Barbie Forteza buys new van; plans to purchase another condo unit

Barbie Forteza on her brand new van: "Nagpagawa kami ng higaan para, kunyari [pag] long-drive, nakakatulog ako nang mabuti. Kasi dun sa una naming sasakyan, medyo hindi ako nakakadiretso ng higa. Kaya, eto na siya, siyempre purple na naman."


Isang literal na bonggang paandar ang regalo ng 14 year-old tween star na si Barbie Forteza sa kanyang buong pamilya—isang brand new van!

Nagbigay pagkakataon si Barbie na makunan ang kanyang bagong Super Grandia van nang dalawin siya ng staff ng Showbiz Central. Ito ay sa set ng shooting niya for her very first horror film, ang The Road ng GMA Films.

BARBIE’S VAN. Balitang lampas isang milyon ang ipinundar ni Barbie para mabili niya in cash ang kanyang bagong sasakyan.

"Nakuha ko po siya noong Saturday [the other week]," ayon kay Barbie sa panayam sa kanya ng Showbiz Central.

"Kasi malaki. Kasi, medyo madami na po akong gamit.

"Hindi na po kasya dun sa una naming sasakyan.

"Kaya nag-isip kami na kumuha ng mas malaking sasakyan."

SLEEP LITTLE BARBIE. At dahil katas ito ng sweat and tears ng hardworking young actress, pina-personalize ni Barbie ang kanyang sasakyan.

"Nagpagawa kami ng higaan para, kunyari [pag] long-drive, nakakatulog ako nang mabuti.

"Kasi dun sa una naming sasakyan, medyo hindi ako nakakadiretso ng higa.

"Kaya, eto na siya, siyempre purple na naman," na siyang paboritong kulay ni Barbie.

Dagdag pa niya, "At kung kunyari marami kaming kasama, puwede namin itong [ang kama] tiklupin para makaupo yung iba dito sa likod.

"Tapos, yung ibang gamit ’andito na [sa likod]. Medyo maluwag pa nga."

HEAVY DRAMA? Bukod sa The Road, isa pang malaking proyekto ni Barbie ay ang upcoming drama series na panghapon ng GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin na ipapalabas sa October.

"Ibang-iba yung concept niya sa Tween Hearts. Kasi ang Tween Hearts talaga is super-light lang yung story.

"Dito, drama talaga. Sobrang lalim ng paghuhugutan namin ng emosyon. As in sobrang drama."

CONDO UNIT FOR RENT! At ngayong tuluy-tuloy ang kayod, inaasahang lalong aarangkada ang career ni Barbie para sa kanyang next investment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko po sanang, ano lang, kumuha ng bagong condo para mapaupahan. Para gawing negosyo,"nakangiti niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN