Rayver Cruz says girlfriend Cristine Reyes is free to do love scenes

"Hindi. Hindi na kailangang magpaalam. Hini naman ako ganun. Manoonod ako ng premiere night. Actually, buong cast ng Reputasyon, susuporta sa kanya," says Rayver Cruz when asked if girlfriend Cristine Reyes needed to get his consent to do love scenes with Derek Ramsay.


PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Rayver Cruz last Sunday, September 18.

Isa si Rayver sa dumalo sa "Stars For A Cause" na fund-raising project ng Philippine Movie Press Club (PMPC) held at Skydome of SM North Edsa.

Tinanong namin ang young actor kung ano ang epekto ng paglipat ng timeslot ng kinabibilangang show sa ABS-CBN, ang Reputasyon. From its 2:30 p.m. timeslot, nalipat na ng 5 p.m. na ang oras nito.

"Due to insistent public demand" ang ibinigay na rason kung bakit nalipat ng oras ang nasabing serye na pinagbibidahan ng girlfriend ni Rayver na si Cristine Reyes.

Ani Rayver, "Okay naman. Maganda, actually nalipat nga kami ng oras, so haping-happy [kami].

"Ibig sabihin siguro, marami ang sumusuporta.

"Marami ang talagang tumututok sa kanya, saka maganda talaga ang istorya."

Mas may pressure ba?

"Pressure? Sabi ko nga, maganda yung show. Mas marami pa silang mapapanood na twists sa istorya.

"Marami pang pasabog na mangyayari. So sana, abangan pa nila.

"So, yung pressure, ayaw naming isipin kundi sa ikagaganda pa ng show ang focus namin."

FIRST ANNIVERSARY. Last September 14 ay ang first anniversary nina Cristine at Rayver bilang magkasintahan. Paano sila nag-celebrate at ano ba ang regalo niya sa girlfriend?

"Masaya. Nag-dinner, [nanood ng] movie, kasi medyo busy yung sched namin because of Reputasyon.

"Tapos may tinatapos siyang movie. Yung No Other Woman.

"Gift? Si Cristine na lang ang tanungin ninyo. Ang importante, lagi lang kaming nandiyan para sa isa’t isa."

TAKING CARE OF CRISTINE. Sa pagkakasakit ni Cristine recently kung saan na-confine siya sa hospital ng two weeks dahil sa viral meningitis, isa si Rayver sa nag-asikaso at nagbantay talaga sa sexy actress.

Ngayon na nasa maayos na talagang kalagayan si Cristine at back to work na, sobrang ipinagpapasalamat ni Rayver ang tuloy-tuloy na pagbuti ng kalagayan ng girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, iniingatan ko yung health niya. Ngayon naman, mas maingat na siya.

"Nagpapahinga na siya. It’s a viral meningitis na kung hindi naalagaan, delikado talaga.

"Pero buti nga at naagapan. Happy naman [si Cristine] kasi naalagaan ko siya.

"Naiparamdam ko sa kanya na nandun lang ako lagi for her."

FAMILY TIES. Masayang-masaya raw si Rayver sa magandang relasyon ni Cristine sa kanyang pamilya and vice versa.

"Sinusundo ko siya sa kanila [to have] dinner with my family.

"Masaya, ang ganda ng bonding namin. Pati family ko, pati family niya.

"Okay ako at ang family ko. Walang problema.

"So, ang sarap sa feeling na makita mong nagkakasundo ang mga pamilya ninyo."

NO PERMISSION NEEDED. Ipapalabas na ang No Other Woman on September 28 na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Anne Curtis, at ni Cristine.

Balita na daring at may pagka-sexy ang tema ng nasabing pelikula kung saan may mga love scenes daw ang tatlo.

Nagpaalam ba si Cristine kay Rayver sa mga ginawa niyang maseselang eksena with Derek?

"Hindi. Hindi na kailangang magpaalam. Di naman ako ganun.

"Manoonod ako ng premiere night. Actually, buong cast ng Reputasyon, susuporta sa kanya," nakangiting sabi ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN