Bea Binene reveals she has no communication with her father now

"Sanay na nga po ako na umaalis siya at fourth time na niya ginawa. Kaya ang alam ko, babalik siya after ng isang buwan. Kasi ganun naman kalimitan ang ginagawa niya. Pero medyo po kinabahan ako nang magtu-two months na. Kasi dati, tumatawag pa siya sa akin. Ngayon po, hindi na," says Bea Binene about her father.


Nabahiran ng lungkot ang sayang nararamdaman ng tween star na si Bea Binene sa mga magagandang nangyayari sa kanyang career ngayon.

Kuwento ni Bea, masaya siya dahil sunud-sunod ang magagandang proyektong ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Sa ngayon nga ay tatlo ang regular shows niya sa Kapuso network: ang youth-oriented series na Tween Hearts, ang weekly musical-variety show na Party Pilipinas, at ang afternoon soap na Pahiram Ng Isang Ina.

Pero malungkot naman siya dahil simula raw nang lisanin ng kanyang ama ang kanilang tahanan ay hindi pa rin ito bumabalik hanggang ngayon.

Kuwento ni Bea, "Nakakalungkot po kasi last Father’s Day pa since umalis ang papa ko sa amin.

"Until now, hindi pa rin siya bumabalik... siguro mga three months na yata.

"Nakaka-miss. Sanay kasi akong pag-uwi ng bahay galing taping, nakikita ko ang papa ko.

"Pero ngayon, pag-uwi, wala siya. "

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa pocket presscon na ibinigay sa kanya ng GMA Artist Center at ng Icons kahapon, September 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na umalis sa bahay nila ang kanyang ama.

"Naku, hindi po! Siguro pang-fourth time na po.

"Pero isang buwan pa lang, bumabalik siya, e. Pero ngayon po kasi, iba na.

"Dati po kasi, nandun pa din po yung communication. Nag-uusap pa rin kami ni Papa.

"Pero ngayon, iba na, e, wala nang usap-usap," malungkot na sabi ni Bea.

Nung umalis ba ang papa niya ay naramdaman ni Bea na baka hindi na ito bumalik?

"Nung una, hindi, kasi sanay na nga po ako na umaalis siya at fourth time na niya ginawa.

"Kaya ang alam ko, babalik siya after ng isang buwan. Kasi ganun naman kalimitan ang ginagawa niya.

"Pero medyo po kinabahan ako nung magtu-two months na.

"Kasi dati, tumatawag pa siya sa akin. Ngayon po, hindi na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsaka yung communication po, nawala din. Tinext ko siya nung Father’s Day, pero wala, hindi naman siya nag-reply."

Ano sa palagay niya ang dahilan at hindi ito nagre-reply?

"Kasi hindi siya marunong mag-text!" natawang sagot ni Bea.

"No joking, kasi po mas gusto niyang tumatawag. Binabasa lang niya yung text, tapos tatawag na.

"Bale tinext ko siya tungkol sa Pahiram ng Isang Ina, pero hindi siya tumawag.

"First time niyang hindi tumawag kaya nakakapanibago."

May tampo ba siya sa kanyang ama?

"Wala naman po," sagot ni Bea.

"Kasi yun nga, naiintindihan ko naman po kasi kung ano yung reason kung bakit umalis siya ng bahay.

"Iniintindi ko na lang yung sitwasyon.

"Kunyari magkasama nga sila [her parents] sa iisang bahay, tapos lagi naman po silang mag-aaway, mas masakit naman po yung naririnig mo yung parents mo nag-aaway.

"So, feeling ko, mas mabuti na rin po na ganun.

"Mas okay na rin po yung magkahiwalay sila, tapos mas magaan naman, mas masaya naman sila."

Tumanggi namang sabihin ni Bea kung ano ang pinag-aawayan ng kanyang mga magulang.

Paliwanag niya, "Ayoko naman pong ikuwento sa lahat kung ano ang rason kung bakit umalis ng bahay namin yung papa ko.

"Ang mahalaga, alam ng lahat na hiwalay sa ngayon ang parents ko.

"Yun lang siguro ang puwede kong i-share."

Sa palagay ba ni Bea ay may tampo ang ama sa kanya? Sa pagkakaalam kasi namin ay ayaw siya nitong pag-artistahin, pero ipinagpatuloy pa rin niya.

"Hindi naman po siguro," sambit niya.

"Ayaw niya ako pag-artistahin, pero pumayag naman siya.

"Basta sabi niya, huwag ko lang daw papabayaan studies ko.

"Kasi, di ba, dati pag may nasusulat sa ’yong negative, siya yung unang nagre-react. Nagagalit siya."

Isa ba yun sa mga dahilan kaya ayaw siyang pag-artistahin ng kanyang ama?

"Siguro po, kasi dahil sa mga negative issues, yung puyat, yung schedule, and pati yung studies ko pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero naiintindihan naman po ako siguro ni Papa."

Si Bea ay produkto ng artista search ng GMA-7 na StarStruck Kids.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN