Nora Aunor tells YES! she doesn’t want to work with ABS-CBN again

"Actually, wala na ’yon. Kaya lang, hindi ko lang kaya ’yong palakad nila, e. ’Yon lang. Maaaring wala na akong sama ng loob kay Charo [Santos- Concio], wala akong sama ng loob kay Malou [Santos], pero ayoko na rin sa Dos," Nora said.


"Ayoko talaga sa kanila."

Ito ang sinabi ni Nora Aunor sa YES! magazine ang pakikipagtrabaho niya noon sa ABS-CBN.

Ang mga salitang ito’y nabitawan ng Superstar matapos ang ilang hindi magagandang pangyayari na kanya diumanong dinanas sa naturang network.

Isa sa mga ikinuwento ni Nora sa YES! ay ang nangyari sa kanya noong 2002, nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN para gawin ang primetime soap opera na Bituin.

"So, di, kinontrata nila uli ako," pagsisimula ni Nora.

"Nauna pa ako, e, sa set, wala silang problema sa akin.

"No’ng natapos na ’yong ilang weeks...[biglang wala na].

"Ngayon, mabuti na lang do’n sa kontrata, nakalagay na kapag sila nagkamali, obligado silang bayaran pa rin ako kung ano ’yong dapat ibabayad sa akin.

"One hundred percent no’ng dapat total na ibabayad sa akin pag hindi ako ang may kamalian, babayaran ako."

Matapos ang pangyayaring ito, tila umiwas na ang kampo ni Nora sa mga proyektong galing sa ABS-CBN.

Pero giit niya, "Actually, wala na ’yon.

"Kaya lang, hindi ko lang kaya ’yong palakad nila, e. ’Yon lang.

"Maaaring wala na akong sama ng loob kay Charo [Santos-Concio], wala akong sama ng loob kay Malou [Santos],

"Pero ayoko na rin sa Dos."

ABS-CBN’S STATEMENT. Hiningi ng YES! ang panig ng ABS-CBN tungkol sa mga naging pahayag na ito ni Nora.

Ang ABS-CBN TV Entertainment head na si Ms. Linggit Tan ang nagbigay ng statement tungkol dito.

Ayon sa kanya, "Number one: Ang context ng Nora-ABS-CBN contract is that it was for a weekly anthology called Star Drama Theater Presents.

"Ang concept nito ay the show will feature one star for one season, with a season running for thirteen weeks.

"But Nora’s season had to be cut short because of her unprofessional working habits...

"Number two: ABS [CBN] gave Nora Bituin, a soap opera starring her and Cherie Gil...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But for a soap to work, it has to be consistent in terms of quality, acting, production timetable...

"But the working habits of Nora, naulit-ulit...

"Number three: Prior to her much-talked about return to Philippines, certain quarters representing her were talking to ABS.

"They came to us!

"In all fairness to the network, we never entertained any of those offers. It’s to our detriment naman to say hindi siya interesado sa amin.

"We didn’t respond to those feelers.

"It’s not her option to choose us...

"But we wish her well."

Mababasa ang kabuuang kuwento ni Nora at ang statement ng ABS-CBN sa October issue ng YES! na mabibili na sa newsstands at bookstores.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN