Hayden Kho, Jr. says Vicki Belo is the only woman compatible with his personality

"Ako, hindi ko na nakikita ang sarili ko na may iba pang ka-partner na sakto o bagay sa pagkatao ko kundi siya lang. Sa kanya, nagiging bata ako, nagiging matanda ako, nagiging doktor ako, etc. She’s very supportive," says Hayden Kho about his future wife, Dra. Vicki Belo.


Pagkatapos ng mga kontrobersiya at intriga na kinasangkutan ni Hayden Kho Jr., nagdesisyon siyang tuluyan nang talikuran ang showbiz.

Ito ay sa kabila ng paminsan-minsan pa rin niyang paglabas sa showbiz functions at pagge-guest sa mga TV show.

Isa nga sa mga showbiz event na dinaluhan ni Hayden ay ang fund-raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na "Stars For A Cause" na ginanap sa Skydome ng SM North Edsa noong Linggo, September 18.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Hayden, sinabi niyang nananatiling positibo ang pananaw niya sa buhay at maging sa press.

Ito ay sa kabila ng mga banat at panghuhusga na ibinato sa kanya dulot ng kinasangkutang sex video scandal noong 2009.

Aniya, "I don’t think ang press, hindi naman isang tao lang ang press.

"Hindi mo naman puwedeng sabihin na lahat ng taga-press, ganito ang ugali. Siyempre, may iba akong kilala na alam kong mabait.

"Pero kung may nasabi man silang masama before, nakalimutan ko na yun, napatawad ko na yun—as in hindi ko na talaga naaalala.

"Hindi kasi ako ganung tao, e, hindi talaga ako marunong magtanim ng sama ng loob. Madali talaga akong makalimot.

"I am open to making friends with anyone who wants to make friends with me.

"Kahit hindi press, kahit sinong tao na gustong maging kaibigan ako, bakit hindi?"

Dagdag pa niya, "Sa akin, kung pinersonal man ako ng ibang tao before, parang naiintindihan ko naman kung bakit sila naipit about me, kung bakit nila nasabi ang mga yun about me.

"So, mahirap ang time na yun na wala kang mapagkakatiwalaan, walang naniniwala sa iyo.

"Parang naipinta na si Hayden, ganitong klase ng tao. Kulang na lang sabihin na ’demonyo, pervert...’

"Nung time na yun, masakit.

"Wala namang hindi masasaktan lalo na pag pine-personal ka.

"Lalo na kung pinaniniwalaan mo sa sarili mo na ganito kang tao, tapos pinaniniwalaan ng lahat, e, yung opposite nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At pag nakikkita mong naaapektuhan ang pamilya mo."

Dumating ba sa puntong feeling niya ay namanhid na siya sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya?

"Hindi ko alam kung manhid yung term, or hindi ko alam na pine-personal ako, na ganun talaga ang buhay.

"Kaya nga lumabas na ako sa showbiz world dahil parang hindi ako fit for that, hindi ako sanay na ganunin.

"From the very beginning, hindi naman talaga ako dapat papasok.

"Pumasok lang naman ako dahil sinubukan ko lang talaga," saad niya.

WEDDING WITH VICKI. Kumpirmado na ang nalalapit na pagpapakasal ni Hayden sa cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo.

Pero nang hingan namin ng detalye si Hayden tungkol sa kanilang kasal ay tumanggi ito.

"Regarding the wedding, ayokong pag-usapan ’yan.

"But I want it [to be] something very solemn, very private na sa amin lang talaga yun.

"Gusto namin hindi talaga ganun karami ang bisita, only those people who are really close to our hearts.

"Mga kaibigan ko at mga kaibigan niya [Dra. Belo], who stick with us through thick and thin.

"Yung talagang hindi nag-judge, hindi nang-iwan, at naging totoo sa amin.

"Ayaw naman namin na may mga bisita na ang gusto ay maghiwalay kami, di ba?"

Sabi pa niya, "I think hindi ka dapat nagre-relax o nagiging complacent sa pagpapakita ng pagmamahal.

"Maraming ways naman para maipakita mong mahal mo ang isang tao. Like, kailangan mong gawin yun araw-araw.

"Of course, may mga panahon na hindi mo magagawa, magkukulang ka.

"Pero kung may mga araw na nakapag-deposit ka, may paghuhugutan kung kinakailangan."

Sinabi rin ni Hayden na wala siyang ibang nakikitang babae na magiging katuwang niya sa buhay kundi si Vicki lang.

"Ako, hindi ko na nakikita ang sarili ko na may iba pang ka-partner na sakto o bagay sa pagkatao ko kundi siya lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa kanya, nagiging bata ako, nagiging matanda ako, nagiging doktor ako, etc. She’s very supportive.

"This is a mature relationship, hindi tulad nung mga past relationships na tina-try mong angkinin ang ka-partner mo.

"Ito, very mature and giving."

Pero hindi naman maiwasan na may mga nagdududa pa rin hanggang ngayon kung talagang tapat ba ang pagmamahal ni Hayden kay Dra. Belo, lalo na’t kung pagbabasehan ang pagkakaugnay niya noon sa ibang mga babae.

Ayon kay Hayden, hindi niya masisisi ang iba na mag-isip ng ganito.

"Dati pa naman mahal ko na talaga siya.

"Of course, naging unfaithful din ako sa kanya, may nagawa din akong kasalanan and now I’m making up for it.

"Minsan makakagat ka ng fame, makakagat ka ng fortune, tapos akala mo ikaw na ang pinakamalakas na tao sa mundo, di ba?

"Hanggang tuturuan ka ng Diyos, teka lang, sa isang iglap, boom, ayun na."

HAYDEN’S LICENSE. Iwas namang pag-usapan ni Hayden ang pagbawi ng lisensiya niya bilang doktor ng Philippine Regulation Commission (PRC). Pero hindi niya itinago na nami-miss niya ang panggagamot.

"Ayoko nang pag-usapan kasi ang tagal-tagal na, 2009 pa.

"Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi na siya ganun kasakit.

"Nadaanan ko na yung pinakamasakit na part, pinaalala lang sa akin.

"Sabi nga, pag matagal na tayo sa malalim na baha, ano pa yung ulan?

"Kakausapin ko ang lawyers ko kung ano pa ang puwedeng gawin. Pero sa ngayon nga, I’m still undecided pa rin.

"Of course, nami-miss ko ang panggagamot. Ang tagal kong pinaghirapan yung course ko para matapos ko.

"Pero ganun talaga, e. Life has to move on and I’m moving on."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN