Toni Gonzaga announces tickets for her anniversary concert are half sold out

"Okey naman ang ticket sales. Actually we started off sa isang magandang pagbubukas ng ticket selling. So, as of now, ang alam ko, half na is almost sold. And it’s [ticket sales] still increasing every day. Siguro, because of the promotion na rin that’s been happening," says Toni Gonzaga about the ticket sales of her Toni @ 10 concert.


Todo na ang paghahandang ginagawa ni Toni Gonzaga sa nalalapit niyang concert na Toni @ 10 kaugnay ng 10th anniversary niya sa showbiz.

Gaganapin ito sa September 30 sa Smart Araneta Coliseum, to be directed by Johnny Manahan.

"Excited na talaga ako habang pinaghahandaan iyon," ayon kay Toni nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sunday, September 18, sa fund-raising project ng Philippine Movie Press Club na Stars For A Cause held at the SM Skydome.

"Siyempre, isang malaking selebrasyon ang mangyayari. So, talagang pinaghahandaang mabuti.

"Dream ng kahit sinong artist na makapag-concert sa Smart Araneta Coliseum. Yes!

"And suwerte ko na kahit papa’no, sa sampung taon, nabigyan ako ng pagkakataon na i-celebrate iyon doon.

"Kaya I’m really thankful and grateful sa opportunity na ito.

"At siyempre, I’m looking forward na sana ay mapanood ninyo yung selebrasyon dahil marami kaming inihandang sorpresa.

"Actually, it’s not just a concert. Para ngang ang tingin ko sa kanya [concert], parang pelikula, e.

"Kasi para siyang... it’s going to be a journey of the beautiful ten years sa showbiz na pinagdaanan ko.

"Ibang Toni ang makikita ninyo sa concert ko. Oo.

"Siyempre, kasi hindi naman tayo given that much opportunity to sing and perform on TV.

"So, I’m thankful na because of this concert, I will be able to do the things that I love to do."

BRACE YOURSELVES! Gaano kabongga ang gagawin niyang numbers?

"Siyempre, bongga talaga!" bulalas niya.

"Yung mga hindi ko pa nagagawa sa sampung taon, gagawin ko na.

"Maraming bongga. Actually, more than the bongga, marami ang mga surprise na mga production numbers.

"Siyempre, kasali si Alex [Gonzaga, Toni’s younger sister]. Para naman masaya.

"At maganda yung number namin ng kapatid ko. Kasi ano... patalbugan kami talaga!

"Kabugan na talaga. Magkakaalaman na talaga!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM CONCERT. Dinadasal-dasal daw ni Toni na maging successful ang kauna-unahang major concert niyang ito.

"Siyempre, pangarap natin yun na mabigyan tayo ng maraming pagkakataon to be able to perform.

"And to reach out also sa ating mga kababayan, not just here but also sa TFC [The Filipino Channel] sa iba’t ibang bansa.

"And we’re also given that opportunity dahil may mga invitations naman tayo.

"So, yun lang. Our prayer talaga is, sana tangkilikin siya ng mga manonood."

TICKET SALES? Balitang 19,000 tickets ang kanilang kailangang mabenta para talagang mapuno ang Araneta Coliseum. Kumusta naman ang ticket sales?

"Okey naman ang ticket sales. Actually, we started off sa isang magandang pagbubukas ng ticket selling.

"So, as of now, ang alam ko, half na is almost sold. And it’s [ticket sales] still increasing every day.

"Siguro, because of the promotion na rin that’s been happening.

"Maraming tao ang mas nagiging aware sa concert. Kaya ayun, okey naman siya."

INDIE PRODUCER. Totoo nga bang isa sa mga plano rin niya ngayon ay ang mag-produce ng indie film?

"Ha?! Magpu-produce ako ng indie? Hindi pa sa ngayon.

"Pero, I’d like to venture nga into producing. Wala pa nga lang particular na project.

"But of course, if given the chance, and the right story.

"If there’s good material, okey din for me to produce an indie.

"And I also wanna venture into producing shows, ganyan.

"Eventually siguro."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN