Nora Aunor opens up to YES! about her past relationships with Tirso Cruz III and Christopher de Leon

Superstar Nora Aunor recalls what happened in her relationship with former flames, Tirso Cruz III and Christopher de Leon. Thus, when she talked about her failed relationship with Christopher, Nora said: "Kasalanan ko din naman kasi, e. Hindi ko naman mapaalis ang mga fans. E, hindi rin naman sanay si Boyet sa ganoon. Kaya minsan hindi niya maintindihan ’yong ganoon, ’yong bakit maraming tao sa bahay. Hindi mo puwedeng mapauwi ’yong mg


Isa si Nora Aunor sa mga pinakahinahangaang aktres hanggang ngayon.

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung maraming kalalakihan ang nahumaling sa kanya lalo na noong kanyang kasikatan.

Gayunman, dalawang lalake mula sa showbiz ang nagpatibok ng puso ng Superstar—sina Tirso Cruz III at Christopher de Leon.

Sa exclusive interview ng YES! magazine kay Ate Guy, ikinuwento niya ang ilang detalye sa kanyang mga naging relasyon noon, na hindi pa nalalaman maging ng kanyang mga tagahanga.

TIRSO CRUZ III. Ang aktor na si Tirso Cruz III, o mas kilala bilang "Pip," ang unang nakarelasyon ni Ate Guy.

Pag-amin ng Superstar, hindi pa man daw niya nakikilala nang personal noon si Pip ay tagahanga na siya nito.

Kuwento niya sa YES!, "Nasa Bicol pa ako, di pa ako nag-aartista o nakikilala, nag-aaral pa lang ako noon, pag nakikita ko si Pip excited na excited ako.

"Kaya nag-aabang ako doon sa kapitbahay namin.

"’Hoy, panonoorin ko doon, baka si Pip ang guest.’

"’Yong ganoong klaseng fan..."

Hanggang sa ang dating tagahanga ay naging nobya ng kanyang iniidolo.

Naging matagal ang relasyon nila Pip at Ate Guy. Bagamat may mga pagtatalo, sa huli’y makikita silang sweet sa isa’t isa.

Gayunman, bunga ng ilang mga dahilan, naging matamlay ang kanilang relasyon at nagkahiwalay sila.

CHRISTOPHER DE LEON. Matapos ang kanyang relasyon kay Tirso Cruz III, sumunod na naging kasintahan ni Nora ang baguhan pa noong aktor na si Christopher de Leon, o mas kilala bilang "Boyet."

Nagkakilala ang dalawa habang ginagawa nila ang pelikulang Banaue ng NV Productions noong 1975.

Hindi nagtagal ay naging magkasintahan ang dalawa at patagong nagpakasal ng taon ding ’yon.

Ilang buwan ang lumipas, isinilang ni Ate Guy ang kanilang anak na si Ian de Leon.

Gayunman, nagdaan sa malalaking pagsubok ang pagsasama nila. Ngunit, ang madalas nilang pagtalunan ay ang mga fans ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga away na ito ang naging dahilan upang tuluyang maghiwalay ang dalawa.

Para kay Ate Guy, kasalanan niya ang kinahinatnan ng kanilang relasyon ng aktor.

"Kasalanan ko din naman kasi, e," pag-ako niya.

"Hindi ko naman mapaalis ang mga fans. E, hindi rin naman sanay si Boyet sa ganoon.

"Kaya minsan hindi niya maintindihan ’yong ganoon, ’yong bakit maraming tao sa bahay.

"Hindi mo puwedeng mapauwi ’yong mga fans..."

Pero ngayong nagbalik na si Guy sa bansa, muli silang nagkasama ni Boyet sa pamamagitan ng mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina, kung saan kasama rin nila ang kanilang anak na si Ian.

Alamin ang kabuuan ng "love story" ni Nora sa October 2011 issue ng YES! na mabibili na sa newsstands at bookstores.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN