Jake Cuenca remains unfazed by issues about him

"For me, it’s not a big deal, kasi alam ko naman din yung totoo. Tsaka lagi kong gusto ipakita sa tao, pagdating sa personality ko, bukod sa character na pinu-portray ko, what you see is what you get," says Jake Cuenca about intrigues.


Noong Linggo, September 18, ay naka-one-on-one interview ni Cristy Fermin ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca para sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5.

ON MELISSA RICKS. Kinumusta muna ni Cristy si Jake tungkol sa kanyang puso.

"Puso ko? Ano po ako ngayon, happily single," malugod na sabi ng binata.

Sumunod na tanong kay Jake ay ang tungkol sa breakup nila ni Melissa Ricks.

Matatandaang bago pa ipinalabas ang interview ni Jake, nagsalita naman si Melissa sa The Buzz tungkol sa hiwalayan nila ng aktor. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag ni Jake dito, "Bata pa kami, siyempre marami pa kaming responsibilidad na kailangang gampanan.

"Di lang siguro nag-work out yung sa aming dalawa.

"Pero ipinagdarasal ko pa ring maging magkaibigan kami kasi mabait si Melissa, wala akong masasabi sa kanya."

Umiwas naman si Jake na sagutin ang tanong tungkol sa kung ilang araw o buwan niyang iniyakan ang kanilang breakup.

"Yung mga ganyang bagay, gusto ko na ring itago para sa sarili ko.

"May usapan na rin kasi kami ni Mel the day we broke up, na ano namin, na it’s better not to talk about the relationship anymore," paliwanag niya.

Sa tanong naman kung may bago na siyang inspirasyon, o bagong nagpapatibok ng kanyang puso, sinabi ni Jake na wala pa naman daw siyang napupusuan at puro trabaho lang daw muna ang iniisip niya sa ngayon.

JAKE’S FAMILY. Katulad ng ibang mga artista, hindi rin maipagkakaila na maraming mga ibinabatong puna at isyu kay Jake. Pero hindi na raw niya ito sinasagot.

"Aware naman ako sa mga issues tungkol sa akin, but then again, they don’t faze me.

"For me, it’s not a big deal, kasi alam ko naman din yung totoo.

"Tsaka lagi kong gustong ipakita sa tao, pagdating sa personality ko, bukod sa character na pinu-portray ko, what you see is what you get," saad ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa lahat daw ng mga intrigang ibinabato sa kanya, ipinagpapasalamat ni Jake na nandiyan pa rin at nakasuporta sa kanya ang kanyang pamilya.

"I just wanna say thank you to them because they’re the best parents, ever.

"Ako, sobrang open ko sa magulang ko, na yung pinakatatakutan ko talaga, wala akong kinakatakutan para sa sarili ko... ang ikinakatakot ko lang talaga ay para sa pamilya ko all the time.

"No matter what I do, kahit rumampa pa ako sa Araneta na naka-underwear, nandun pa rin ang suporta ng magulang ko para sa akin."

Sa mga kapatid naman daw niya, masaya niyang ibinalitang ang isa sa mga ito ay mag-aartista daw kapag nasa tamang gulang na.

"Masaya ako sa mga kapatid ko, siyempre, kabubukod lang nila. May sarili silang place. Proud na proud ako sa kanila.

"Tapos yung sister ko, abangan n’yo ’yon, meron kaming campaign sa Bench, kaming dalawa ng baby sister ko.

"Gusto niya kasi mag-artista. Sabi ko, ’Pag medyo matanda ka na.’

"Gusto kong sagarin niya muna ang childhood niya, at mag-aral muna siya.

"So, pinayagan ko siyang mag-model, tapos nagkataon na first gig niya, first project niya, kasama ako sa Bench.

"Ang saya, ang saya," sambit pa niya.

Inusisa naman kay Jake ang tungkol sa mga magulang niya na nahiwalay sa kanya simula nang ang mga ito ay tumira sa ibang bansa, at pumasok naman siya noon sa showbiz.

Kuwento niya, "Nung nag-showbiz na po ako, kinailangan nilang tumira sa Spain kasi doon nagtatrabaho ang daddy ko.

"Magmula nung bumalik ang magulang ko dito, siyempre, gusto ko silang tulungan, gusto kong maging kumportable ang buhay nila.

"So, ang tingin ko sa kapatid ko, si Bea, anak ko.

"Kasi ako ang nagpapaaral sa kanya, na kaya namang gawin ng magulang ko ’yan. Pero I took it upon myself to do that for them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOOKING RUMORS. Marami ang nagsasabing nakakaraos ang pamilya ni Jake kaya naman idinagdag na tanong ni Cristy ang tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya na diumano’y nagpapa-booking siya sa mga may-kayang bading at matrona.

Kumpletong tanong ni Cristy: "Gusto kong ipagmalaki na, di ba, ang dami-daming kuwento na para magkapera ka lang, nagpapa-booking ka. Ang dami-daming kuwento na para lang magkapera ka, kahit kani-kanino, matrona, bading... Gusto ko lang sabihin, Jake, super-yaman pala kayo sa Espanya. Bakit hindi mo yun nilalabas para hindi ka minamaliit?"

Paliwanag naman ng aktor, "Kasi, as much as possible, nandun pa rin yung privacy ng mga magulang ko.

"Tsaka hindi naman po ako mayabang. Kung ano pong meron ang magulang ko, kanila po ’yon.

"Ako, magtatayo ako ng sarili kong pundasyon, my own foundation. I wanna be self-made.

"And that’s what I’ve been doing for the past nine years in showbiz."

Paano isasalarawan ni Jake ang kanyang sarili sa tatlong pangungusap?

"Si Jake Cuenca ay totoong tao.

"Si Jake Cuenca ay nakakatawa, siguro.

"At pangatlo, si Jake Cuenca ay seryosong tao... mapagmahal at seryosong tao," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN