Rhian Ramos "proud" of ex-boyfriend Mo Twister for admitting he’s seeing a therapist

"Inactive ang lovelife ko ngayon. Kasi, I think, ginawa ko munang priority ang work. Sa dami ng ginagawa ko, binabawas na nga ’yong ibang trabaho ko! So, masyado lang siguro akong busy sa ngayon. Kaya hindi ko maharap ’yong tungkol diyan," says Rhian Ramos.


Marahil, ang pinakamatinding intriga na dumaan kay Rhian Ramos ay ang kontrobersiyal na breakup nila ng TV host-DJ na si Mo Twister.

Pero mula nang pumutok ang isyung ito ay bihirang marinig ang side ni Rhian, at madalas ay si Mo lang ang nagsasalita.

Kaya naman tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian kung totoo bang may memo ang GMA-7 sa staff ng mga showbiz-oriented show sa Kapuso network na bawal siyang tanungin about Mo?

"Hindi. Kasi tinatanong din naman nila [staff ng GMA] ako, e," tanggi niya.

"And... wala. Choice lang nila kung hindi man magtanong [about Mo] kasi lumang-luma na.

"Alam mo ’yon? So, hindi na rin nila tinatanong."

Maliit lang ang mundo ng showbiz. For sure, magkikita rin sila ni Mo one of these days. How would she feel kaya or react kapag dumating ’yong time na ’yon since, ayon kay Rhian, matagal na silang walang communication?

"Wala," sagot ni Rhian.

"Like I said naman, I mean, I’ve gotten apology after apology. And I really, really appreciate it.

"I’m happy to get an apology and everything. Uhm... and I think it’s all behind me.

"Parang feeling ko, it’s in the past na rin. So, walang dahilan para gawin ko pa siyang big deal.

"Uhm... masaya na rin naman ako. Hindi naman ako galit or anything.

"So, okey na.

"I mean, I’m sure kung makita ko siya, magiging okey ako."

Kapag kinausap siya ni Mo, makikipag-usap siya?

"Oo naman. Hindi naman ako mang-iisnab.

"Lalo na... bakit ko siya iisnab, e, nag-sorry naman and everything?

"I mean, kung may nang-away sa akin tapos hindi naman nag-sorry, ’yon, possible pang hindi ko pansinin. Di ba?" pahayag ni Rhian.

Mo said in an interview that he is still seeing a therapist for him to become a better person. Ano ang masasabi ni Rhian dito? (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s good!" sambit ni Rhian.

Para yata kay Rhian kaya ginagawa ito ni Mo?

"Sinabi niyang for me?" natawang reaksiyon ng Kapuso actress.

Pero inaamin nga ni Mo na hindi siya naging okey as a person and as a boyfriend no’ng panahong sila pa. At inaamin din nito ang mga pagkakamaling nagawa.

Ano ang masasabi ni Rhian dito?

"Uhm... I don’t know. I think it’s good na kapag feeling mo may problema ka, nare-resolve mo siya.

"So, I’m proud of him for doing that. Tapos ano, naging matapang pa siya to say it in public.

"E, usually, di ba, karamihan ng mga taong pumupunta ng therapist, hindi iyon sasabihin in public kasi baka isipin ng tao ganito o ganyan? Di ba?

"Pero napaka-normal lang naman na pumunta sa isang therapist.

"Kasi siyempre, minsan gusto mo ng isang kausap na alam mong sure ka, hundred percent na good advice ’yong makukuha mo.

"Kung kaibigan mo ’yong tinanong mo, hindi naman laging good advice iyon, di ba?

"So, good ’yon."

Kung pagbabasehan ang mga pahayag ni Rhian, parang ang dali niyang naka-move on sa breakup nila ni Mo. Ano kaya ang advice na puwede niyang maibigay sa mga babaeng kagagaling lang din sa breakup?

"Ayoko namang i-judge ako for what’s inside me, ano?

"I mean, hindi malalaman ng ibang tao kung mabilis akong mag-move on o hindi.

"Trabaho kong umarte. So, hindi iyon malalaman ng ibang tao kung mabilis akong mag-move on o hindi.

"So, wala akong maibibigay na advice," bahagyang natawa ulit si Rhian.

Dagdag pa niya, "Makikita lang ng tao kung ano ’yong gusto kong ipakita siyempre."

INACTIVE LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

"Inactive ang lovelife ko ngayon," sagot ni Rhian.

"Kasi, I think, ginawa ko munang priority ang work.

"Sa dami ng ginagawa ko, binabawas na nga ’yong ibang trabaho ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, masyado lang siguro akong busy sa ngayon. Kaya hindi ko maharap ’yong tungkol diyan."

HER MOM’S CONDITION. Kumusta na pala ang mommy niya na si Mrs. Clara Ramos-Howell na sinabi niyang nagkaroon ng breast cancer? (CLICK HERE to read related story.)

"Okey na siya," sabi ni Rhian.

"I think nagugulat ang lahat kasi ngayon ko lang inamin na nagka-cancer ’yong mommy ko.

"Actually, okay na. Naoperahan na siya. And safe na siya.

"Mga seven o eight months ago nang ma-diagnose siyang may breast cancer."

Paano niya nagawang itago sa publiko ang karamdaman ng kanyang ina?

"Kasi no’ng time na ’yon, talagang marami nang nangyayari.

"At saka parang... hindi rin kami ready na pag-usapan. Kasi malungkot pa kami no’ng time na ’yon.

"Siyempre, kapag first time na makarinig ka ng gano’ng klaseng news, nakakatakot siya, di ba?

"Pero once na na-realize mong, wait lang, 2011 na ngayon. Kayang-kaya na ng mga doctor ’yan these days.

"Hindi naman siya tulad ng dati na hindi mo maku-cure ang cancer. Hindi na siya gano’n. Curable na siya.

"So, ayun, nung naging okay na ang mommy ko, naging handa na rin kami na pag-usapan.

"In fact, hindi nga ’yong mommy ko ang nagsabi sa akin, e.

"Tita ko pa ang nagsabi sa akin na, ’Yong Mommy mo, nanggaling sa hospital kanina, heto ’yong resulta... ganyan-ganyan.’

"Ngayon, okay na. Kayang-kaya na naming pag-usapan na lahat naka-smile.

"Kasi happy kami na okey na siya," saad ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN