Ryza Cenon tells how she kept her five-year relationship a secret

Ryza Cenon on how she kept her five-year relationship hidden: "Ano lang, I kept it muna. Private muna. Siya kasi, hindi naman siya showbiz na tao. Baka hindi niya kaya, na siyempre, baka may ibang makikialam. Or [sabihin ng mga intrigero] nakita ko si Ganito, si Ganyan. Private lang. Hindi kami lumalabas."


Nananatiling loyal Kapuso si Ryza Cenon after niyang manalo as Ultimate Female Survivor ng StarStruck Batch 2 noong 2004.

In fact, may six-year contract siyang pinirmahan sa GMA-7.

Guaranteed naman daw, kaya masaya naman siya and hoping na mas mabibigyan pa siya ng opportunities ngayon.

Sa opinyon ng iba, tila masyadong matagal ang six years. Pero para kay Ryza, wala raw problema sa kanya kahit mahaba ang kontratang pinirmahan.

"Sa akin kasi, okay lang yun. But of course, I hope mas mabigyan pa ng magagandang projects.

"At hindi lang yung basta mabigyan lang. Kung hindi may nakaplano rin," nakangiti niyang sabi.

GOING SEXY. Marami ang kumukumbinsi at nagtatanong sa kanya kung kailan ba siya magko-cover sa isang men’s magazine katulad ng FHM.

"Yun nga. Sinasabi ko naman sa kanilang lahat na hindi pa ako ready.

"Sabi ko, ayokong sumalang na hindi one hundred percent [buo] sa loob ko.

"Kasi, baka naman hindi maganda ang kalabasan. Baka [magmukhang] pilit lang.

"Pero, I’m not closing the door for that naman. Sinabi ko rin naman na hindi pa lang ngayon.

"At hinihintay ko lang din na maging ready ako.

"Siyempre, kailangan din namang paghandaan ang mga ganyang desisyon.

"Kasi, ibang path na naman ang papasukin ko kapag [ginawa ko ang] ganyan.

"So, kailangan kong planuhin unti-unti. Hindi yung, ’Tara, shoot na tayo!’

"Gusto ko po, nakaplano. Para magkamali man ako, sarili ko ang sisisihin ko. Hindi yung ibang tao."

Pero masaya si Ryza na among the young actresses, siya ang napili ng Tanduay para maging featured leading lady sa commercial series nito tungkol sa event na Rakrakan ngayong October.

"Series po kasi yun. Parang episode one, two, and three.

"May istorya siya at ako yung dream girl ng bida.

"Trying hard na maging rakista [yung guy]. Tapos ako naman, mahilig ako sa mga rakista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Rock music at sobrang crush na crush niya ’ko. Ang story lang naman, maya-yaya niya ako sa Rakrakan contest."

Hindi naman daw siya Tanduay model, talagang for the said Rakrakan concert lang daw siya nakuhang mag-endorse.

Pero kilala rin ang naturang brand na kumukuha ng sexy celebrities para maging image model. If ever na kuhanin siya, okay ba sa kanya?

Nakangiting sabi naman niya, "Okay lang ako basta maganda ang treatment.

"Mapag-uusapan naman yun sa mga treatment, layout ng mga pictures, damit."

Pero siya ba sa sarili niya, naiisip ba niya minsan kung bakit madalas siyang kinukumbinsi to go sexy or pose for a men’s mag?

"Hindi, hindi ko siya naiisip. Kasi, sexy ba ako?" sabay tingin sa kanyang hinaharap.

TAKE IT FROM LOVI. Marami ring young actresses ngayon na nagpu-pose at nagpapa-sexy kahit alam nila na hindi rin naman matatawag na voluptuous, basta nandoon ang confidence, gaya ni Lovi Poe.

"Actually, yun nga rin po ang sabi sa akin. Parang may press visit po [kasi dati], sabi rin ng ibang press sa akin, si Lovi nga rin daw po.

"Pero, keri naman niya. So, we’ll see. Malay nga po natin, bukas pala, ready na ako!" natatawa niyang sabi.

SECRET BOYFRIEND. Compared before, mas open na ngayon si Ryza to talk about her lovelife.

Aminado siya na for several years, she managed to hide her relationship with her non-showbiz boyfriend.

In fact, five years na pala sila.

Ayon kay Ryza, "Happy naman yung relationship.

"Although nagkaroon din ng konting problema, naayos din naman ang gulong yun. Okay naman na.

"Magpa-five years na, and nandoon kami sa stage na...

"Di ba, sinasabi nila na kapag four to five [years], magbi-break na?

"So, parang na-test na rin kami."

Five years in a relationship. Malamang sa kasalan na ito papunta?

"Naku, wala pa sa isip namin yun. Ang dami pa naming luho sa sarili namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa namin naiisip ang future. Naiisip namin, more on the present.

"Besides, ang dami pa naming gustong mangyari sa sarili namin na hindi pa namin naiisip yung future."

For someone na nasa showbiz, parang ang hirap mag-keep ng isang five-year relationship.

"Ano lang, I kept it muna. Private muna. Siya kasi, hindi naman siya showbiz na tao.

"Baka hindi niya kaya, na siyempre, baka may ibang makikialam.

"Or [sabihin ng mga intrigero] nakita ko si Ganito, si Ganyan. Private lang. Hindi kami lumalabas.

"In fact, kahit sila Chynna [Ortaleza, Ryza’s friend], hindi rin niya alam.

"Siguro, after two years na rin niya nalaman."

Bakit niya itinago?

"Siguro, sa fear rin na nakikita ko kasi yung ibang relationship sa showbiz, di ba?

"Although, bago ko rin naman siya sinagot, sinabi ko kung ano ang magiging set-up at kung kaya niya ba. So, yun.

"Okay naman, nag-work out naman."

Sa ngayon, busy si Ryza sa Time of My Life. Masaya rin siya dahil may bago na naman siyang serye na sisimulan sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN