Family and friends mourn the death of Camille Prats’s husband, Anthony Linsangan

(Above) Camille Prats and Anthony Linsangan at their church wedding last March 5, 2010 at the Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati City; (below) Anthony passed away today, September 23, 2011, after succumbing to cancer. His remains lie at the Heritage Park chapel in Taguig City.


Pinuntahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang gabi ng burol ni Anthony Linsangan kanina, September 23, sa isang chapel ng Heritage Park sa Taguig City.

Si Anthony ang mister ng aktres na si Camille Prats.

Sumakabilang buhay kaninang bandang 8:45 ng umaga si Anthony, 31, pagkatapos ng kanyang pakikipaglaban sa nasopharyngeal cancer. (CLICK HERE to read related story.)

Pagdating ng PEP sa Heritage Park kanina ay kasalukuyang dinidinig ang misa para kay Anthony.

Namataan namin ang misis ni Anthony na si Camille, na nakasuot ng puting blouse.

Bagamat bakas sa mukha ng aktres ang masidhing kalungkutan ay larawan pa rin siya ng katatagan sa gitna ng kanyang pagdadalamhati.

Si Camille ay nabiyuda sa edad na 26.

Mayroon isang anak sina Camille at Anthony, si Nathan, tatlong taong gulang.

Sa unang gabi ng burol ni Anthony ay naroon din ang mga kamag-anak nito, pati na ang pamilya ni Camille.

Kasamang dumating ng kuya ni Camille na si John Prats ang kanyang co-host sa Happy Yipee Yehey! na si Bianca Manalo at ang kanyang co-star sa Banana Split na si Angelica Panganiban.

Naroon din upang makiramay ang co-stars ni Camille sa Munting Heredera na sina Gabby Eigenmann at Ynez Veneracion.

Sa maikling panayam ng PEP kay Ynez, sinabi nito: "Nadudurog ang puso ni Camille nung in pain na ang asawa niya."

Sabi naman ng family lawyer nina Camille na si Atty. Joseph Banguis, nasa Stage 4 na ang cancer ni Anthony nang madiskubre ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN