Cristine Reyes on rumored transfer to TV5: "Siyempre mahirap namang magtrabaho kung alam mong ayaw mong magtrabaho kung saan ka lilipat."

Cristine Reyes is one of the Viva artists being rumored to be transferring to TV5. But according to the Kapamilya star, "Siguro, magkakaroon muna ng discussion. Pero so far naman, I’m happy sa ABS-CBN. Kung meron man pong ganung offer [from TV5], hindi ko po alam."


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang balita tungkol sa paglipat ng mga artista ng ABS-CBN at GMA-7 sa TV5.

Pinakabagong mga pangalan nga na sangkot sa isyu ng lipatan ay sina Mariel Rodriguez at Sharon Cuneta.

Si Mariel daw ay nag-resign na sa ABS-CBN at iniwan na nito ang noontime show na Happy Yipee Yehey.

Si Sharon naman ay sinasabing lilipat umano sa TV5 sa Enero 2012 at magse-celebrate daw ng birthday nito sa Enero 6 bilang Kapatid na.

Kapansin-pansin din na maraming celebrities na naiisyu na lilipat sa TV5 ay mga talent ng Viva. Sinasabing dahil umano ito sa magandang relasyon ng Viva big boss na si Vic del Rosario sa Kapatid network.

Bukod kay Sharon, ilan pa sa Viva artists na iniuugnay sa lipatan issue ay sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, at Cristine Reyes.

Kaninang tanghali, September 21, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula along with Anne Curtis and Derek Ramsay, ang No Other Woman, mula sa Star Cinema at Viva Films.

Kaagad ngang tinanong ng PEP kay Cristine kung totoo ba ang balitang lilipat siya sa TV5?

"Hindi, a!" agad na pagtutol ni Cristine.

Pero aware ba siya na may ganitong issue?

"Naririnig ko, pero hindi ko alam kung merong ganung negotiation."

Kinausap na ba niya ang Viva tungkol dito?

"Nakarating kasi siya sa akin hindi through Viva kundi through tweets."

Hanggang kailan pa ba ang kontrata niya sa ABS-CBN?

"Hanggang December po. At saka happy po ako sa ABS e."

Paano kung ilipat siya ng manager niyang si Boss Vic?

"Siguro, magkakaroon muna ng discussion. Pero so far naman, I’m happy sa ABS-CBN.

"Kung meron man pong ganung offer [from TV5], hindi ko po alam.

"If ever, mabait naman po ang Viva, e, kung saan mas masaya yung alaga nila, doon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, mahirap namang magtrabaho kung alam mong ayaw mong magtrabaho kung saan ka lilipat."

So, ayaw niya sa TV5?

"Hindi naman sa ganun," pauna niya.

"Siyempre, kung saan ka mas kumportable, kung saan ka binibigyan ng mas magandang project at naa-appreciate ka ng mga tao, doon ka."

HAPPY WITH ABS-CBN PROJECTS. Hindi raw naiisip ni Cristine ang paglipat sa ibang TV network dahil magaganda naman daw ang projects na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Gaya na lang ng present afternoon soap niya na Reputasyon na may bagong timeslot—from 2 p.m. ay napapanood na ito tuwing 5 p.m.

"Masaya ako kasi maraming nag-request na ilipat yung timeslot niya, meaning maraming nanonood.

"Happy rin ako dahil mas marami ang makakapanood dahil 5 p.m. na siya.

"Marami ang nagrereklamo sa 2 p.m. dahil hindi nila mapanood. Kaya ayan, happy na kaming lahat."

Bukod sa Reputasyon, napapanood din si Cristine sa ASAP Rocks tuwing Linggo at may guest appearances pa siya sa ibang shows ng Kapamilya Network.

"Sa ASAP kasi ang sarap mag-perform, kasi nakakasama ko yung magagaling na artists ng ABS.

"Tapos nagge-guest pa ako minsan sa Showtime as guest co-host.

"Nag-e-enjoy ako sa mga ibinibigay sa akin ng ABS.

"Happy ako sa ABS," diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN