Cristine Reyes says she’s in a perfect relationship with Rayver Cruz

Cristine Reyes plays wife to Derek Ramsay in the movie, No Other Woman. In real life, hahabulin ba niya ang taong mahal niya?

"Ako, kung maghahabol ako? Sa tingin ko, ayokong gawin yun na maghabol ako kasi ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi akin," she says.


Naging consistent si Cristine Reyes sa kanyang straightforward at maikling sagot sa tanong ng media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong press conference ng pelikulang, No Other Woman.

Ang una ngang tanong kay Cristine ay kung sakaling nagkaroon ng other woman ang lalaking mahal niya, ipaglalaban ba niya ito or papatay ba siya para rito?

"Kapag nangyari na malaman ko na may iba siya, siguro, papipiliin ko siya kung sino sa aming dalawa.

"Kung pipiliin niya yung isa, okay lang. That means, hindi siya para sa akin.

"Kung ako ang pipiliin niya, kailangan niyang hiwalayan yung isa."

Hindi siya papatay para rito?

"Try ko na lang siguro kung kaya ko!" sagot niya na ikinatawa ng lahat.

First time naman daw na nakatrabaho ni Cristine sina Derek Ramsay at Anne Curtis.

Aniya, "Flattered ako siyempre, kasi bago pa ako sa industry, tapos nakatrabaho ko na silang dalawa.

"So, marami akong natutunan, lalo na kay Derek.

"Minsan mahirap po, lalo na kapag may drama scene kasi palaging nagpapatawa, e.

"Si Anne rin, ma-chika. Pero masaya.

"Naging masaya ang trabaho namin, ang shooting namin, at yun nga, marami akong natutunan kay Direk Ruel [Bayani].

"Bago namin gawin ang scene, marami munang discussion na mangyayari, so maraming inputs na sinasabi sa akin.

"So, kung anuman po ang nakikita niyo, yun ang kinalabasan ng discussion namin kay Direk Ruel bago namin nagawa."

Cristine plays wife to Derek in the movie. Pero in real life, hahabulin ba niya ang taong mahal niya?

"Ako, kung maghahabol ako? Sa tingin ko, ayokong gawin yun na maghabol ako kasi ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi akin.

"Kasi, [pag] hindi ka na mahal, marami namang iba riyan, di ba?"

Ano ba ang matutunan, lalo na ng mga misis, sa role na pinu-portray niya sa movie?

"Yung character ko, perfect na siya, e. Wala siyang ginagawang mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya yun, panoorin n’yo na lang po. Perfect siyang talaga.

"Si Derek lang talaga ang nagkamali."

Sa movie, may linya si Carmi Martin na: "Tigilan na ang Lucy Torres at ilabas na ang Gretchen Barretto."

Nang pamiliin si Cristine between Lucy and Gretchen Barretto, ito ang sinagot niya:

"Siyempre, alam ng lahat na nandoon na ako, Gretchen.

"Pero, sa totoo lang po, gusto ko po talaga Lucy Torres.

"Kasi, ganoon po talaga ako. Gusto ko perfect wife, perfect life, perfect family.

"Sa Gretchen naman, yun nga, kung kailangan lumaban..."

Nasa perfect relationship ba siya ngayon with Rayver Cruz at naranasan na ba niyang mag-cheat sa boyfriend?

"Ako, perfect na. At saka, ayokong mang-cheat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN