Shamcey Supsup’s two favorite men—her father Timoteo Supsup and boyfriend Lloyd Lee

Matapos aminin ni Shamcey Supsup na taken na siya, marami ang na-curious kung sino ang boyfriend ng 2011 Miss Universe 3rd runner-up. Ang masuwerteng lalaki ay ang 27-year-old na si Lloyd Lee. Nagtapos ito sa De La Salle University-Manila at mula sa isang maykayang Chinese family. Isa siyang modelo at businessman.


Matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa 2011 Miss Universe pageant, kabilang sa mga excited sa pag-uwi ni Shamcey Supsup ang boyfriend ng dalaga who’s probably the most sought after man these days, si Lloyd Lee.

Matapos aminin ni Shamcey na taken na siya, marami ang na-curious kung sino ang masuwerteng lalaki.

Lloyd Lee is twenty-seven years old. Nagtapos ito sa De La Salle University-Manila at mula sa isang may-kayang Chinese family. Isa siyang modelo at businessman.

In a FaceBook statement sent to GMA News, sinabi ni Lloyd na...

"I miss Shamcey so much and can’t wait to see her when she returns to the Philippines. She represented our country with beauty, grace and class. We’re all proud of her.

"I’m so proud of Shamcey. I had a good feeling she’s going to nail every part of the competition. It didn’t matter what place she came in because I was already happy for her and what she has accomplished."

May mensahe rin ang binata sa kasintahan na ngayon ay ipinagbubunyi ng buong sambayanan.

"Stay grounded in your humility and truth, but more importantly, keep yourself and our love grounded in God."

FATHER HAS NOT MET BF. Samantala eksklusibong nakausap ng StarTalk TX ang ama ni Shamcey na si Ginoong Timoteo Supsup.

Ayon kay Mang Timoteo, hindi pa niya nami-meet in person si Lloyd.

"Actually po, balita lang yung akin. Sa pagpapakilala po, wala pa po.

"Naririnig ko lang. Actually po mabait daw ho, mabait naman po daw."

Umaasa ang ama ni Shamcey na makikilala rin niya soon ang boyfriend ng kanyang anak.

"Kung ano yung pagmamahal ng anak ko, yun din ang pagmamahal na ibibigay niya sa anak ko."

Handa na ba si Mang Timoteo sakaling alukin ng kasal ni Lloyd si Shamcey?

"Gaya ng sinabi ko, lahat na pinili ni Shamcey o mga ipakiusap niya sa akin, talagang approve po ako diyan. Nagtitiwala ako sa anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa natamong tagumpay, ngayon pa lang ay marami ng nag-uudyok kay Shamcey na pasukin ang showbiz.

"If Shamcey will approve, approve din po sa akin," anang ama ni Shamcey.

Anytime this week ay makakapiling na ni Mang Timoteo ang kanyang unica hija na matagal-tagal na rin niyang hindi nakita.

"Number one mapapaabot ko sa kanya na proud na proud ho ako sa kanya. Nami-miss ko na po siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN