Edgar Allan Guzman proud to be "adopted" by Superstar Nora Aunor

"Feeling ko nanay ko na siya. Yun nga sabi niya sa akin, nanay ko na raw siya at aampunin niya raw ako. Yun ang nakaka-proud. Natuwa talaga ako, at the same time nabigla nung sinabi niya sa akin yun na, ’O, anak na kita,’" says Edgar Allan Guzman about his closeness to Nora Aunor.


Ramdam ni Edgar Allan Guzman na parang anak na ang turing sa kanya ng Superstar na si Nora Aunor.

Nagkataon namang mag-ina rin ang ginagampanan nilang roles bilang Elena at Angelo Deogracias sa kauna-unahang mini-serye ng TV5, ang Sa Ngalan Ng Ina, na mapapanood na simula sa October 3.

"Feeling ko nanay ko na siya. Yun nga sabi niya sa akin, nanay ko na raw siya at aampunin niya raw ako.

"Yun ang nakaka-proud. Natuwa talaga ako, at the same time nabigla nung sinabi niya sa akin yun na, ’O, anak na kita.’

"So, para sa akin kuya ko na si Kuya Ian de Leon," sabi ni Edgar Allan, na gumaganap bilang mabuting pulis sa mini-serye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan sa artists’ holding area sa may open parking ng SM The Block bago pa nagsimula ang special screening ng pilot episode ng Sa Ngalan Ng Ina na ginanap sa Cinema 2 ng naturang mall kagabi, September 22.

Malaki nga ang paghanga ni Edgar Allan kay Ate Guy kaya proud siya na makatrabaho ito.

"Siyempre, taas-noo ko pong sinasabi na proud akong makatrabaho si Ate Guy.

"Isang magandang experience ito sa akin at alam kong mahahasa rin ako rito.

"Iba, e, iba si Ate Guy, Superstar siya," papuri ng young actor sa multi-awarded actress.

Hindi ba siya na-intimidate habang kaeksena niya ang Superstar?

"May time po na nagkaeksena kami na sobrang kinakabahan po ako," pag-amin ni Edgar.

"Ayokong magkamali ako, ayokong mag-buckle ako. Nakakahiya kung uulit dahil sa akin.

"Nung first taping day yun. Pero nung sunud-sunod na yung taping namin, naging kumportable na kami sa isa’t isa ni Mama Guy.

"Tapos nag-uusap kami off-cam kaya mas naging smooth na yung eksena namin. Okay na.

"Kumbaga, palagay na ako and alam ko rin kung paano siya umatake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko rin kung paano niya ibigay yung mga eksena.

"Alam ko rin na 100 percent yung bawat emosyon na ibinibigay niya."

Ano ang most memorable scene niya kasama si Ate Guy?

"Yun pong namatay si Tito Bembol [Roco] na gumaganap na tatay ko. Mapapanood n’yo po iyan sa pilot episode.

"Kasi 4 a.m. nung kinunan yun, tapos sabi sa akin ni Direk Mario O’ Hara, ’Edgar, magbe-breakdown ka rito.’

"Tapos kay Ate Guy ako magbe-breakdown.

"Sabi ni Direk, ’Iyak bata,’ so ginawa ko.

"Yun ang hindi ko makakalimutan at nalagpasan ko yun."

Masaya ring ibinalita ni Edgar Allan na hindi lang sa Sa Ngalan Ng Ina sila magsasama ng kanyang bagong nanay-nanayan na si Ate Guy.

Magkakatrabaho rin sila bilang mag-ina sa 2011 Metro Manila Film Festival entry na Hototay ng Regal Entertainment at Studio 5 sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ito’y dagdag pa sa nauna nang naibigay kay Edgar Allan na pelikula kasama ang kanyang Cinemalaya Best Actress counterpart na si Eugene Domingo sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll 13 sa direksyon ni Chris Martinez.

THE NEXT STAR TO WATCH. Masasabing ang 2011 ang taon ni Edgar dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya.

Matapos siyang tanghalin bilang Best Actor sa nakaraang Cinemalaya film festival para sa pelikulang Ligo Na U, Lapit Na Me—na ipalalabas na sa mga sinehan sa September 28—heto nga ang kasunod ay malalaking mga proyekto sa telebisyon at pelikula.

Ano ang nararamdaman niya sa mga nakakamit niyang achievements?

"Thankful po ako, hindi ko po inasam ito," sambit niya.

"Nangarap lang ako, hindi ko siya hinangad, si Lord po ang nagbigay nito.

"Siyempre nagpapasalamat din ako sa tiwala ng manager ko na si Noel Ferrer.

"So, ako, gulat po and nakalutang pa rin ako sa tuwa.

"Sunud-sunod nga, e, sa TV, sa movies... Kumbaga, hindi ako nawawalan ngayon ng projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ako, sobrang masaya at hindi ko na ito pakakawalan.

"Ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko sa bawat project na ipagkakatiwala sa akin."

May pressure ba sa kanya kapag sinasabihan siya na siya ang "the next leading man" at "the next star to watch"?

"Naririnig ko nga po yun and siyempre nakaka-proud, nakakataba ng puso.

"Siyempre kailangang ko pong patunayan sa inyo na deserving ako sa expectations ng iba sa akin, lalo na na nung nag-Best Actor po ako.

"Yun ang goal ko po ngayon, e, ini-aim ko na patunayan kung bakit ako binigyan ng award.

"Yung pressure, nape-pressure po ako, natsa-challenge ako.

"Pressured kasi ang dami pong nag-e-expect sa akin after Ligo Na U, ang daming nagsasabi sa akin na ’Aabangan ka namin sa ganyan, titingnan namin kung masu-sustain mo ’yang ganyan sa pag-arte mo.’

"Iniisip ko na lang na challenge ito sa sarili ko.

"Kung magiging maganda yung resulta, kung matutuwa yung mga tao, kumbaga, masa-satisfy sila na, ’Oo nga, magaling nga siya.’

"Okay na sa akin yun."

WORKING WITH OTHER TV NETWORKS. Isa pang ikinatutuwa ni Edgar Allan ay ang pagkakataon na makapagtrabaho siya sa iba pang TV networks bukod sa kanyang home station na TV5.

"Masaya ako na open ang ibang stations sa akin," sabi niya.

"Nakagawa nga ako ng MMK [Maalaala Mo Kaya] sa ABS-CBN with Kim Chiu.

"Tapos nakakapag-promote din ako sa GMA through Eat Bulaga! Although TAPE naman ang may hawak sa Eat Bulaga! at saka doon din ako galing, e, bilang winner ng Mister Pogi noong 2006.

"TV5 po kasi is my home base, e, kaya thankful din ako sa management na pinapayagan nila akong gumawa sa ibang stations.

"Yung sa ABS at GMA naman po, pag may pagkakataon lang na puwede akong mag-guest, kumbaga, hindi naman nakakasabay ng shows ko sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa lang ang sigurado—sa TV5 pa rin ako gagawa ng marami."

Magandang pagkakataon din daw para sa kanya ito na makatrabaho ang stars ng ibang networks.

"Yun ang gusto ko naman. Dapat kasi ganun naman talaga, e.

"Dapat lahat ng artista may pagkakataon na makatrabaho ang ibang artista kahit pa sa ibang istasyon.

"Kasi isa lang naman yung iniikutan natin, e, isang industriya lang tayo.

"Pero siyempre management decision ’yan kaya wala tayong magagawa.

"Suwerte na lang ako na nagagawa ko yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN