Biggest Loser Pinoy Edition reel- and real-life loveteam Hazel Chua and Raffy Tan might give showbiz a try

Hazel Chua agrees with boyfriend Raffy Tan when asked if he will enter show business after Biggest Loser Pinoy Edition: "Alam ko po na may mga opportunities na darating kung papayat kami. Hindi lang paggiging artista. Marami po. Like magandang job offers. Mga ganoon po. Pero given the chance po, okay lang sa akin, I’ll try."


Sa October 8 ay magkakaalaman na kung sino sa Fab 5 ang tatanghaling kauna-unahang Biggest Loser Pinoy Edition.

Nakalabas na sa camp ang lima tulad ng mga ibang na-eliminate. Pero, kailangan pa rin nilang ipagpatuloy ang disiplina at pagpapapayat.

Sa ginanap na press conference kahapon, September 20, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, ipinakilala sa entertainment press ang contestants sa Biggest Loser Pinoy Edition.

Kami man ay napapalakpak, kasama ng maraming entertainment press, na namangha sa nakitang transformation ng mga contestant.

Ang mag-sweetheart na sina Hazel Chua at Raffy Tan ang dalawa sa may napakalaking timbang na nawala.

Pero instead na maging magkakumpetensiya, mas nagtutulungan pa raw sila to achieve their goals.

Magkasama pa rin sila sa pagdyi-gym at patuloy na pagbabawas ng timbang.

Bukod sa pareho silang nakasama sa Fab 5, na-accomplish din ng dalawa ang main goal ng kanilang pagpasok sa Biggest Loser Pinoy Edition (BLPE) camp.

Ayon kay Hazel, "’Yun po ang maganda sa amin, nagtutulungan po kami.

"Wala po sa amin yung... although contest ’to, hindi mo po makikita yun sa amin [na naglalaban-laban kami].

"If one [contestant] is down, ipu-push po talaga."

Sabi naman ni Raffy, "The day na naging close po kami ni Hazel, nag-promise na ako sa kanya na tutulungan ko siya hanggang sa huli.

"Yun naman po ang dream namin na nandoon kaming dalawa hanggang sa huli.

"Ang ganda lang that we started it [BLPE] and ended it together."

SETTLE DOWN. Pareho namang natawa ang dalawa when PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) asked them kung pagkatapos ng BLPE, kasalan na ang kasunod?

"’Wag muna po yung getting married," mabilis na sagot ni Raffy.

"Siguro po, enjoy pa po. Kasi, sabi nila, mas masaya ang [maging] single.

"Pero sa akin po, mas masaya po kung anuman ang mero’n kami. Matagal pa po."

Para naman kay Hazel, posibleng si Raffy na raw talaga ang maging "first and last" na lalaki sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, sa sincerity naman na ipinapakita ni Raffy," ayon pa kay Hazel.

Anu-ano ang katangian ng bawat isa na nagustuhan nila or napamahal sa kanila?

Para kay Raffy, mga simpleng bagay lang daw.

Aniya, "Ako po kasi, simple things. Always pong sinasabi na may mga common interests [kami].

"Pero weird po ang mga common interests namin. Like, hilig po namin ang mga Disney [characters].

"Favorite namin ang mga Chinese foods. Kung paano kami tumaba, parang pareho rin po kung paano."

Sabi naman ni Hazel, "Palagi ko naman pong sinasabi sa kanya. Yung sincerity niya [ang nagustuhan ko].

"Kung paano niya tinanggap kung ano yung unang si Hazel na pumasok sa camp.

"Hindi siya nag-base sa physical, or anything.

"More on talaga sa inner [qualities], or kung papaano niya ako kinilala."

BIG CHANGES! Bukod sa pag-lose ng weight, ano pa ang mga nabago sa buhay nila sa pagsali sa BLPE?

Ayon kay Hazel, "Ako po kasi talaga, ako ang babaeng mako-consider n’yo na parang turtle.

"Afraid of being outside, exploring the world. No confidence.

"Pero, iba yung nabigay ng Biggest Loser sa akin.

"Ngayon, kaya ko nang humarap sa inyo. Dati siguro nagtatago na ’ko sa standee.

"Ngayon po, major confidence po ang naibigay sa akin ng Biggest Loser."

Para naman kay Raffy, "Sa akin po, love po for my family.

"Before po kasi akong pumasok, hindi ako kuya. Masama akong kapatid. Masama akong nephew.

"As in, wala akong kuwenta sa bahay. Sarili ko lang po ang iniisip ko, e.

"Dito ko po na-realize [ang lahat].

"Na ang dami ko po kasing nakilala na mga contestants at na-practice ko po ang paggiging anak, paggiging kapatid.

"Before po, hindi ko kayang magpa-thank you sa mga kapatid ko.

"Kahit simpleng ’I love you’ nga, hindi ko nasabi sa parents ko noong buhay sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon po, kaya ko nang gawin. Nawala na po yung pride ko."

Ngayon daw, may mga kaso pang dapat harapin at asikasuhin si Raffy. Si Hazel naman, posibleng bumalik sa paggiging nurse.

Kung may ibang opportunity raw na dumating sa kanila, they might take the risks and opportunities pa.

During the panel discussion, may mga nagsabi na pagkatapos ng BLPE, puwede silang pumasok sa showbiz kung gugustuhin nila.

They could be the next loveteam na parang Melai at Jason, na nabuo ang pag-iibigan sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Pero ayon kay Hazel, "Noong pumasok po talaga kami sa camp, wala po yung idea na papasok kasi mag-aartista.

"Pumasok po talaga kami ro’n kasi we wanted to lose weight.

"And siguro matatawag na bonus na lang siguro yun.

"Pero right from the start, hindi po namin naisip yun."

Si Raffy, "Ako po talaga, right from the start, wala naman po yun.

"Alam ko po na may mga opportunities na darating kung papayat kami.

"Hindi lang pagiging artista. Marami po. Like magandang job offers. Mga ganoon po.

"Pero given the chance po, okay lang sa akin, I’ll try."

SHARON & DEREK. Si Sharon Cuneta ang nagsilbing host nila at si Derek Ramsay naman as game master. Ano ang memories or experiences na hindi nila makakalimutan sa dalawa?

Ayon kay Hazel, "Yung kay Sir Derek po, more on sa kahit sobrang hirap na hirap na.

"Kahit yung tipong hindi na kami makatayo sa challenges, siya po, talagang super effort na, ’Keep going, kaya ninyo ’yan guys. Walang susuko.’

"And yung kay Miss Sharon, yun po talagang yung thought lang na may host na puwedeng maka-relate sa mga contestants niya ng buong-buo. Enough na po yun, e.

"Yung mga off-cam naman na advice niya, iba. Iba po talaga."

Marami rin daw hindi makakalimutan si Raffy with Sharon and Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Derek po, akala ko kasi, game master lang siya noong una.

"Pero the mere fact was, sa last episode namin, parang naiiyak na siya.

"Nagti-teary-eyed na siya. Nakita namin na na-touch din siya. Inspired siya sa amin.

"Ang dami niya kasing sinabi. Totoo palang sincere [siya]. Totoong kaibigan si Derek.

"Si Ms. Sharon po, may isa po siyang sinabi sa akin na doon pa lang, nag-start na kami na iba na siya, e.

"Doon pa lang, sinabi niya that she can be my mom daw. Off-cam sinabi niya yun.

"Pero gaya ng sabi ni Hazel, yung mga advice niya na off-cam, nakaka-relate po kami. Nakaka-relate rin siya sa amin."

Noong pumasok sila sa BLPE camp, Raffy weighed 287 pounds, while Hazel naman was 226 pounds.

Kung ano na ang present weight nila ay hindi pa raw puwedeng i-reveal. Magkakaalaman na lang daw sa finals night.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN