Cristine Reyes says she will never go after a man: "Marami namang iba diyan na pwede akong mahalin."

"Sa tingin ko, ayokong gawin yun na maghahabol ako sa lalaki. Kasi ayokong ipilit yung sarili ko sa taong ayaw na sa akin. Kasi parang tatapakan ko lang yung sarili ko," says Cristine Reyes.


Ayaw maging other woman o kabit ni Cristine Reyes.

"Hindi ako papayag!"

Ito ang madiing pahayag ni Cristine sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula, along with Anne Curtis and Derek Ramsay-ang No Other Woman under Star Cinema and Viva Films.

Ginanap ang presscon kaninang tanghali, September 21, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Ang tema ng No Other Woman ay tungkol sa relasyon ng mag-asawang masusubok ang samahan sa pagdating ng isang babaeng pipiliting agawin ang pagmamahal ng lalaki.

Ginagampanan ni Cristine ang role ni Charmaine dela Costa-Escaler, ang asawa ni Ram Escaler, played by Derek Ramsay.

Si Anne Curtis naman ang gumaganap na Kara Zalderiaga, ang babaeng mamamagitan sa mag-asawa.

Ano ang gagawin ni Cristine kung sakaling mangyari sa kanya sa totoong buhay ang sitwasyon ng mga karakter nila sa pelikula?

"Pag nalaman ko yung guy na may iba siya, siguro papapiliin ko siya kung sino sa aming dalawa.

"Kung pipiliin niya yung isa, okay lang. It means hindi siya para sa akin.

"Kung ako yung pipiliin niya, kailangan na niyang hiwalayan yung isa," sabi ni Cristine.

Hindi ba siya magre-revenge doon sa babae?

"Try kong lasunin kung kaya ko!" biro ni Cristine.

Willing ba siyang maghabol sa taong mahal niya na inaagaw ng iba?

"Sa tingin ko, ayokong gawin yun na maghahabol ako sa lalaki," sagot niya.

"Kasi, ayokong ipilit yung sarili ko sa taong ayaw na sa akin. Kasi parang tatapakan ko lang yung sarili ko.

"Marami namang iba diyan na puwede akong mahalin."

So, hindi totoo yung tsismis noon na naghabol siya sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo?

"Hindi. Yun lang ang alam n’yo, pero hindi," sabi niya.

Naagawan na ba siya ng mahal?

"Opo, pero matagal na yun. Masakit siyempre."

Sino naman ito?

"Bata pa ako noon. Hindi na kailangang pag-usapan," iwas ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH ANNE & DEREK. Pagkatapos ng presscon, nagkaroon pa ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na kausapin si Cristine para sa ilan pang katanungan.

First time magkatrabaho sa big screen nina Cristine at Anne kahit na matagal na rin silang magkaibigan. Pero mas naging close nga raw sila nang gawin nila ang No Other Woman.

Kuwento ni Cristine, "Ang masasabi ko lang mas naging close kami.

"Siyempre pag shooting maraming oras na wala kang ginagawa, naghihintay ka lang.

"Ayun, nag-uusap kami, may sharings kami together.

"Marami akong nalaman about her, marami rin siyang nalaman about sa akin."

Ano ang mga natutunan niya kay Anne na ina-apply niya sa kanyang sarili?

"Parang pareho kami ni Anne, e... pareho kaming confident.

"Well, different kung paano magmahal katulad ng questions kanina, di ba?

"Pero nakikita ko yung sarili ko sa kanya and I guess siya rin nakikita niya yung sarili niya sa akin."

Kumusta naman katrabaho si Derek?

"Si Derek, fun kasi hindi ko akalain na ganun siyang katsikang lalaki. Kasi usually ang mga lalaki, tahimik lang.

"Siya, hindi, and mae-entertain ka sa kanya, hindi ka mabo-bore kahit long hours of waiting sa shooting."

AGAWAN ISSUE. During the presscon, inamin ni Cristine na naagawan na siya ng minamahal. Puwede ba siyang mag-elaborate tungkol dito?

"Bata pa po ako noon. So, hindi na kailangang i-tackle pa yun.

"At saka walang kuwentang isyu, bata pa talaga ako noon," giit niya.

Pero nangyari bang siya ang nang-agaw?

"Ako ang nang-agaw? Siguro hindi ako nang-agaw, ako yung pinipili," sagot ni Cristine.

Recently lang ba nangyari sa kanya ito?

"Ay, hindi, matagal na yun," sambit niya.

Nasa showbiz na raw siya nung mangyari ito. Sino naman itong lalaking ito?

"Huwag na."

Naging happy ba siya sa taong pumili sa kanya?

"Oo, siyempre."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ba ito? Si Rayver Cruz ba ito?

"Hindi, iba yung sinasabi ko," sabi niya.

Nakiusap na lang si Cristine na huwag nang uriratin kung sino ang mga lalaking na-involve sa agawan issue sa kanyang buhay.

HAPPY WITH RAYVER. Ayaw na nga ni Cristine na pag-usapan pa ang ibang lalaking naging bahagi ng kanyang buhay dahil masaya naman daw siya ngayon sa piling ng boyfriend niyang si Rayver Cruz.

Katatapos nga lang nilang mag-celebrate ng first anniversary nila last September 14. Paano sila nag-celebrate?

"Nag-dinner kami tapos nanood ng movie. Tapos may konti siyang surprise."

Ano ang regalo sa kanya ni Rayver?

"Bag... Balenciaga po."

Ano naman ang ibinigay niya kay Rayver?

"T-shirt, kasi lagi siyang sa sponsor lang. Hindi siya mahilig bumili kasi lalaki.

"Lacoste yung binili ko sa kanya," banggit niya.

Wish nga ni Cristine na sana magtagal ang relationship nila.

So far naman daw ay wala silang nae-encounter na problema sa relasyon nila. Panatag daw ang pakiramdam niya with Rayver.

"Ganun yata siguro pag happy ka."

In-assure ba ni Rayver na siya lang ang babae sa buhay nito?

"Oo," kinikilig na sabi niya.

Nangako naman si Rayver na manonood ng premiere night ng No Other Woman sa September 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN