Anne Curtis says she has never cheated on boyfriend Erwan Heussaff: "I believe in karma at ayokong mangyari [ito] sa akin."

Anne Curtis, who plays mistress to Derek Ramsay in the movie, No Other Woman, shares these life lessons:

"I think, with my character, you should know when you’ve reach your saturation point. When enough is enough. And also, if you know from the very beginning na mali, huwag mong ituloy."


Si Anne Curtis ang gumaganap bilang "other woman" sa pelikulang No Other Woman ng Star Cinema at Viva Films.

Sa trailer pa lamang, given na siya ang nang-agaw at nagpagulo sa pagsasama bilang mag-asawa nina Derek Ramsay at Cristine Reyes sa movie.

Pero very firm si Anne sa pagsasabing in real life, she will never be the other woman.

During the panel interview of No Other Woman Wednesday afternoon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound, Quezon City, tinanong siya kung in real life, ay ipaglalaban niya ang lalaking minamahal sa nang-agaw o mang-aagaw rito.

Sagot ni Anne, "Kasi, I think, everyone, sinasabi nilang talaga, hindi, hiwalay ’yan, di ba?

"But the thing is, when you’re in that position, hindi mo kaya, e. Kailangan mong malaman na ikaw pa rin ang pipiliin niya.

"So, ipaglalaban mo. At siyempre, gusto mong ipamukha sa kung sinuman siya na ikaw ang pinili, di ba?"

Bagamat parehong Kapamilya at Viva artists sina Anne at Cristine, ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa isang pelikula.

So, how was it working with Cristine and Derek?

"It’s been a pleasure. Ang fresh kasi ng pagsasama namin. We’re all open to go all out in this movie in terms of, not only the physical thing, but also in helping make our characters grow.

"Kung merong hindi naiintindihang eksena, nagtutulungan kami and of course, with the writers and Direk [Ruel Bayani], kung paano i-attack.

"Kasi, mahirap yung ginagawa namin.

"The three of us, aren’t married yet. So, ang hirap to tackle something na hindi mo pa na-e-experience.

"So, it’s a pleasure working with smart actors na nagtutulungan."

BEEN THERE. Nagkakatawanan sa presscon tungkol sa topic ng paghahabol dahil na-associate ito in real life, na tipong nagawa na raw ni Anne.

"Kung willing akong maghabol? Yes, oo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, mababaliw ka talaga. Hay naku, naku, naku!

"I think kasi, mababaliw ka talaga at wala ka nang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga tao.

"Mababaliw ka talaga sa taong mahal [mo] at hindi mo na iisipin ang mga consequence ng gagawin mo.

"Oo, gagawin ko talaga yun para sa taong mahal ko."

Buong-ningning naman na inamin ni Anne na nagawa na nga raw niyang maghabol para sa isang lalaking mahal niya.

"Para namang hindi na-broadcast sa buong mundo yun!" natatawa niyang sabi.

"You get to a point na, hindi mo na kilala yung sarili mo.

"So, oo, napagdaanan ko yun.

"It’s also part of growing up. With the experience, you mature, you learn how to handle a relationship.

"Matututo kang hindi na maghabol. Matututo kang dumedma na lang."

LESSONS. Being the mistress in the movie, ano sa palagay niya ang matutunan ng manonood sa character na ginagampanan niya rito?

"I think, with my character, you should know when you’ve reach your saturation point. When enough is enough.

"And also, if you know from the very beginning na mali, huwag mong ituloy.

"Kung makukuwestiyon ako, tama ba ’to or mali?

"Kung tama, from the bottom of your heart, you know na tama, then go.

"If you think na mali, then, you shouldn’t. Baka ikasira pa ng buhay mo."

Paulit-ulit naman na ipinapalabas sa trailer ang naging linya ni Carmi Martin sa movie na: "Tigilan na ang Lucy Torres at ilabas na ang Gretchen Barretto."

Kanino nakaka-relate si Anne, kay Lucy o kay Gretchen?

"I think, me already, I can have both personalities.

"Puwede akong maging perfect wife. But if you can ask me, I can have the Gretchen [personality]."

Was there a time that she cheated on her boyfriend?

"Never, never cheated.

"Never want to cheat because I believe in karma at ayokong mangyari [ito] sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Feeling ba niya, she’s in perfect relationship with her boyfriend Erwan Heussaff?

"I don’t think anyone can have a perfect relationship, but I’d like to think my relationship is close to being perfect."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN