Rhian Ramos reunites with Dingdong Dantes in a new soap; teams up anew with Aljur Abrenica in a Valentine movie

Rhian Ramos will be very busy in the coming weeks as she begins taping for her primetime series with Dingdong Dantes and her Valentine movie with Aljur Abrenica.


Kasado na ang bagong teleseryeng pagtatambalang muli nina Rhian Ramos at Dingdong Dantes sa GMA-7; ito ay may working title na Sundo.

Ibang-iba raw ito kung ikukumpara sa Stairway To Heaven na nauna nilang pinagsamahan.

Kuwento ni Rhian, "Wala pang final title. Pero sa story, si Dingdong ang tagasundo ng mga dapat nang mamatay. Siya ’yong angel of death in other words."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa dressing room ng Manny Many Prizes sa GMA Network Studios noong Sabado, September 17.

Patuloy niya, "And uhm... isa akong mortal. Tapos magsisimula ’yong conflict kapag na-in love na si Dingdong sa mortal na dapat mamamatay na.

"Na-in love siya. Parang naawa siya. So, pinigil niya. Hindi niya ako hinayaang mamatay."

Nakapag-workshop na raw sila ni Dingdong. At naikuwento nga ni Rhian kung anu-anong exercises ang ipinagawa sa kanilang dalawa.

"May mga... kailangang mag-establish ng connection na hindi nagsasalita. ’Yong maiintindihan ng lahat kung ano ’yong iniisip namin, gano’n.

"Tapos, may mga exercises din na parang catching and throwing ng balls na we have to catch and throw them.

"Na parang it teaches us na... hindi dapat nilalabanan kasi mahirap i-catch ’yong ball kapag pasalubong ang pagsalo mo.

"Dapat susundan mo ’yong flow ng ball," sabi ni Rhian, na ang ibig niyang sabihin ay paatras ang kamay sa pagsalo ng bola.

Pahabol pa niya, "Maganda ’yong story. It’s about supernatural na drama na love story."

May kissing scene kaya sila ni Dingdong sa serye nila?

"So far, wala pang sinasabi sa amin," sabi niya.

"Hindi ko alam. Wala pa akong script na gano’n ka-far.

"Pang first week pa lang ’yong script na natanggap ko."

VALENTINE MOVIE. Bukod sa teleserye nila ni Dingdong, may gagawin ding pelikula si Rhian kunsaan katambal naman niya si Aljur Abrenica.

"Pang-Valentine offering ito next year ng GMA Films," banggit ng 20-year-old actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And na-appreciate ko naman na talagang ako at si Aljur ang bida sa Valentine offering ng GMA Films.

"Natuwa ako na dumating ’yong pagkakataong ganito.

"So siyempre, I feel very happy about it kasi sa lahat ng mga pelikula na nagawa ko so far, hindi ko masasabi na talagang akin ’yon, e.

"Most of the time kasi, marami kami sa cast. Apat kami o more pa. Madalas na gano’n.

"Pero at least, ’etong parating ngayon na movie, na gagawain ko nga with Aljur, talagang kami ang lead do’n."

Biro namin, baka magkainlaban sila ni Aljur while filming the said project?

"Siguro... hindi!" natawa si Rhian.

Aware din marahil si Rhian na nali-link ngayon si Aljur kay Kylie Padilla. Na kahit hindi umaamin ang dalawa, marami ang naghihinalang mag-on na nga ang mga ito.

"Ayaw umamin?

"Pero kung gano’n nga na balitang sila na, e, di mas malakas ang chance na hindi kami magkainlaban!" tawang muli ni Rhian.

Pero ina-anticipate na raw niya na mali-link din sila ni Aljur kapag nagsimula na ang shooting ng pelikula nila.

Ani Rhian, "Alam ko naman na kasama na nga doon ’yong maiintriga kami. Alam ko naman ’yon.

"Pero siyempre, ’yong responsibility ko lang, ’yong behind the scenes. Kung ano ’yong mangyayari, di ba?

"’Yon lang naman. Hindi ko naman responsibility kung maiintriga kami o hindi.

"So, okey lang."

Hindi ito ang unang pagsasama nina Rhian at Aljur sa isang proyekto. Nagkasama na sila noon sa telefantasya ng GMA-7 na Ilumina.

REDUCING WORKLOAD. Dahil nga mas magiging busy pa si Rhian sa mga karagdagang proyektong pagkakaabalahan niya, kinailangang bitawan ni Rhian ang paghu-host ng showbiz-oriented show ng GMA News Channel 11 na In The Limelight.

"Hanggang this month [September] na lang ako sa In The Limelight," pagbabalita niya.

"Dito sa Manny Many Prizes, hindi ko pa sure kung kakailanganin din na i-give up ko ang pagku-co-host ko dito. Sana hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung magkakagano’n, e, di dalawang show na ang nawala sa akin. Ha-ha-ha! Huwag naman.

"Gusto kong mag-stay pa dito sa Manny Many Prizes.

"In fact, kinausap ko na ’yong mga kasama ko dito. Sabi ko, ’Talaga bang aalis ako dito? Ayoko!" tawa niya.

Pero pagkatapos ng kanyang soap with Dingdong, babalik din naman yata siya sa In The Limelight—at maging sa Manny Many Prizes kung talagang mawawala rin siya rito.

"Supposedly. Well... I don’t know, e," sabi ni Rhian.

"Kasi siyempre, like sa In The Limelight, maghahanap na sila ng replacement, di ba?

"So, depenede rin ’yon sa magiging feedback kung sino ’yong magre-replace sa akin.

"Siyempre, e, kung mas bongga pala siyang host?" tawa na naman niya.

Pero kung siya ang hihingan ng recommendation, who would she recommend to replace her?

"Si Iza Calzado," mabilis na sagot ni Rhian.

"Why? Kasi crush ko siya, e.

"So... ever since naman, ewan ko... laging... kung may gusto akong makasama sa movie, si Iza Calzado iyon.

"Ewan ko. Pero siya ’yong lagi kong gusto."

Ibig sabihin, kung magpapapalit siya ng mukha, face pa rin ni Iza Calzado ang ipakokopya niya, gano’n?

"Oo. Iza Calzado pa rin."

Hindi kaya maintriga naman siyang natu-tomboy kay Iza?

"Hindi ’yan!" tawa ni Rhian.

"Marami nang naitsismis sa akin. Feeling ko, hindi na uubra ’yong tomboy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN