Louise delos Reyes shrugs off tweet claiming she’s adopted

Louise delos Reyes on allegations that she is an adopted child: "Kamukha ko rin po ang mga pinsan ko at mga tita ko. So, imposibleng mangyari yun. Tapos po, sa bahay ako pinanganak, so imposible po talaga yun, unless ipinagpalit ako sa kapitbahay!"


Isa sa tween stars na masasabing aktibo sa Twitter ay si Louise delos Reyes. In fact, madalas silang magpalitan ng tweets ng rumored boyfriend niyang si Enzo Pineda.

Tulad ng ibang artista, sumasagot din si Louise ng mga tanong at messages ng kanyang fans sa naturang social networking site.

Pero hindi rin maiiwasan na meron ding mga nagba-bash or haters niya.

"YOU ARE ADOPTED" Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Louise sa shooting ng horror film ng GMA Films na The Road, naikuwento nito na may ilang negative messages din siyang nae-encounter.

"May nag-tweet na ampon lang daw ako. Pero, hindi ko alam kung saan nakuha yung idea na ampon daw ako.

"Pero, hindi ko na lang din pinapansin. Kasi, kung papansinin mo, mas matutuwa sila.

"May tawag kasing basher, so hinahayaan ko na lang.

"Kung ano ang judgment ng mga tao sa akin, okay lang sa akin.

"Minsan, nagiging inspiration ko rin naman.

"Wala kasi akong magawa. So, I tried na i-search yung name ko. Tapos, yun, lumabas.

"Ang naka-tag pa ang PEP, si Tim Yap, at saka isang reporter pa.

"So, it means talagang gusto niyang lumabas.

"So, sige lang. Okay lang!" natatawa niyang sabi.

Napaisip ba siya dahil sa nabasa at medyo napatanong kung posible ngang ampon siya?

Mabilis namang umiling si Louise sabay sabi na, "Hindi po. Hindi po talaga.

"At saka, kamukha ko rin po ang mga pinsan ko at mga tita ko.

"So, imposibleng mangyari yun.

"Tapos po, sa bahay ako pinanganak, so imposible po talaga yun, unless ipinagpalit ako sa kapitbahay!"

PAIR ME WITH ENZO! Bukod sa The Road na tinatapos niyang i-shoot, magsisimula na rin si Louise ng bagong primetime series, ang Sundo. Balik-tambalan ito nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Sila muli ni Alden Richards ang magkakatambal dito. Ka-triangle daw nila rito si Ynna Asistio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dahil si Enzo ang sinasabing boyfriend ni Louise in real life, wala bang planong sila naman ang pagtambalin?

Ayon kay Louise, "Minsan kinukulit niya [Enzo] ang ibang bosses tungkol do’n.

"At saka, yung ibang fans po kasi, sila yung mas eager na, ’Bakit hindi kayo ni Enzo [magtambal]? Like sa Party Pilipinas.’

"Pero ako naman po, kung ano ang gusto ng management at kung saan nila mas nakikita ang future bilang artista sa amin, doon ako."

Personally, gusto ba niyang maka-partner si Enzo?

"Puwede po," nakangiti niyang sagot.

"O, kung ayaw naman po nilang ihiwalay si Alden sa akin, love triangle, puwede rin po.

"Joke lang!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN