Edgar Allan Guzman is now a Regal baby, will also do movie with John Lloyd Cruz for Star Cinema

Inamin ni Edgar Allan Guzman na ang Cinemalaya entry na Ligo na me, Lapit na U na kanyang tinanggap ay isang make or break sa kanyang career.

"Kung hindi nag-hit yun, ramdam ko talaga na parang hanggang dun na lang talaga. Di na ako nag-expect, wish ko na lang nun na sana maging maganda ang resulta. Tapos yun nga, sa awa ng Diyos naging maganda ang resulta, nagkaroon nga ako ng award. Yun lang, ang saya-saya," he says.

<


Matagal nang pangarap ni Edgar Allan Guzman na mapasok ang mainstream cinema pero nanatiling pangarap lang niya ito dahil ayon sa kanya, wala pang tamang proyektong inialok sa kanya.

Naging mabagal ang takbo ng kanyang career, pa-extra-extra, bit roles ang palaging ginagampanan niya hanggang sa naihain sa kanya ang role sa Cinemalaya entry na Ligo na U, Lapit na Me.

At nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tinaguriang Indie Prince nitong nakaraang linggo sa PMPC Stars for a Cause, inamin niyang nag-open ng maraming opportunities sa kanya ang nasabing pelikula.

"Siyempre masaya, lagi nga po akong tinatanong kung di ba ako nababagalan sa takbo ng career ko. Sabi ko naghihintay lang naman ako ng tamang panahon. At ito na nga po, nangyari na nga.

"Kumbaga sunod-sunod naman, sunod-sunod yung mga breaks at nagpapasalamat ako dahil napansin ng mga tao yung pag-arte ko dun sa Ligo na U, Lapit na Me, kaya nakakatuwa at nakaka-proud."

Inamin ni Edgar na ang sinasabing Cinemalaya entry na kanyang tinanggap ay isang make or break sa kanyang career. April of last year nila ito sinimulang gawin at nagpaka-daring siya sa pelikula dahil malaki ang tiwala niya sa proyekto.

"Kung hindi nag-hit yun, ramdam ko talaga na parang hanggang dun na lang talaga. Di na ako nag-expect, wish ko na lang nun na sana maging maganda ang resulta.

"Tapos yun nga, sa awa ng Diyos naging maganda ang resulta, nagkaroon nga ako ng award. Yun lang, ang saya-saya."

Una na ngang bunga ng kanyang pinaghirapan ang pagkuha sa kanya ng Regal Entertainment at maihanay sa kanilang Regal Babies.

"Pangarap talaga yun, pangarap na natupad.

"Sobrang thankful ako kay Mother Lily Monteverde. Nanuod kasi siya nong movie e, at napansin niyang yung mga mata ko nga daw may sinasabi, parang nangungusap.

"So, ayun very thankful talaga ako sa kanya na binigyan niya ako ng chance na maging part ng Regal at maging isang Regal baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Miss Roselle [Monteverde] thankful din ako kasi siya po talaga yung nag-ayos nag lahat."

Hindi pa man siya nakahinga sa sobrang tuwa sa pagkakaroon ng mga upcoming projects with Regal, dumating naman ang offer ng Star Cinema na isa rin sa mga pangarap niya.

"Sa Star Cinema naman, si Direk Cathy Garcia-Molina ang nakipag-usap kay Sir Noel [Ferrer, Edgar’s manager] kasi nanuod din si Direk nung Ligo na U.

"Nung nagkaroon siya ng episode sa MMK [Maalaala Mo Kaya], kinuha niya ako. Kasama ko si Kim Chiu.

"Tapos naging maganda rin yung resulta and natuwa naman si Direk. Kaya nung may gagawin naman siyang pelikula, kinausap din niya si Sir Noel kung puwede ako sa pelikula ni John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

"Nalaman ko lang last week na confirmed na talagang kasama ako, so nakakatuwa kasi pinahiram din ako ng Regal sa Star Cinema na makasama sa pelikulang yun.

"Si John Lloyd Cruz, e, lagi kung sinasabi sa mga interviews at sa mga presscon na idol ko talaga siya.

"At ito na nga. Makakasama ko ang idol ko sa showbiz, makakatrabaho ko, so sobrang saya talaga. Nakakalula, hanggang ngayon lutang pa rin ako sa mga blessings na dumarating."

Pagdating naman daw sa kanyang love life, hindi daw ito magsisilbing hadlang para maibigay niya ang kanyang best sa mga opportunities.

"Hindi naman siguro, ayos naman lahat e. Kumbaga, okey na naman lahat, tapos na yun, matagal na yun e. Okey na, kaya focus ako sa trabaho ko, iniisip ko na kailangan kong patunayan ang pagiging best actor ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN