Mr. Fu helps solve people’s problems with cash, gifts and comic relief on his radio segment, I-Emote Mo Yan

Mr. Fu explains how he helps listeners and makes them laugh on his radio show:

"May isa naman, may sakit na tuberculosis. Pagaling na raw siya. Kailangan niya lang ng P1,500 para sa vitamins para tuluyan na siyang gumaling. Binigyan ko. Tapos dinagdagan ko pa ng 21-inch colored TV. Biniro ko na lang na dahil sa TB niya, kaya bibigyan ko rin siya ng TV. Naloka siya," he relates.


Bukod sa pagpapatawa, tila nalilinya rin ngayon sa public service ang TV and radio personality na si Mr. Fu dahil na rin sa radio segment niya sa 103.5 Wow FM, ang I-Emote Mo Yan.

Dito ay natutulungan niya ang kanyang listeners anuman ang problema nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng "pampalubag loob" in cash or in kind.

Kuwento nga ni Mr. Fu nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang radio program kahapon, September 22, marami na rin daw siyang natulungang problemadong listeners ng programa niya na Ang Tagabulabog ng Buong Universe, na napapakinggan sa 103.5 Wow FM, 8 a.m. to 11 a.m., Monday to Friday.

Paano ba niya naisip na ipasok ang pagkakawanggawa sa kanyang radio show?

"Kasi yung concept ng I-Emote Mo Yan nagsimula yan nung lumipat ako sa Wow FM galing sa Energy FM. Nagkaroon kasi kami ng kakaibang segments sa radio program ko. Kabilang nga dun yung Showbiz Fu, na rundown ng latest showbiz stories; yung Chorvahin Mo ’To, na survey question of the day; Sabi?!, about tips on having good fortune; Labas Dila Challenge; at Owkrayan Na, tungkol sa love advices.

"Tapos sabi ng management lagyan naman daw namin ng puso yung show. Kasi parang I’m known na for being funny, so lagyan naman daw ng heart yung show. Tinanong ko ngayon sila kung willing ba silang magbigay ng prizes para sa segment na yan. Um-okay naman sila.

"So, naisip ko yung I-Emote Mo Yan kasi yung term na yun very common ngayon yang salita kapag problemado ka o may napansin kang malungkot na tao, ang tanong mo, ’O ba’t nag-e-emote ka?’

"So, in-approve naman ng mga boss yung concept na magsasabi ng problema yung listeners on air at susolusyunan namin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tinatawag naming ’pampalubag loob.’ Pwede iyang in cash or in kind," mahabang paliwanag ni Mr. Fu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naman makakasali yung listeners sa segment na ito?

"I-text lang nila yung WOW 1035, space, tapos yung pangalan nila, address, landline o kaya cellphone number, tapos kung ano yung problema o ine-emote nila, brief description lang. Ise-send nila yun sa 2948. Pwede rin silang mag-post sa Facebook fan page ko, www.facebook.com/stardjmrfu. And then pipili kami dun tapos tatawagan namin."

ENCOUNTER WITH CALLERS. Anu-anong problema naman yung mga na-e-encounter niya mula sa callers?

"Yung mga problema pwedeng serious, pwedeng parang wala lang.

"Ano yung wala lang? Nag-break kami ng boyfriend ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Okay, so papayuhan ko ng konti and then bibigyan ko siya ng pampalubag loob.

"Kasi di ba, pag nag-e-emote ka, parang you deserve naman something na pwedeng magpagaan sa dinadala mong problema. Yung nakipag-break sa boyfriend pwedeng bigyan ko siya ng pera na pang-parlor. Ayan ang P1,500, magpaganda ka, whatever.

"O kaya manood ka ng DVD, may brand new DVD player ako dito, ibibigay ko sa iyo. Ganun kasimple.

"Meron ngang isang nanay, ang gusto lang niya maipasyal ang anak niya sa Star City. So, binigyan ko ng tickets sa Star City at me kasama pang baon.

"Tapos meron isang kulot na ang gusto ay ipa-straight yung buhok niya dahil gusto niya raw maranasan yung tuwid na buhok. So, binigyan ko siya ng pampa-rebond."

Meron din naman daw situation na may sakit yung caller o kaya yung kaanak niya.

"One time may nakausap akong nanay, bedridden na ang anak. Ang hinihingi lang ni nanay ay adult diapers para sa anak niya kasi nga nakaratay na lang. Every month daw gumagastos siya ng P1,500.

"Binigyan ko ng pang-tatlong buwang panggastos para sa diapers. Tapos binigyan ko ng P500 para magpa-pedicure naman siya, para masayahan naman siya.

"Ang kagandahan pa nito, naawa yung isang friend kong nakikinig, so nagdagdag pa siya ng P5,000. So, lahat-lahat nakakuha siya ng P10,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May isa naman, may sakit na tuberculosis. Pagaling na raw siya. Kailangan niya lang ng P1,500 para sa vitamins para tuluyan na siyang gumaling. Binigyan ko.

"Tapos dinagdagan ko pa ng 21-inch colored TV. Biniro ko na lang na dahil sa TB niya, kaya bibigyan ko rin siya ng TV. Naloka siya."

HELPING IN HIS OWN LITTLE WAY. Hindi raw maiwasang madala ni Mr. Fu sa emosyon ng callers kapag umiyak na on air sa tuwing nabibigyan niya ng tulong.

"Napapaiyak sila on air. Kung minsan, nakakadala rin. Kaya ako sinusundot ko pa rin ng humor para naman maging masaya pa rin yung conversation.

"Kasi hindi naman tayo pwedeng magpatalo sa problema, di ba? Sa kabila ng problema ay pwede pa rin tayong ngumiti o tumawa para gumaan ang ating pakiramdam."

"Pag napakinggan mo yung I-Emote Mo Yan, matatawa ka e. There’s a serious problem and yet there is comic relief dun sa pagtulong. Yun ang kakaiba dun sa public service na ibinibigay namin."

Ano ang pakiramdam ng nakakatulong siya sa mga tao in his own little way?

"Masaya, kasi eto ngayon yung fulfillment ng trabaho ko. Kasi fulfilling na yung mapasaya mo sila e, yung mapatawa mo sila. Pero yung matulungan mo pa sila in your own simple way, e dobleng fulfillment talaga yung nakukuha ko.

"Minsan may nanghingi ng pang-chemotherapy. Syempre malaking halaga yung involved doon. Pero kahit yung isang buwan man lang masagot mo, kahit pang-tawid gastos man lang na hindi nila kailangang problemahin yung pang-gastos for one month, yung ganun.

Although, siguro pwede kaming mag-level up in the future. Pwede kaming makipag-tie up sa mga agencies o kaya NGOs (non-government organizations). Pero sa ngayon yung immediate need muna nila, yun muna ang ibinibigay namin."

Nanggagaling daw sa Wow FM ang pera at items na ipinamimigay niya sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Galing sa station yung prizes, ako lang yung taga-deliver. Para makita n’yo yung mga tao na kumukuha ng premyo nila try n’yong i-check yung Facebook fan page ko. Nandun lahat ng videos para mapatunayan n’yo na totoo yung mga taong tumatawag sa segment ko dahil kine-claim nila yung prize nila."

NO POLITICAL AMBITION. Nilinaw naman ni Mr. Fu na ginagawa niya ang public service na ito sa kanyang programa hindi dahil sa may political ambition siya.

"Wala akong balak pumasok sa pulitika. At sabi nga hindi mo kailangang pumasok sa pulitika para makatulong. Ginagawa ko ito dahil ito ang gusto ko, gusto kong maging DJ, maging host, maging entertainer. Gusto ko lang makatulong habang nagpapasaya ng mga tao.

"Masarap kasi sa pakiramdam yung pag may makakasalubong ka at sasabihin sa iyo na nakikinig sila ng radio show ko, o kaya lagi raw akong pinapanood at napapasaya ko sila.

"Pero actually, mas napapasaya nila ako kasi every time na nakikita ko silang masaya, sumasaya ako e. masayahin kasi akong tao. Positive thinking lagi."

Hindi rin daw nag-aalala si Mr. Fu na baka isipin ng ibang tao na gusto lang niyang magpasikat o magyabang, masabi lang na marami siyang natutulungan.

"Ako kasi hindi na importante yung sasabihin ng iba e. Basta malinis ang konsensiya ko na masaya lang ako at gusto kong gawin ito. Care ko naman sa kanila. Me ganun, di ba?

"Hindi ko kailangang i-explain ang sarili ko sa kanila. For as long as may mga taong naniniwala sa akin, dedma na lang dun sa mga nega."

SHARING HIS BLESSINGS. Ang ginagawa niya raw na pagtulong sa kapwa ay paraan niya rin daw ng pagbabalik o pamamahagi ng blessings at suwerteng dumarating sa kanya. Lalo na ngayon na sunud-sunod ang ginagawa niyang projects pagkatapos siyang tanggalin bilang host sa nawala na rin sa ere na dating showbiz program ng QTV-11 na Tweetbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa radyo ay marami rin siyang TV projects ngayon. Napapanood nga siya sa TV5 shows na Celebrity Samurai, Paparazzi, Wow Mali at Talentadong Pinoy.

"Nagpapasalamat ako na totoo pala ang kasabihang, ’Pag may nagsarang pinto, mayroong umaangat na bubong.’

"Chos! Pero totoo yun. Nung inalis naman ako sa Tweetbiz, hindi naman ako nag-alala kasi alam ko naman na merong darating.

"Kasi kahit naman nung nasa Tweetbiz pa ako ay gumagawa na ako sa TV5. Wala naman silang masasabi dahil ipinaalam ko naman yun sa management ng GMA. Kaya lang biglang nagkasilipan. Anyway, past na yun at never namang sumama ang loob ko sa GMA.

"Thankful lang ako sa TV5 dahil nakita nila yung iba pang kaya kong gawin. Siyempre, nagpapasalamat din ako sa manager ko na si Noel Ferrer, ang aking guardian angel."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN