Mercator head Jonas Gaffud relates experiences with Shamcey Supsup at the Miss Universe 2011 in Sao Paulo

"Before that, sinabi ko sa mga katabi ko nung time na yun, na parang let’s surrender everything to God now. Kung hindi man siya ’yan, may puwesto na siya, iyon. Pero nung tinawag siyang 3rd runner-up, sabi ko, okay na, okay na. Hindi na naging isyu sa amin iyon," says Jonas Gaffud (main photo) about Shamcey Supsup’s (inset) fourth-place finish in the Miss Universe 2011 pageant.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mentor ng Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup na si Jonas Gaffud.

Si Jonas din ang head ng modeling agency na Mercator, kung saan kabilang si Shamcey at ang iba pang top models ng bansa.

Kasama ni Shamcey si Jonas na pumunta sa Sao Paulo, Brazil, kung saan ginawa ang Miss Universe 2011.

Pinakuwento ng PEP si Jonas ng mga kaganapan doon during the pageant.

Noong mapasama raw sa Top 5 si Shamcey, ang akala ni Jonas ay ito na ang mananalo bilang Miss Universe.

Kuwento niya, "Iyon talaga ang feeling namin.

"Ang sinabi ko kay mommy niya, ’Mommy, sobra akong kampante sa evening gown, she can even top the evening gown. Pero pag papasok na siya sa Top 5, siya na mananalo!’"

Magkatabi raw sila sa upuan ng ina ni Shamcey during the pageant.

Patuloy niya, "After ng Q & A, na sobrang okay ang sagot ni Shamcey, so na-feel naming malakas na.

"Nung pagdating kay Miss Angola, ang lakas talaga ng crowd, sobra!

"Lahat ng mga iba’t ibang bansa na nasa African continent, na mga islands... Trinidad and Tobago, Puerto Rico... lahat-lahat ng mga islands, kay [Miss] Angola na sila.

"More than [Miss] Brazil, ang [Miss] Angola, the whole crowd talaga!

"Feeling ko, medyo naka-sway talaga yung crowd, sa last look."

Ano naman ang naging reaksiyon niya nang tawagin si Shamcey as 3rd runner-up?

"Before that, sinabi ko sa mga katabi ko nung time na yun, na parang let’s surrender everything to God now.

"Kung hindi man siya ’yan, may puwesto na siya, iyon.

"Pero nung tinawag siyang 3rd runner-up, sabi ko, okay na, okay na.

"Hindi na naging isyu sa amin iyon."

Ano ang mas nangibabaw sa kanya—hinayang o saya?

"Saya naman!" sambit ni Jonas.

"Mas positive, mas positive, kasi mahirap yung sinundan niya na yapak ni Venus, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jonas din ang mentor at manager ni Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj.

Mag-aartista ba si Shamcey?

"Hindi, malamang hindi! Actually, hindi," sagot ni Jonas.

"Pero sabi ko, ’Huwag mo namang tanggihan yung... halimbawa may darating na offer na hosting. Para you can broaden your influence sa mga tao, nandiyan ka pa rin, visible ka pa rin.’"

BECOMING A BEAUTY QUEEN. Isa si Jonas sa moving forces ng Aces & Queens, isang agency na nagde-develop at nagte-train ng beauty pageant contestants.

Ayon kay Jonas, "Binuo namin, grupo kami, iba’t ibang profession namin.

"May executive ng isang oil company, merong isang lawyer-to-be, may nagwo-work sa Congress...

"Mga pageant fanatics din kami nang binuo namin yung grupo.

"We just use the headquarters of Mercator for training, ganun-ganun, kasi ako yung may office ng modelling.

"Pero kami talaga yung bumuo ng grupo, including pati pala yung make-up artist ni Heart [Evangelista], si Albert.

"Tapos ’yon, kami yung naggu-groom.

"Binuo namin yung grupo nung 2005, sunud-sunod na yun."

Ang isa raw sa mga una nilang produkto ay si Gionna Cabrera na nanalong Bb. Pilipinas-Universe noong 2005.

"Tapos sunud-sunod yun, hanggang 2008 na [Miss] Universe], 2009 [Miss] World, and [Miss] International.

"Tapos 2010 si Venus, 2011 si Shamcey.

"Pero I started... me, ako ang nag-start kay Zora Andam, 2001 pa, [Miss] Universe din."

MIDAS’S TOUCH. Halos lahat nang hinawakan ni Jonas ay nagiging "winner."

Bukod sa mga nabanggit, talents din niya sina JC Tiuseco (first Survivor Philippines Ultimate Survivor) at Akihiro Sato (Ultimate Survivor ng Survivor Philippines Celebrity Showdown).

Ano ang "formula" sa pag-discover ng winners?

Ayon kay Jonas, "Wala namang formula sa mundo, e. Kahit sa buhay, wala namang formula.

"There’s no formula in life but there’s a part of you that should believe in someone.

"Kung mawawala yung belief mo sa isang bagay, wala rin.

"So, kung maniniwala ka talaga, ipaglalaban mo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You will hone their skills to be the best."

BRAPANESE INVASION. Si Jonas din ang nagpasimula ng "Brapanese invasion" sa bansa. Bukod kay Akihiro Sato, talents din ng Mercator ang mga Brazilian-Japanese hunks na sina Daniel Matsunaga, Hideo Muraoka, at Fabio Ide.

Paano nga ba niya naisipang dalhin sa Pilipinas ang Brapanese models na ito?

"Well, yung look kasi nila, when we decided to bring them in...

"Sa modelling kasi, ang daming nag-experiment ng mga iba’t ibang look.

"E, sinabi ko, ang market ng Philippines ay mestizo. Ang gusto hindi blonde, hindi yung masyadong foreign-looking.

"Although minsan, may ganun na mga clients na kumukuha.

"Pero nagkataon na nung nadala namin si Fabio the first time, nag-hit siya sa advertising. So, naisip naming ganoong look ang hanap [ng clients].

"Nagkataon lang na they decide to stay, they wanted to stay."

Ano naman ang masasabi ni Jonas sa relasyon nina Daniel at Heart, na nababalitang nagkakalabuan daw ngayon?

"Okay naman, happy naman silang dalawa, so happy din ako.

"Basta ako, sa nakikita ko, happy si Daniel. Alam kong very happy siya, e, di supportive kami sa kanya.

"As well as Heart, kasi kahit papaano, magkaibigan na rin kami, tsika na kami," sabi niya.

JONAS’S TALENTS. Ano naman ang mga plano niya sa kanyang mga alaga?

"Kay Ian [Batherson] talaga, gusto ko hosting. Ma-hone yung skills niya sa hosting sana.

"Tapos sana mabigyan siya ng break ng GMA sa hosting. Kasi nandun siya, e. Ngayon nandun siya sa GMA.

"I hope GMA will also give him a chance to do hosting.

"Si JC [Tiuseco], nagpapagaling. Kakatapos ng operation niya, so pahinga muna.

"Pinagbawalan ko nga siya pumunta sa Cosmo [Bachelor] Bash kasi hindi pa siya talaga puwede.

"Sa akin, kay JC, na-hone naman niya ang [acting] skills niya sa Sisid.

"Rest muna siya after ng operation niya [he tore his ACL o anterior cruciate ligament sa tuhod], so sana mabigyan ulit siya ng magandang primetime soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Akihiro, masaya ako dun sa aming nabuong friendship ni Kat de Castro [of Bayan Productions].

"Na, iyon nga, para matupad yung gusto naming show para kay Aki, about surfing. Travel show, pero about surfing.

"So, eventually, if things will push through, we will go sa iba-ibang surfing spots sa buong mundo.

"Si Fabio, may bago siyang show, yung Sarap At Home sa GMA News TV. Sila ni Jackie Rice at Sam Oh.

"Well, eventually, iyon pa rin ang kay Fabio, nasa comedy, ganun-ganun.

"Pero alam ko siyempre, gusto sana naming makapasok rin siya ng teleserye. Kasi masigasig naman siyang mag-aral ng lengguwahe natin.

"And we were able to meet the family of Fabio in Sao Paulo.

"The best yung family niya! Yung dad niya, pareho sila ng tatay niya na kuwela talaga.

"Hindi mo alam, mamaya, nagbibiro na pala, comedian rin!

"Ang mommy ni Fabio, mahal na mahal siya ng mommy.

"Hindi ko alam kung mama’s boy nga siya, pero sobrang mahal na mahal talaga siya ng mommy niya.

"Si Ervic [Vijandre], ako, naniniwala kasi ako kay Ervic, mabigyan lang ng magandang break, puwede siyang maging leading actor, leading man. Bigyan lang talaga siya ng break.

"Si Mikael Daez naman, namamayagpag siya. Nasa Amaya siya.

"Thankful ako yung kay Mikael at saka sobrang very grounded siya na tao and very humble.

"So, gusto ko lang na... okay sa kanya ang mga nangyayari sa kanya para lalo niyang matutunan ang acting.

"Hindi rin naman nira-rush ang mga bagay-bagay kasi para sa kanya, ayaw niya... at para sa akin din... ayaw niya na mabigla.

"Si Daniel, well, he’s really studying the language.

"Iyon lang naman talaga, iyon na muna ang para sa kanilang tatlo [Daniel, Fabio, and Akihiro].

"Kasi acting-wise, okay naman sila, yung language lang talaga.

"And iyon, I hope sana mabigyan si Daniel and Heart ng project together kasi okay naman sila as a couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Every time na naglalakad kami sa kahit saan, lahat napapatingin sa kanilang dalawa.

"Ibig sabihin, malakas talaga yung hatak nila together.

"Si Venus, ang gusto ko lang sabihin, even if she’s done with Binibining Pilipinas, I gave my word to BPCI [Binibining Pilipinas Charities, Inc.], if ever they need her, we will always be there for Binibini because she started with them.

"Tuluy-tuloy pa rin naman ang kanyang projects sa ABS-CBN with Umagang Kay Ganda and ASAP.

"Now I’m focusing more on charitable institutions for her kasi iyon ang gusto niya.

"Bago siyang spokesperson ng DSWD [Department of Social Welfare and Development] para sa mga kabataang hindi nakakapag-aral, na pinag-aaral ng DSWD."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN