Shamcey Supsup reveals how she learned her trademark "tsunami walk"

"Hindi ko pa alam. Basta ang alam ko, sa ngayon, gusto kong maging magaling na arkitekto at yun ang pagpupursigihan ko," says Shamcey Supsup when asked if she has plans of entering showbiz.


Halos isang linggo na ang nakalilipas, pero hanggang ngayon ay tila "high" pa rin ang mga Pinoy sa pagkakapanalo ng ating kababayan na si Shamcey Supsup bilang 3rd runner-up sa nakaraang Miss Universe 2011 pageant.

Kahapon, September 18, alas-sais ng umaga ay bumalik na ang Pinay beauty queen sa Pilipinas.

Sinalubong ng umaatikabong hiyawan at palakpakan ang pagdating ni Shamcey sa Ninoy Aquino International Airport.

Matapos ang maikling pahinga ay tumungo si Shamcey sa Gateway Suites sa Cubao, Quezon City para sa kanyang press conference.

Narito ang ilang mga katanungan na sinagot ni Shamcey:

Masaya ba siya sa nakuha niyang puwesto na 3rd runner-up sa Miss Universe competition?

"I’m very much happy, I feel I’ve done my best... I’m happy."

Satisfied naman ba siya being in the Top 16?

"A lot, a lot!" bulalas ni Shamcey.

"Kahit nga hindi Top 16, kahit Top 89 na lang, okay lang.

"Kasi, you should know these girls... Kasi, all of us, we got to know these girls through pictures lang, and through videos.

"But if you get to know them personally, they’re all great, they’re all beautiful in person.

"There’s so many girls... I think everyone was a winner.

"Kaya nga sabi ko, whenever I talk about all my co-candidates, I never point out just a few people.

"We were telling [each other] nga na we don’t need a Top 16 at all to be happy.

"To be there in that competition is a big thing already... and all of us are winners already."

GO, SHAMCEY! Gaano karaming Pinoy fans ang nakita niyang sumuporta sa kanya sa Brazil?


"Ang dami, e," sambit ni Shamcey.

"I remember, I had a phone call in my hotel room, nagpakilala siya. Sabi niya he is a Filipino, living in Miami, and he is a doctor.

"He said that he just called because he wants to support me and he said he will go to Brazil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Akala ko joke lang, kasi alam mo yun, we have a lot of prank calls and they are not true.

"And one time, during our rehearsal, merong kumakaway sa akin. I didn’t know who that person was.

"And when I went there, nagpakilala siya na, ’I’m the one who called you in your hotel room.’

"He came alone there, just to support and watch me.

"I was so shocked! I don’t know him, hindi ko siya kilala.

"Wala talaga, wala siyang kasama, siya lang mag-isa. Pumunta siya para lang manood at para suportahan ako.

"Kaya ayun, I was so happy that time na may mga supporters akong ganun."

What tokens did she receive from her fans?

"There was this one, somebody gave me a flower, I was so happy.

"I won’t mention the name anymore...

"I was so happy that time, kasi when you feel down, and then may biglang darating to tell me, ’Miss Philippines, somebody gave you flowers...’

"Simple lang ako. Kasi pag ganun-ganun lang, masaya na ako.

"It’s the thought that counts, hindi yung mahal na bagay or ano pa man."

THE BRAZIL EXPERIENCE. What are her most memorable experiences in Brazil?


"When we first arrived in Brazil, we were surprised with the weather.

"Almost all the candidates expected warm weather, all of them brought clothes for summer.

"It was cold, so cold! Twelve-degrees celsius yung weather sa Brazil that time. We were all shocked!

"Buti na lang ako, I came from Colombia, so I had clothes for cold weather.

"Ayun ang isang expectation ko na, akala ko yung Brazil is a tropical country.

"The next one is, they always have fun there. Their festivals, iba, ibang klase, the samba...

"They are such happy people, lagi silang masaya...

"Parang tayo... parang fiesta palagi, parang fiesta yung atmosphere sa Brazil."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHAMCEY’S LOVELIFE. Alam naman ng lahat na meron nang boyfriend si Shamcey, pero mayroon bang Latino na nagtangkang manligaw sa kanya doon?


"We were so secure, e," sabi niya.

"Grabe ang security ng Miss Universe, guwardiyado, guwardiyado kami dun. Safe na safe kami dun."

Ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Lloyd Lee nang sinabi niya on national television na may boyfriend na siya?

"He was happy about it," sambit niya.

Ano ang impact nito sa relationship nila?

"Nothing! Didn’t change anything!" natatawang sagot niya.

THE FORMULA. After finishing 3rd runner-up, ano sa palagay ni Shamcey ang formula in winning Miss Universe?

"Wala! Walang formula!" tawa na naman niya.

"Ako, I didn’t expect at all. I mean in my position now, hindi ko alam, parang laging sinasabi na, ’Be yourself, ’wag kang masyadong mag-iisip ng formula...’

"When you think about the formula, parang hindi na ikaw yun, e. Masyado ka nang nag-iisip, lahat ng galaw iniisip mo na.

"Ako kasi, ini-enjoy ko lang talaga yung experience, yung journey.

"I make friends, ganun lang. Kung ano ako dito, ganun din ako doon.

"I don’t know if it works."

THE TSUNAMI WALK. Kung si Venus Raj ay naalala sa kanyang "major, major" answer sa Miss Universe last year, si Shamcey naman ay nakikilala ngayon sa trademark niyang "tsunami walk."

What can she say about that?

"Grabe!" tawa niya.

"Nagulat talaga ako na may ganun pala.

"Kasi alam mo, when I was in Colombia, I stayed there for training, a fitting for the gown, the national costume.

"May isang... I don’t know kung Brazilian siya or Venezuelan. He goes to our place, kasi may catwalk training ako with him.

"Kasi dun sa Colombia, dun sa bahay na tinirhan ko, they all speak Spanish, so I have to learn a few Spanish words.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And siya, he doesn’t know how to speak English.

"Sabi niya, ’We have to walk in runwell...’ Runwell ang tawag niya sa runway, e.

"Ang alam niya lang word sa English ay ’fears’ and then ’tsunami.’

"Sabi niya sa akin ’You know que tsunami, que...’ gumaganun siya sa ’kin.

"Tapos, pinakita niya sa kin yung walk na, kailangan daw, nung ini-explain niya, kailangan daw parang lalaruin mo daw yung mga kalaban mo.

"Kasi, para daw tsunami, parang malakas na wave.

"And yun, yun yung sinabi ko during the interview, and I didn’t know that it became the term for my walk.

"Parang yun din tuloy yung laging sumasagi sa isip ko na ’tsunami, tsunami!’

"Kaya kahit naglalakad na ako sa Miss Universe, yung tsunami walk na yun yung natatandaan ko."

FRIENDS & ENEMIES. Who is the candidate whom she considers to be her closest friend?


"Pinaka-close ko yung Miss Korea, kasi siya yung roommate ko, and we’ve been very close.

"Kasi we’re so much alike. We both don’t like salad. We both like to eat rice. We both don’t like exercising.

"So, we get along very, very well.

"When we were in our room, it felt like we were on vacation ... we were just watching TV, we’re just watching a TV series...

"Meron kaming sinusundang series every day. Parang wala, parang walang competition."

Sino sa palagay niya ang naging threat sa pagpasok niya sa Top 5?

"We don’t see that as a threat or competition e, pero I think... it was Miss Venenzuela, para sa akin.

"If ever she wins, okay lang. Kasi, every day, she’s always consistent, she looks perfect.

"She was really nice. Hindi siya yung parang mayabang or something, alam mo yun, she was just calm, nice and beautiful.

"So, siya yung nakikita namin na mag-uuwi ng crown that time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung pumasok siya sa Top 5, during that time, sino yung nasa isip niya na mananalong Miss Universe?

"Alam n’yo during that time, I wasn’t thinking at all about who’s gonna win.

"During that time, after calling my name, we were lining out for the final walk and the winners were going to be announced...

"Wala na, e! Ang feeling ko lang that time, parang lumulutang na ako e, wala akong naiisip, parang masaya na ako.

"Masaya na ako na natapos na yung Q&A, I said my part, tapos I’m happy and satisfied with my answer, wala!

"Hindi ko nga iniisip kung mananalo ako or what.

"Nandun lang ako, tinitingnan ko yung mga taong may hawak na banner na Philippines at may Philippine flag, ganun lang.

"Nung tinawag nga ako [as third runner-up], ni hindi ko nga naisip kung anong runner-up yun, e.

"Basta pumunta na ako sa harapan and I was so happy!"

ENTERING SHOWBIZ. Plano niya rin bang pumasok ng showbiz tulad ng ibang naging beauty queens?

"Hindi ko pa alam.

"Basta ang alam ko, sa ngayon, gusto kong maging magaling na arkitekto at yun ang pagpupursigihan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN