Carmina Villarroel says rumored transfer to TV5 is possibe but still under negotiation

Carmina Villarroel did not beat around the bush when it came to talks about her alleged transfer to TV5. She admitted that there are ongoing talks but nothing has been finalized yet. She says she is open to work with any network.


Sa press launch ng bagong endorsement ni Carmina Villarroel, ang Del Monte Tomato Sauce and Spaghetti Sauce with MMK (Malunggay, Monggo, Kalabasa), kanina September 22 sa Quezon City, ay pinabulaanan ng actress-host ang tsismis na lilipat na siya sa bakuran ng TV5.

Kamakailan kasi ay lumisan na ang kaibigan ni Carmina na si Janice de Belen sa bakuran ng GMA-7 upang bumalik sa ABS-CBN. Napapabalitang lilipat din ng TV5 ang kapatid ni Janice na si Gelli.

Samantalang si Zoren Legaspi, ang kasintahan at ama ng anak niyang kambal na sina Mavi at Cass, ay nasa TV5 na, dahilan upang pag-isipan ng maraming showbiz followers na baka susunod na rin si Carmina.

Ayon sa mestizang aktres ay hindi pa niya lilisanin ang GMA-7 sa ngayon. Masaya siya sa pagpapatakbo ng Kapuso network sa kanyang career at malaki rin ang utang na loob niya sa management dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya nitong mga nakaraang taon.

Subalit inamin ni Carmina na may mga usaping nagaganap ukol sa kanyang paglipat sa ibang network.

"Honestly, hindi ko pa talaga alam. Wala pa, wala pa. Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta, kung mag-stay ako o ano, hindi ko pa alam. Mag-uusap pa kami."

Dagdag pa ni Carmina, very open siya sa posibilidad ng pagtatrabaho sa ibang network ngunit wala pa siyang maibigay na kumpirmasyon sa ngayon dahil under negotiation pa ang lahat.

"Open ako. I think wala namang masama kung open ka. Parang ano lang, mga options lang, just weighing my options lang. ’Yon lang, basta open ako kung saan ako mapadpad."

RUFFA GUTIERREZ. Samantala, binalewala naman ni Carmina ang patuloy na pang-iintriga sa kanyang ka-relasyon at ama ng mga anak niya na si Zoren Legaspi at ang Paparazzi co-host nitong si Ruffa Gutierrez.

Dati kasing naging magkasintahan sina Zoren at Ruffa at ngayon sa kanilang programa ay kapansin-pansin ang pagiging komportable nila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami tuloy ang nagsasabing baka nanunumbalik ang pagtitinginan nila at dapat itong ikabahala ni Carmina kung sakali.

Agad namang sinabi ni Carmina na walang dahilan upang pagselosan niya si Ruffa.

"Kumbaga, parang nakakatuwa, na it’s so nice lang. Hindi naman lahat ng ex-couples nagiging friends tapos nagkakatrabaho pa.

"Kumbaga, kami ni Ruffa, magkumare pa kami wala naman kaming ano, kumbaga walang issue.

"At saka si Ruffa, makikita mo na very careful din siya. Talagang marunong naman siyang rumespeto. Minsan nagte-text pa ’yan sa ’kin na ’Uy, mare ha,’ ganyan ganyan. Talagang very cautious," ani Carmina.

Sa katunayan ay natutuwa siyang panoorin ang dalawa na para sa kanya ay "cute" tingnan sa telebisyon dahil sa pagiging natural ng chemistry nila as co-hosts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN