko nagagawa sa TV e. Tapos mga beterano at magagaling na artista yung kasama ko.

"Sana masundan pa ng ganitong project ang gagawin ko in the future. Basta ang masasabi ko lang, ibang Mark Herras ang makikita nila sa pelikulang ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COSMO HUNK. Bukod sa pagiging future action star, tila inihahanda na rin ni Mark ang kanyang sarili sa mas mature roles lalo na yung may kinalaman sa pagpapa-sexy. Gaya na lang ng ginawa niyang pagrampa sa nakaraang 2011 Cosmopolitan Bachelor Bash.

Ano ang pakiramdam niya bago siya rumampa sa stage?

"Nakakakaba. Kung alam n’yo lang yung ginagawa namin sa backstage. Kasi first time kong pumunta sa Cosmo event at rumampa.

"Nung makita ko na ganun pala kahaba yung rampa, sabi ko, ’Wow!’ Tapos nung nakikita ko na yung ibang models at co-actors ko na naglalakad sa likod ko, sa harap ko, tapos banat na banat yung mga katawan, naisip ko, ’Bakit ba ako nandito?’ Parang hindi tama."

Na-feel ba niya na parang gusto na niyang mag-backout?

"Oo, parang last minute... parang ayoko nang mag-Cosmo. Pero yun nga last minute, nandun kami sa backstage nina Rocco [Nacino], Enzo [Pineda], Mike [Tan], nakipagsabayan na ako sa pagpu-pushup. Kahit papaano, nung lumabas na ako, natuwa naman yung mga tao."

Kailan nawala yung kaba niya?

"Sabihin natin na hindi pa ganung kabagay yung katawan ko for Cosmo pero nung rumampa ako at lumabas na ako sa stage at narinig ko yung reaction ng mga tao, nawala yung kaba ko e.

"Inisip ko na lang noon na ang ganda-ganda ng katawan ko. Naghubad pa ako, pinunit ko pa yung damit ko. Kahit dun sa finale na nakasando na kami, may nanghihingi ng damit ko, ang lakas ng loob ko, ibinigay ko pa yung sando ko, naghubad ako."

Satisfied ba siya sa ginawa niya sa event?

"Natutuwa ako, I mean naging masaya ako na naging part ako ng Cosmo [Bachelor Bash]. Kasi ilang years ko nang tinatanggihan.

"Hindi ko naman tinatanggihan dahil ayaw ko pero alam ko kasing that time, wala akong ipapakita e. Siguro this time nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil hindi na ako ganun kapayat. Kahit papaano mas okay yung body ko kaysa before."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After ng Cosmo bash, nangangahulugan ba na ready na rin siyang magkaroon ng sexy pictorial?

"Well, nasimulan ko po iyan sa Cosmo this year. Pero next year mas paghahandaan ko na. Ngayon ko naramdaman na pag may ganitong klaseng event, kailangan okay yung hitsura ng katawan ko. Dapat talaga mag-effort at paghandaan mo yun."

Ready na rin ba siyang tumanggap ng sexy roles?

"Siguro kung mabigyan ako ng chance at umayos na yung hitsura ng katawan ko. Bakit naman hindi?

"Parang this year, 25 na ako, di ba? Hindi na ako bata. Nakapag-topless na ako sa Cosmo. Next year, kung mabibigyan ulit ako ng chance na rumampa sa Cosmo, iba naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN