Lexi Fernandez says being best friends with Derrick Monasterio makes it easier for them to work together

Lexi Fernandez says she and screen partner Derrick Monasterio are so close, he even tells her who his crushes are. "Masaya ako na nase-share niya sa akin yung mga ganun. Tsaka sobrang magaan kayong magtrabaho, na may ganun kayong relationship ng ka-loveteam mo na friendship lang talaga."


Nag-last shooting day si Lexi Fernandez at iba pang cast members ng The Road sa Lagro, Novaliches nung Miyerkules, September 21.

Mas unang nakilala bilang "mean girl" or "queen bee" sa campus ng mga ginawa niyang teen TV shows, ngayon, ay makikita naman ang 16-year-old young actress na gaganap sa isang horror film.

Anong paghahanda ba ang ginawa niya para sa pelikulang ito ng GMA Films?

"Duwag po talaga ako sa totoong buhay. Sobrang matatakutin ako.

"Nai-imagine ko na lang na ganun. Tapos yun na lang po. Wala naman pong preparation.

"Tapos nanood kami ng Insidious. Kaming lahat sa Tween Hearts cast," pagkukuwento ni Lexi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang showbiz press na nasa set ng bagong Yam Laranas horror movie.

Sobrang "cool" na director daw si Direk Yam.

"At ang saya makatrabaho ni Direk Yam," paglalarawan pa ni Lexi tungkol sa direktor na nakilala sa mga pelikulang Balahibong Pusa, Radyo, Sigaw, The Echo, at Patient X.

"Kasi alam niya yung gusto niya, na parang sasabihin niya na lang sa iyo, sasabihin niya kung ano ang gusto niya, tapos ikaw na’ng bahala mag-deliver."

Kakaibang experience daw talaga para kay Lexi ang gumawa ng horror movie.

Hindi niya raw makakalimutan ang eksenang kinunan sila sa loob ng isang morge ng isang ospital.

Pinahiga raw sila ni Derrick sa mga kamang gawa sa bakal. Yung mga kamang ginagamit para sa mga bangkay na hinihiwa ang katawan at ini-examine ang laman-loob.

"Sabi sa amin, hindi pa naman gamit na. Pero ginawa raw talaga para sa amin yun," kuwento pa ni Lexi tungkol sa isa sa mga eksena sa The Road.

PLAYING DIFFERENT ROLES. Gusto raw ni Lexi na nabibigyan siya ng iba’t ibang klaseng role.

"Para sa akin, mas gusto ko yung iba-iba. Ang dami ko nang na-try.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ngayon sa Iglot, mabait ako. Sa Nita Negrita, sobrang salbahe ako ro’n.

"Sa Tween Hearts, pakikay-kikay, ’tapos dito horror talaga, na halos lahat ng eksena umiiyak ako.

"Tapos sa Just One Summer, iba na naman. Sa House Husband, iba...

"So, sobrang gusto ko yun, kasi parang yung versatility ko as an actress, nailalabas ko."

PREPARING HER FOR BIGGER ROLES? Sa dami ng mga nagawa na niya at gagawin pa na tila iba’t ibang genre, hindi ba siya nag-iisip na baka hinahanda na siya ng GMA-7 para sa mas malaking proyekto?

"Ako po, hindi po ako nag-e-expect," sabi ni Lexi.

"Kasi lahat naman po ng binibigay sa akin, sobrang tinatanggap ko.

"Kahit anong role, okey sa akin. Basta may trabaho ako.

"Saka sobrang mahal ko ang ginagawa ko. Na kahit anong role, ibibigay ko, 100 plus percent pa."

REALLY CLOSE WITH DERRICK. Sa ngayon ay dalawang love team ang kinabibilangan ni Lexi, ang love team nila ni Derrick Monasterio at ang love team nila ngayon ni Hiro Magalona na kasama niya sa Iglot.

Tinanong tuloy si Lexi kung sino sa dalawa ang mas kumportable siyang ka-love team.

"Siguro po si Derrick," sagot ng dalaga.

"Kasi best friend ko talaga siya. Saka nagkakasundo kami.

"Si Hiro, hindi po kami masyadong close at ngayon lang po kami nagkakasama."

Pero hanggang best friends lang ba talaga si Derrick sa kanya? Hindi ba ito nag-attempt na manligaw sa kanya?

"Sobrang hindi namin iniisip na mas humigit pa ro’n.

"Ako po, trabaho lang po talaga muna," sabi niya.

Pero inamin ni Lexi na nag-attempt ngang manligaw sa kanya si Derrick.

"Actually, nag-start sa ganun. Na sobrang gusto niya ’ko, ganun.

"Pero dahil dun, dun kami naging close. Na parang sabi ko, ’Hindi. Ano, best friends talaga muna.’ Ganyan."

So, basted agad si Derrick?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi!" natatawang sagot agad ni Lexi.

"Sabi ko talaga, trabaho tayo.

"Tapos dahil dun, naging sobrang close kami.

"At siyempre, kung may gusto na siyang ibang girls, nase-share na niya sa akin.

"Ganun yung bond namin na sobrang close lang talaga namin."

Hindi kaya gusto lang siyang pagselosin ni Derrick kaya sinasabi nito sa kanya ang mga crush nitong girls?

"Hindi... Alam ko kung sino’ng gusto niyan, ’no!"

Kalaunan nga nung araw na iyon, nagbiruan pa sa harap ng mga reporters sina Lexi at Derrick.

Nagbigay ng clue si Lexi kung sino ang crush ng binata. Nagsisimula raw ang pangalan ng crush ni Derick sa letter "S."

Tawa naman nang tawa si Derick habang sinasabihan si Lexi na huwag nang magbigay pa ng ibang clue.

"Masaya ako na nase-share niya sa akin yung mga ganun," sabi pa ni Lexi.

"Tsaka sobrang magaan kayong magtrabaho, na may ganun kayong relationship ng ka-loveteam mo na friendship lang talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN