Christopher de Leon on ex-wife Nora Aunor: "Yung roller-coaster ride na pinagsamahan namin. One way or the other, na in-love kami, di ba?"

Christopher de Leon wants to have a long chat with ex-wife Nora Aunor.

"Hindi naman heart-to-heart talk," he clarifies. "Kuwentuhan lang. ’Kuwentuhan mo naman ako. Ano ba’ng nangyari sa ’yo?’ Gano’n. Ang daming nangyari du’n [kay Guy], e."


Ilang oras bago ganapin ang red-carpet premiere ng Sa Ngalan Ng Ina noong September 22 sa SM The Block, na-interview rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christopher de Leon sa taping ng mini-serye nila ni Nora Aunor sa clubhouse ng Casa Milan, Fairview, Quezon City.

May ilang mahalagang paglilinaw si Boyet, bilang aktor at politician, na hindi niya nabanggit o hindi akmang banggitin sa SNNI presscon.

Ang iba naman, tungkol sa personal relationship nila ni Nora, bilang ex-married couple, at sa kanilang anak na si Ian de Leon, ay malaya ring binigyang-pahayag ng aktor.

Hindi sa layuning "gumimik" para sa publisidad, o iligaw ang katotohanang very much married si Boyet sa aktres na si Sandy Adolong, with whom he already has five grown-up kids.

Si Ate Guy naman na, diumano, ay may "platonic" relationship with rapper, John Rendez.

Sa nakaraang panayam namin kay Nora Aunor, ay may nabanggit na ilang mga rebelasyon ang superstar; halimbawa, tungkol sa "pagde-date" pa raw nila ni Boyet noon, kahit hiwalay na sila.

"Noon... noon, ha?" paglilinaw rin ni Boyet, matapos ang pag-amin.

At totoo nga rin bang sa pag-uusap nila, as estranged couple, ay tinatanong ni Boyet si Ate Guy kung sino ang naging boyfriends niya? O suitors?

"Uhm..." marahang wika ni Boyet, bilang pagsang-ayon.

At tinatanong din nga ba siya ni Ate Guy hinggil sa mga nililigawang babae noon?

"Uhm..." sabi uli niya.

Hindi nagbanggit ng tahasang "Oo" si Boyet, pero malinaw ang pagsang-ayon; tumatango siya nang bahagya.

PEP then asked, kung magkakaroon uli ng chance sina Nora at Boyet na magkausap nang masinsinan, kukumustahin din ba uli ni Boyet si Ate Guy hinggil sa mga personal concerns nito?

"Yeah. Why not? Sure. Oo, bakit hindi?" tiyak na mga sagot ni Boyet.

At natawa siya nang bahagya pagkasabi niyon.

"Tsismis... ’Sino ba ngayon ang [boyfriend mo]?’" naisip ni Boyet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP told him, ayon sa kasalukuyang sitwasyon ni Nora, she claims wala siyang boyfriend although nananatili ang closeness, o ang friendship, o ang "platonic" relationship nga raw nila ni John Rendez.

"Yeah... the ever faithful," banggit ni Boyet hinggil sa lalaking malapit pa rin kay Nora.

Sa nakaraang hiwalay na interview ng PEP with John Rendez, nabanggit naman ng actor-rapper ang personal regard niya kay Boyet, whom he said he respects "for being such a great actor."

Ayon din kay John, walang pagkakataon na magkausap sila nang personal ni Boyet, and that, ayon pa sa kanya, "I don’t wanna waste the guy’s time."

Boyet said he was aware of certain past "negative issues" involving John Rendez, but he’d rather not dwell on them at this point, lalo’t napapaulat din na sina Ian at John ngayon ay "on friendlier terms" na.

"Oo, parang wala na sa kanya [Ian]," sabi rin ni Boyet. "E, ewan ko kung ano’ng ginawa niya [John].

"Dumidistansiya ako," sabi na lang ni Boyet.

As for Guy and John Rendez, "Well, nagki-click naman sila, as good friends, so... why not? Ingat lang," sabi pa ni Boyet.

CONCERN FOR ATE GUY. Hindi man siya demonstrative o outspoken, nananatili ang concern ni Boyet kay Ate Guy, especially during times na may matitinding pagsubok ang dati niyang asawa.

Kabi-kabila ang negatibong pag-atake sa superstar ng media.

"Kasi, alam mo naman ang mga balita. Minsan, hindi naman totoo. Pero alam ko yung mga totoo," sabi rin ni Boyet.

Tulad daw, halimbawa, "Siyempre, yung nahuli siya," recalled Boyet, about the infamous "drug case" Ate Guy got involved in, sa LAX Airport, in 2005.

"Nagulantang ako noon. ’Ano ba puwede nating gawin?’ Wala. Nandu’n siya [sa US], may iba siyang [kasama]," pag-amin ni Boyet, na wala ring komunikasyon noon kay Ate Guy, who was then being managed by Nori Sayo, who reportedly also didn’t see eye to eye with John Rendez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nayayamot lang ako sa mga hindi totoo [na balita]. O basta mai-tsismis lang siya. Pero hindi ko alam kung totoong ganito, kung totoong ganyan...

"Alam mo na. Ang dami nating hindi masabi; hindi mara-write up, actually, na sinabi tungkol sa kanya."

Worse, walang chance si Boyet na makausap nang direkta si Nora, o makibalita man lang.

"Zero [information]. Nakikibalita na lang ako sa mga anak, kina Ian. ’O ano’ng nangyari na?’

"Pag walang access sa balita yung mga anak ko, wala rin ako. Dahil hindi rin naman ako [binabalitaan]. Sila ang mas nakaka-investigate, e."

Sa pagta-trabaho nila uli ni Nora, nagkaroon na ba ng chance, sa nakaraang isang buwan [mula noong mag-start ang Sa Ngalan Ng Ina tapings, last August 22], na makapag-usap sila tungkol sa mga seryosong bagay, gaya nang nabanggit ni Boyet?

"Ah, so far, wala pa," anang aktor.

Otherwise, gusto ba ni Boyet na maka-"heart-to-heart" talk, sa ngayon, si Ate Guy?

"Hindi naman heart-to-heart talk," nangiti siya.

"Kuwentuhan lang. ’Kuwentuhan mo naman ako. Ano ba’ng nangyari sa ’yo?’ Gano’n. Ang daming nangyari du’n [kay Guy], e," palagay din ni Boyet.

ROLLER-COASTER RIDE. Ayon sa obserbasyon ng mga taga-showbiz, at posibleng ayon din sa nararamdaman ni Boyet, hanggang ngayon ay nasa puso pa rin siya ng kanyang former actress-wife.

"’Yung roller-coaster ride na pinagsamahan namin," pagtukoy pa ni Boyet about him and Nora.

"One way or the other, na in-love kami, di ba?

"One way or the other, kahit papa’no, nagbunga yung pagmamahalan.

"Ngayon, parang... kasi, even before yung comeback niya [Nora], gumagawa kami ng movies, [na] we’re separated na, e. Di ba? Ang dami naming ginawa [as estranged couple]."

Kabilang dito ang mga obra ni Ishmael Bernal, tulad ng Bakit May Pag-Ibig Pa? (1979) and Ikaw Ay Akin (1978), a love triangle involving Guy-Boyet and Vilma Santos; and Beloved (1985), directed by Leroy Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-click pa rin nga ang "reel tandem" nila ni Ate Guy over the years.

"Pero hiwalay na kami noon, nu’ng panahon na ’yon.

"So hindi na bago sa amin yung... to work together, [and] stay as friends. ’Yon!" pagtukoy pa ng premyadong aktor.

At sa pagtatambal, o pagsasama nilang muli, this time in a mini-serye for TV5, like Mario O’Hara’s Sa Ngalan Ng Ina, bumabalik din sa alaala ang ilang memorable films ng tandem, lalo noong nagsisimula pa lang ang totoo nilang pag-iibigan, katulad ng Banaue (1975) na una silang nagka-trabaho with National Artist Gerry de Leon as director; and Tatlong Taong Walang Diyos (1976) na dinirek ni Mario O’Hara noong nagsasama pa sina Guy at Boyet, bilang mag-asawa, at wala pang isang taon ang anak nilang si Ian.

"Dinadala ko pa noon sa set si Ian; karga-karga ko noon, sa Majayjay, Laguna ang location," recalled Ate Guy, in a separate interview.

Nangingiti na lang ngayon si Boyet, recalling those years ng pagsasama and, eventually, paghihiwalay nila ng una niyang pinakasalang aktres, habang nanatili ang malalim na pagkakaibigan.

At lalo raw siyang nangingiti, kundi man natatawa sa sarili, kapag napapanood pa rin, on cable television, or in videos, ang mga luma niyang pelikula, with either Nora or Vilma, na madalas niyang nakakapareha.

For instance, si Ate Vi, na una niyang nakapareha, also in 1975, sa Tag-Ulan Sa Tag-Araw (by Direk Celso Ad Castillo), a romance-drama about first cousins who fall in love and dare to risk family rejection.

"Meron akong [copy], on VCD, sa bahay. Pero hindi ko binubuksan," natawa uli si Boyet.

CLARIFYING ISSUES. Lately, sa tungkulin ni Christopher de Leon, bilang Board Member ng Batangas Province, ay may direkta pa rin siyang pakikipag-ugnay kay Vilma Santos, bilang kasalukuyang Governor ng lalawigan.

Whereas before, ang issues involving them ay pawang "showbiz-oriented," this time, may kinalaman na rin ito sa kanilang real-life role, bilang public servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya mabilis na nilinaw ni Boyet, o Brother Boyet to his co-parishioners, ang issue na lumiliban siya sa tungkulin sa provincial capitol; tulad ng magkaroon ng "Alay Lakad" program sa Batangas, kamakailan, na diumano ay "nawawala" at hindi sumipot si Boyet, bilang pag-suporta.

"Nasa Batangas din ako noon; nasa Taal," paglilinaw ni Boyet, referring to his SNNI taping, na ayon sa aprubado niyang schedule.

"Hindi naman ako nag-a-absent. Wala naman akong absent sa [mga] session," paninigurado pa ng halal na pulitikong pang-lalawigan.

"Tingnan mo, kahit pumunta ka sa Kapitolyo [ng Batangas], yung attendance ko sa Sanggunian, kumpleto. Kung meron man akong absent, talagang nagkasakit ako noon.

Bilang miyembro ng provincial Board, "Full support kami kay Governor Vi.

"Yun naman ang trabaho ko du’n, e. Lahat ng gustong ipapasa ni Governor Vi [na mga panukala, o ordinances], kailangan dumaan sa amin, e.

"’Pag gusto ng Governor, kailangan dumaan sa Sanggunian. Okay? Pagde-debatehan namin ’yon sa session.

"Kasi, legislative [body] kami. Kami ang gagawa ng batas, ng ordinansa, o resolusyon para maipasa ang isang pangangailangan," paliwanag pa ni Boyet.

"Para kaming yung mga senador; yung gobernadora namin, siya naman ang presidente," paghahambing pa ni Boyet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN