Biggest Loser Pinoy Edition Fab 5 afraid of going back to their old weight

The Fab5 of The Biggest Loser Pinoy Edition: (from left) Larry Martin, Angela Lupangco, Art Mendoza, Hazel Chua, and Raffy Tan.


Hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa sampung contestants ng The Biggest Loser Pinoy Edition nang lumabas ang bawat isa mula sa standee na nagpapakita ng kanilang hitsura noong unang pasok nila sa camp.

Mas napabilib ang lahat ng naimbitahang media at panauhin nang lumabas na ang tinaguriang "Fab 5" ng ABS-CBN reality show sa press conference kanina, Setyembre 20, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound.

Ang Fab 5 ay binubuo nina Angela Lupangco, Art Mendoza, Hazel Chua, Raffy Tan, at Larry Martin.

RAFFY. Dahil malaki na rin ang nabawas nila sa kanilang dating timbang, lahat sila ay umamin na isa sa mga kinatatakutan nila ngayon ay ang bumalik sa dati nilang pangangatawan.

Ayon kay Raffy, na aminadong mataba na noong bata pa lang siya, "Fear ko rin po ’yong bumalik [sa dating timbang]. Kasi, never pa po ako naging ganito ka-happy, e.

"Everything right now, for me, is parang first time.

"First time ako makapamili ng mga damit, pumunta sa mall at bumili ng large, dati laging 4X. ’Yong feeling lang po na sobrang happy ka.

"Ayaw ko na pong bumalik [sa pagiging mataba] kasi bata pa lang po ako, ang dami ko nang sakit, e.

"Ngayong kakatanggal lang, ang pangit naman kung ibalik agad."

HAZEL. Para naman kay Hazel, sisiguruhin daw niyang itutuloy pa rin niya ang disiplina na natutunan niya sa loob ng camp para maiwasan na ang muling pagdagdag ng kanyang timbang.

"Confident po kami na na-instill po sa amin ang discipline na ’yon," sabi ng nursing graduate mula sa Camarines Sur.

"’Yon naman po talaga ang naging problema namin outside.

"Aminado naman po talaga kami na kulang talaga kami sa discipline kaya lumaki kami ng gano’ng kalaki."

ART. Sumang-ayon dito si Art, na isang businessman.

Aniya, "Noong natanggap ako sa show, sinabi ko lang na I will not look at this as a goal. I will look at this as a lifestyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ngayon, paglabas ko, alam ko na hindi kaya ng lifestyle ko ang four to five hours ng gym time.

"I’ll probably workout mga one hour to one and half hours."

ANGELA. Samantala, para hindi na tumaba pang muli, nagbiro naman si Angela na, "I think, makakatulong sa amin kung ibibigay na lang po sa amin ’yong mga standees namin sa likod para maipaalala sa amin na huwag nang bumalik diyan."

LARRY. Si Larry naman, na kapansin-pansin ang sobrang laki ng ipinayat, ipinangako niya na iiwas na sa sobrang pagkain at pag-inom para hindi na mangyari ang kinatatakutan.

"Pati konsensiya ko, talagang pinagtitibay ko," sabi niya.

"Kasi kung mawawalan ng silbi ang konsensiya ko sa sarili ko, madali na akong mate-tempt sa mga bagay na makakapagpataba sa akin.

"Spiritually, talagang mino-motivate ko sarili ko. Talagang pinapanalangin kong sana huwag nang bumalik ulit sa gano’ng bisyo."

GRAND FINALE. Tunghayan kung sino ang tatanghaling kauna-unahang "biggest loser" sa gaganaping "Biggest Loser Pinoy Edition Wellness Fair and Grand Finale" sa Oktubre 8, Ynares Stadium, sa Pasig City.

Tampok din sa programang ito ang host ng programa na si Sharon Cuneta, ang game master na si Derek Ramsay, at ang trainers na sina Chinggay Andrada-Sebastian at Jim Saret.

START A CAREER IN SHOWBIZ? Samantala, dahil naging maganda ang resulta ng kanilang pagpapapayat sa loob ng Biggest Loser camp, may ilang miyembro ng media ang nagsabi na maaari na rin nilang pasukin ang mundo ng showbiz.

Kung sakali ba ay bukas ang Fab 5 sa ideyang ito?

Ayon kay Angela, "Lahat po kami pumasok dito sa Biggest Loser to lose weight lang, e. Pero kung bigyan po kami ng offer, bakit naman po namin tatanggihan?"

Halos ganito rin ang naging sagot ni Art: "Hindi ko nakikita sa sarili ko na showbiz ako, e. I came to the show to lose weight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But if there’s an opportunity, I’ll try it once. If I like it, I’ll try it again."

Isang tanong naman ang naging sagot ni Larry: "May tatanggap po ba sa akin?"

Sina Raffy at Hazel, na may nabuong pag-iibigan sa loob ng camp, ay hindi itinanggi na maaring tanggapin nila kung may offer.

Sabi ni Hazel, "Before po sa camp, sabi ko, I’m the type of person who’s afraid of taking challenges or risks. Pero if ever naman po na may opportunity, why not?

"Life is about taking risks. So, I’ll grab na lang po the opportunity."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN